Kapitulo 7
Time
When I was young I always wanted to be happy, na ayokong makaramdam ng lungkot o kahit sakit, ayaw na ayaw ko. Pero bakit ganon? May time talaga sa buhay natin na magiging malungkot tayo.
Ang buhay ay hindi mabubuo kung walang pait, hindi p'wedeng puro saya lang, hindi p'wedeng puro tawa lang, kailangan mo ring dumanas ng lungkot, ng pait, ng sakit. Balance dapat lagi.
After akong tanungin ni Mickolo sa bar ay hindi agad ako nakasagot, nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng sagot ko, ngunit walang lumabas na kahit isang salita mula sa mga labi ko.
Hindi ko alam kung may karapatan akong mag-selos kasi wala namang kami, pero the heck that's what I feel. Kahit sabihin ng ilan na wala akong karapatan dahil hindi ko siya pag-aari, tang ina nagseselos ako.
Ilang minuto ang lumipas at may lumapit na babae sa kanya, niyaya siya sa dance floor at madali din siyang sumama. Noong una nag-aalangan pero sa huli sumama din.
At sa bawat hakbang niya papalayo ay lalo ko lang naramdaman na wala lang ako sa kanya, na kahit kailan hindi magiging akin ang isang Mickolo Carpions.
Umuwi ako sa bahay na namumugto ang mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, nasa taxi ako non nang namataan kong nag-lalakad sa daan si Jude at si Lyda nag-tatawanan.
Mukhang galing sa party, kung titignan sila parang mag-jowa pero hindi ko na inisip pa 'yon, ang nasa isip ko nung mga oras na 'yon ay 'yung sakit na nararamdaman ko.
Minsan naiisip ko, bakit ako? Yes I'm so much bless sa pamilya na mayroon ako pero bakit ako ang kailangan makaranas ng sakit?
Lumipas ang mga buwan, wala akong ibang inisip kung hindi ang mag-focus na lang sa pag-aaral ko. Kasi mas kailangan ko 'yon, kaysa mag mukmok ako sa k'warto ko.
Kagagaling ko lang ng School nang madatnan kong nagsisigawan na naman si Mommy at tita Cermina sa sala.
"Ilang buwan na akong nakikiusao sa'yo, mag invest ka dahil palubog na nga, 'yung kalaban kong kompanya sinasamantala! Bakit ba hindi mo maintindihan 'yon Cecelia?" Sigaw ni tita.
"Ate, hindi pumayag 'yung asawa ko sa gusto mong mangyari. Kung gusto mo magbibigay ako pero hindi ako mag iinvest ng 50 million. Magbibigay ako ng 10 Million sa kompanya mo" Nangagaliting sabi ni Mommy.
Pumunta ako sa likod niya para awatin sila pero hindi parin nag papapigil ang magaling kong tita.
"Bakit ayaw mo!?" Sigaw niya
"Ate ilang paliwanag ba ang kailangan mo. Paulit ulit lang tayo. Kung ayaw mong tanggapin 'yung 10 Million umalis ka na! Hindi kami mag iinvest ng asawa ko!" Mariing sabi ni Mommy kay tita.
"Cecelia. Ulitin mo sinabi mo. Babagsak na 'yung kompanya ni Mama tapos pride pa rin 'yang iniisip mo!" Sigaw niya.
"Ate tapos ang usapan. Hindi mangyayari ang sinasabi mo, kayo lang ang makikinabang" Sambit ni Mommy.
"Pagsisisihan mo 'to Cecelia. Pagsisihan mo!" Sabay alis ni tita.
Niyakap ko si mommy nang maka-alis na si tita, malungkot at halong pagka-galit ang expression ng mukha niya.
Ganun pa man, naiintindihan ko siya na nawalan na siya ng tiwala sa mga kapatid niya dahil pangyayari noon.
Ganon talaga 'yon. Once you've broke the trust you will never trust again. Trust me mahirap hindi pagkatiwalaan.
Kaya h'wag mong sayangin 'yung pagtitiwala ng mga tao sa'yo, kasi isang beses lang 'yon hindi na mauulit kapag sinira mo.
Kumain kami ng tahimik ni Mommy sa hapag. Si Daddy ay patuloy sa trabaho, hindi masyadong nauwi dito dahil malayo ang office niya kaya sa condo siya nauwi.