Chapter XIII: That Night
Bella's POV
Nagising akong sumasakit ang ulo. Pagkamulat ko, sumalubong sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag. Kinurap-kurap ko ang mga ito hanggang sa tuluyan na ngang luminaw ang aking paningin.
Tinaas ko ang aking kamay nang may naramdaman akong nakasabit doon. Doon ko lang napansin na naka-hospital dress pala ako. I tried to remember what happened and that's when I realized I was in an accident and this is obviously the hospital.
Ilang oras ba ako nawalan ng malay? Sinubukan kong tumayo para tumingin sa labas ng bintana ngunit napa-aray ako nang muling kumirot ang aking ulo. Sinubukan kong hawakan ang likod na bahagi nito kung saan nanggagaling ang hapdi at doon ko lang napagtanto na nakabenda pala ito.
Nagulat ako nang tumunog ang pinto at may pumasok.
"Bella!" It was Nana. "Sa wakas at gising ka na." She hurriedly ran towards me and embraced me with her hug. It was tight but comforting.
"Ano-ano ba naman itong mga pinaggagawa mo Bella? You were gone for two days and then malalaman ko na lang nandito ka na sa hospital." Bakas sa kanyang boses ang labis na pag-aalala. Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking buhok habang nananatili pa ring nakayakap sa akin ang kanyang mga bisig.
Hindi naglaon ay bumitaw na rin siya sa akin at doon ko lang napansin na may mga bago din palang dating sa pintuan. Tahimik na nakamasid sa amin sina Gino, Rino at Inspector Akinu.
"Bella are you feeling good now?" Inspector Akinu said as Nana finally took her seat beside my bed.
"Opo, salamat. How long was I sleep?"
He took a glance at his watch for a couple of seconds. "About...22 hours."
"I'm sure nagugutom ka na kaya heto kumain ka muna," sabi ni Rino. Lumapit siya sa mesa sa tabi ko at nilagay ang isang basket ng prutas na hindi ko lang naman napansin na dala-dala niya pala.
"Bella, what happened?" nag-alalang tanong ni Nana. "Rino told me everything, from the time he found you in the street lying, to the moment you got hit by an ambulance." I guess, I wasn't really lucky.
Tiningnan ko ng masama si Rino at napakamot naman ito sa ulo niya sabay ngiti sa akin. Ayaw ko na sanang malaman pa ito ni Nana dahil alam kong sa lahat ng tao siya ang labis na mag-alala. I could have just made some excuse but now that Rino already told her, I don't really see the need to.
"I'm fine, Nana. You have nothing to worry about."
"I also heard about Vee, was it really true? " Her eyes speaks dread more than curiosity.
Tumango lamang ako bilang tugon.
"Bella, kung totoo itong sinasabi mo na may dumukot kay Vee dapat sinabi mo kaagad sa amin," Inspector Akinu inserted. Balak ko naman sana talagang sabihin sa kanila. Hinintay ko lang matapos ang inbestigasyon nila sa hotel ngunit iyon nga, nagkasunog bigla.
The image of the guy's face in the hotel flashed in my mind again. Ano kaya ang laman ng binigay niya kay Vee? At si Vee, nasaan na kaya siya ngayon? May kinalaman kaya ang pagkamatay ng lalaki sa pagdukot sa kanya?
"Bella, are you okay?" Napabalik ako sa sarili ko nang nagsalita si Gino. "It's fine if you don't want to talk about it for now. " Hindi ko namalayang nakatunganga na pala ako.
"Sorry. It's just that, so much things are going on lately. "
"Looks like you still need some rest." nag-aalang saad ni Inspector Akinu at lumapit sa akin. "Sorry for bothering you at these times. 'Di na muna kami magtatagal may aasikasuhin pa kami. We will be back when everything's fine," He patted my shoulder and gave Nana a small nod.
BINABASA MO ANG
After Past (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "The truth behind those eyes are twisted lies, and behind those twisted lies is a person in disguise." *** The past still haunts her. She knows that there's more to the story than meets the eye. But as she dig deeper and deeper, more tr...