CHAPTER 2

2.1K 56 0
                                    

CHAPTER 2

NANGINGINIG ang aking mga kamay, ang lakas ng tibok nang puso ko, hindi dahil inlove ako ha, ngunit dahil akoy kinakabahan, para tuloy gusto kong maihi na ewan.

Susmeyo, talagang nananadya si tadhana eh! Bakit pa sa lahat nang tao eh yung lalaking nakasama ko sa Cr pa?

Uwaaa!!! Ayoko na sa Earth, sa kaniya nalang ako.. Sheytt ang landi. Kailan pa ako nagiging ganito sa isang lalaki?

Huminga muna ako nang malalim at saka lumakad papalapit sa Table no.18

"Hi Sir, here's your order."Walang emosyong sabi ko.

Pero deep inside parang gusto ko nang lubog sa sobrang hiya. Napakagat ako sa aking labi sa sobrang hiya. Paksyet talaga oh!

"Stop doing that."Malamig na sabi niya na ikinakunot ko

"Po?"Takhang tanong ko kaniya at walang emosyon naman niya akong tiningnan.

"Stop biting your lips."

Walang emosyong sabi niya na ikinalaki nang mga mata ko, okay lang kahit lumaki ang mata ko, atleast cute ako. Walang aangal, ang taong sabihan ako ng Cute ay maging sila ng crush nila in the Future. Malay mo diba?

"Ah. Okay po. Una na po ako."

Akmang aalis ako nang magsalita siya.

"What's your name?"

Tanong niya sakin at humarap muna ako sa kaniya bago ko siya sinagot

"Fheyra Ixy Valencia po. Nice to meet you."

Nakangiting sabi ko at saka tumalikod paalis. Nakahinga naman ako nang maluwag. Kanina ko pa pinigilang huminga.

Phew! Buti nalang at natapos rin. Parang gusto ko na kasing lumubog sa kahihiyan.

Sa dinami dami pa ng tao sa mundo, bakit ang lalaki pang 'yun ang naservan ko, I mean duh siya yung nakakita sakin na naka half naked kanina sa Cr. Letse naman e.

Bakit ba naman walang pangbabae at panglalake na Cr dito para magkahiwalay ang babae at lakaki, 'yan tuloy!

"Fheyra!"Tawag sakin ni Elaine kaya agad ko siyang tiningnan

"Bakit?"Tanong ko sa kaniya

"May nag-order na naman, Table no. 18"Sabi niya na ikinalaglag nang panga ko.

"Seryoso? Kakaorder lang niya eh?"Gulat na sabi ko sa kanya at tumawa naman siya

"Naku! Mahilig kasi yan sa mga alcoholic drinks, kahit isang balde pa ang ipa-inom mo sa kaniya, hindi yan malalasing."Pag-kukwento niya sakin na ikinatango ko naman.

Tiningnan niya ako ng napakalokong tingin na ikinataas ng kilay ko. Tss, ano na naman ba ang nasa isip ng babaeng 'to, kung makatingin para may nasaksihan o may nalanghap na fishy.

"Oh?"Mataray na sabi ko sa kaniya pero nginisehan lamang niya ako

"Hmm.. May something...."Nakangising sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Ano?"

"Wala. Ang sabi ko, punta kana sa table no. 18 dalhan mo nang tequila."Paalala niya at tumango lamang ako.

Tahimik akong naglakad papunta sa kaniya----este sa table no. 18.

Actually may mga tattoo ito sa kaniyang mga daliri, may mga X at saka 'yung skull then may sword, pabalik-pabalik lang 'yan sa mga daliri niya.

Actually, 'yung mga daliri niya lang ang napansin ko na may Tattoo.

Ewan ko ba pero pag nakakita ako ng mga lalaking may tattoo, mukhang adik pero ang isang 'to.....mas lalaong dumagdag ang appeal nito.

Nang makarating ako ay agad ko itong nilagay sa table niya at tumingin naman siya sakin na ikinatingin ko rin sa kaniya, agad rin naman akong nag-iwas nang tingin.

"Mauna na po ako, Sir."

Paalam ko sa kaniya at nagbow ako nang konti at saka dali daling umalis doon.

Ho! Parang lalabas na yung puso ko sa katawan ko sa bilis ng tibok eh.

UWIAN NA, I mean tapos na ang trabaho ko, hanggang alas 10 pm lang kasi ako kaya madilim na pero may nagsisilbing ilaw rin naman sa may gilid ng kalye kaya hindi ako matakot na umuwi mag-isa.

Woshohhh! Hindi ako takot multo. Brave kaya toh?

"Oy pre si Fheyra.."

"Hindi ako bulag, nakita ko siya."

"Hi Fheyra!"

Bati nang taga kanto lang, actually mababait ang mga 'yan at medyo kaedad ko lang. Mukhang gangster ang mga yan, basagulero pero mabait rin naman sa mabait.

"Hello rin sa inyo!"

Bati ko rin pabalik, hindi naman ako snobber kasi Mentos ako choss.

"Mag-isa ka lang Fheyra?"  Tanong sakin ni Raxon.

Mabait 'yang si Raxon pero basagulero lang din, Gwapo naman siya pero di ko type.

"Oo."Sagot ko sa tanong niya.

"Gusto mo ihatid ka namin ate Fheyra?"Tanong sakin ni Raxen.

Kapatid 'yang sila Raxon. 15 years old palang 'yang si Raxen pero pag height yong basehan ay pang 18 na talaga. Mabait rin siya at cute.

"Wag na, kaya ko naman."

Nakangiting sabi ko sa kaniya at nakita ko naman si Razen na nakatingin sakin.

Si Razen, 'yan ang tunay na snobber, hindi yan namamansin ang cold niyan, hindi yan palasalita. Cool Guy siya, tapos matangkad then gwapo kaso hindi ko rin type.

Silang tatlo ay magkakapatid.

"PWEDE BA MANAHIMIK KAYO!? ESTORBO KAYO SA PAGTULOG KO EH!!"Sigaw ni Suling.

"Kahit matulog ka! Pandak ka parin!"

Balik na sigaw ni Raxon, hindi ko na mapigilang hindi tumawa, totoo kasi, pandak siya mas matangkad pa nga ako sa kaniya eh. Pero walang tanongan ng height? Okay? Kasi basta Matangkad ako, medyo lang.

"Una na ako sa inyo."

"Sige. Ingat ka po ate."

Sigaw ni Raxen at kumaway lamang ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglakad. Hanggang sa marating ko na ang final destination ko. Charr.

Pumasok na ako sa bahay ko, kahit mahirap lang ako, gawa sa semento 'tong bahay na to. Inilock ko ang pinto dahil naku, mahirap na ako pa naman mag-isa dito.

Inilagay ko ang keychain ko na may susi sa may drawer.

Pumasok ako diretso sa kwarto ko at inilagay ang backpack ko sa may gilid at saka pumasok ako sa Cr para magbihis nang pangbahay.

Naka sando at short lang ako kasi ang init dito sa kwarto, wala akong aircon, hindi ko afford eh. So yung willing magdonate aheem.. baka nemen.

Pinaandar ko narin ang electricfan ko, at saka humiga sa kama at dahil hindi pa ako inaantok, mag-log-in muna ako sa Instagram.

Instagram is life.

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now