Pagkatapos ng nangyare ay bumalik na ako sa kwarto ko at natulog. Maaga ako gumising para makapunta sa opisina ng maaga. Hindi ako matatahimik hangga't hindi nalalaman kung bakit niya ako binibigyan ng gantong klaseng atensyon kahit na hindi naman kami kahit kelan nagusap.
Alas kwarto palang ng hapon, sigurado ako at nandito pa siya sa kumpanya. Dumiretso ako agad sa opisina niya, nakita kong bukas ang ilaw sa loob panigurado ay may tao pa. Sinubukan kong dumungaw sa salamin ng pinto dahil nakasarado ito. Nagulat ako ng bigla itong bumukas.
Kumalabog ng napakalakas ang puso ko, hindi ko alam kung paano magsasalita. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya kukumprontahen.
"Anong kailangan nila?" Tanong ng isang napaka gandang babae na siyang nagbukas ng pintuan ng opisina.
"Ah e. Si Mr. B-brillante sana gusto kong ma-makausap?" Nauutal kong sagot.
"Ah. Nakaalis na kasi siya, maaga siyang umuwi ngayon dahil may meeting siya bukas ng maaga sa La Union. May ipapasabi ka ba?" Tanong niya. Binasa ko ang name tag niya na nakasabit sa kaliwa ng damit niya.
CLAUDINE
Secretary"Ah. Pa-paabot nalang ng mga ito." Ibinigay ko sa kanya ang isang balot ng buto ng sunflower at isang sulat. Gumawa ako ng sulat kanina bago ako pumasok baka sakaling mautal ako sa harapan niya.
Hindi kasi ako sanay makipagusap sa mga tao ng personal. Hindi ako marunong magexpressed ng sarili ko kapag may nakatingin sa akin lalo na at hindi ko kakilala at hindi malapit sa akin.
"Sige. Makakarating ito sa kanya, pagdating niya bukas na bukas iaabot ko to sa kanya. May iba ka pa bang kailangan?" Nakangiting tanong niya.
"Ah. Wa-wala na. S-salamat." Sabi ko saka ko siya tinalikuran.
Mahaba pa ang oras ko bago pumasok kaya pumunta muna ako sa sleeping quarters at doon sana matutulog habang hindi pa oras ng shift ko. Pero magiisang oras na akong nakahiga, hindi pa din ako nakakatulog.
Tumayo nalang ako at pumunta sa cafeteria para kumain. Pagkatapos ko kunin ang pagkain na nabili ko, naghanap na ako ng uupuan nang nakita ko si Merc na kumakaen.
"Merc! Good evening." bati ko sa kanya.
"Oy Luna! Good evening. Ang aga mo?" Bati niya sa akin.
"Ah m-may inasikaso. Pwede ba akong makiupo?" Tanong ko sa kanya.
"Sige upo ka. Wala naman akong kasama." Alok niya sa akin.
Inilapag ko ang mga pagkain na binili ko at umupo na sa harapan niya.
Nung una ay tahimik lang kaming dalawa, ngunit hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"Merc, nung isang araw." Panimula ko. "May binigay ka sa aking box ng sushi hindi ba? Pwede ko ba malaman kung kanino iyon galing?"
"Ah yun ba. Galing yun kay Mr. Brillante." Naka-ngiting sagot niya. Tama nga ang hinala ko. "Gusto ka niyang makilala." Dagdag niya pa.
"Ha? Bakit naman daw niya ako gusto makilala?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko alam e, yun lang ang sinabi niya sa akin. Siya nalang ang tanungin mo." Nakangiting pa ding sagot niya.
Nginitian ko nalang din siya at naging tahimik na ulet kaming dalawa.
Malapit na kaibigan ko si Merc. Madalas kami magkwentuhan noon nung kasama ko pa siya sa prod at ahente palang siya. Pero sadyang tahimik lang kami parehas kaya kapag wala kaming mapagkwentuhan wala ding nagsasalita sa amin.
Gusto ko pa sana magtanong tanong kaso ang sabi niya ay wala siyang alam kaya nahiya na akong gawin yun.
Nagpaalam na ako ng nakita kong malapit na ang oras ng pasok ko. Naguguluhan pa din ako nang papunta na ako sa station ko. Hindi pa din nasasagot ang katanungan sa isip ko.
BINABASA MO ANG
As We Meet Again
Mystery / ThrillerAnd if you are to love, love like a moon loves. It doesn't still the night it only unveils the beauty of the dark. How can you love someone from far away? or how far can you love someone? If we are brave enough to love then how brave we are to do...