34 - giving a chance???

282 13 0
                                    

"Hi...." Wika ni kenzo. "Ay kalabaw!" Bahagyang nagulat si ace nang lumitaw ang binata sa likuran niya habang nagpipinta ito. "Alam mo para ka talagang kabuti... Kung saan saan ka sumusulpot..."

"Nagulat ba kita. Pasensya na ha." Ngiting wika ni kenzo sabay abot niya didto ng bulaklak. Hay naku hito na naman sya... Nagpapaalala sa nakaraan ko.

"Salamat sa bulaklak..." Kinuha niya at nilapag ito sa mesa. "Pwede ba humingi ng kunting oras... Mag kape naman tayo oh." Alok ni kenzo. "I'd love too but sorry... this work can't wait. Request kasi ito ng client ko. I have to finish it right away."

"Lagee naman eh... Okay lang. Medyo na sanay na rin ako sa mga pagtatanggi mo." Bahagya itong ngumiti na lamang na may halong lungkot.

"Kenzo naman..." Na bother ito. "Hindi, okay lang talaga... Aalis na ako...." Tumalikod na si kenzo. "Kenzo...." Tawag ni ace. "Yup..." Nakita niya itong bitbit na ang mini fashion black sling bag niya. "Tara na..." Ngiting wika nito. Lumawak naman ang ngiti ni kenzo. "Sure..." At inalalayan ito palabas sa pinto.

Coffer Shop
"Gusto ko lang sanang magpaalam sayo ace...." Bahagya ng nagulat si ace. "Magpaalam? Saan ka pupunta." Wika ni ace. "May aayusin lang akong negosyo ni papa sa London..."

"Aooh really.... Ilang araw ka naman doon." Tanong nito. "I'm going to take over my father's business there. Hindi na ako makakabalik pa agad."

"Hindi ka na babalik dito?" Bahagyang nalungkot si ace. Hindi niya alam pero parang nasasaktan siyang marinig na aalis na ito. Umiling si kenzo. "Hindi na..."

"Okay ka lang ace?" Panigurado ni kenzo. "Ah-o-Oh I'm fine..." Malungkot na wika nito. "Yon lang naman ang gusto kong sabihin ngayon sayo kaya inimbetahan kitang mag kape. Bukas na kasi yong flight ko kaya kung hindi ka pumayag na lumabas tayo ngayon. I never got the chance to say goodbye to you for one last time."

"Ganon lang kadali?" Wika ni ace. "Yeah I think so... Kasi wala namang tayo di ba... Wala naman din silbi yong pinaglalaban ko dito kung in the first place I failed to do it. Mahirap lumaban nang wala ka namang kalaban. Nakuha mo yon... Ang corny ko diba! Lumalaban ako sa pagmamahal ko na wala naman kasiguruhan pero tumaya parin ako kasi naniniwala akong meron pa... Kunting pag Asa akong nakikita pero habang tumatagal umiilap ang Laban ko kasi nga hindi naman talaga masusuklian." Hindi na makaimik si ace sa sinabi ni kenzo. Napalunok na lamang siya. Kinuha nito ang kamay ni ace. At hinimas na animoy ito na ang huling pagkakataon na mahahawakan niya ito.

"You'll always be in my heart ace. If you had a problem don't hesitate to call me. And I will try and do my best to come over and comfort you if you feel like you needed someone to lean on." Parang naninikip ang dibdib ni ace sa pagpapaalam ni kenzo. Parang may namumuong likido sa gilid ng kanyang mga Mata.

Hindi niya mawari ang nararamdaman. She could actually compared her feelings before to havin when he actually given up on her. She felt scared about it na susuko na ito sa panliligaw. Na realize niyang ayaw niya itong mawala ganon din ang nararamdaman niya ngayon para Kay kenzo. Is she had a feelings for him already??? But she keep on doing denying it kasi nga nasa isipan parin niya si havin nakaukit?

"Have something to say before I left?" Ngiting wika ni kenzo. "Ma-mag ingat ka. Have a safe trip." Yon na lamang ang nasabi ni ace sa kanya. Napatango tango na lang si kenzo and painfully bite his lower lips kasi anytime pwede ng mahulog ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. Hindi man iyon ang inaasahang sabihin ni ace sa kanya ay masaya parin siya dahil nakilala niya ito at minahal ng totoo. Kahit hindi man nasuklian ang pagmamahal niya at least nag iwan si ace nang Aral sa kanya para sa susunod niyang mamahalin ay magiging matibay parin siya.

"I'd better get going... Mag pe-prepare pa kasi ako ng mga gamit ko para bukas. Thanks for the time and coffee ace." At nagpasya na itong umalis bago patuloyang mahulog ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

Napalunok si ace. Gusto niyang habulin si kenzo. At sabihin sa kanya na Sana ay bumalik pa siya....

Para ano pa nga ba ace??? Di ba wala ka namang nararamdaman para sa kanya. Pinagtatabuyan mo nga siya palayo di ba? Ito na yong gusto mo? Ang umalis siya...

Pero bakit ako nasasaktan!

Hindi mo pa ba nakukuha ang sagot?

Dahil... Mahal mo na siya!
Says at the back of her mind.

Nakalimutan ko na ba talaga si havin o nakikita ko lang siya sa katauhan ni kenzo.

Mababaliw na ako sa kakaisip.

Umuwi si ace sa kanila na balisa. Ang lalim ng iniisip. Kumuha siya ng alak. Ni lagok niya lahat ng laman ng kopita niya.

"Its the second time I saw you drinking alcohol..." Wika ng Kuya terrence niya. "The first time reason is havin even if you don't bother to tell me the truth I knew it was him was bothering you. Hindi mo nga nagawa yan... When you lost him. I know you drink when someone is bothering you. And once again I know who is it."

"Really so sino aber?" Humarap ito sa Kuya niya. "Well... It's a guy again." Napahalaklak si ace. "You really a good fortune teller Kuya. You really are my brother. You know me very much. Cheers to that!" Tinaas ang kopita nito. Hindi siya sanay uminom kaya ngayon kahit maliit lang ang na inom nito ay parang ang lakas na ang tama nito sa kanya.

"Lasing kana? For just two shots?" Napangiti nalang si Terrence. "Gagooo hinnndiii pa noooh. Perooo malapiiit na. Kontiii nalanggg. "

"Itigil mo na nga yan..." Kinuha niya ang baso nito may kunti pa itong laman pero nilagok na Terrence ang natira.

"Anooo baaa pakialamerooo nitooo..."

"Mahal mo na noh."

"Ewaaan... Mahal nga ba? Pero bakit parang feeling ko hindi na ako marunong magmahal. Gusto Kong pagbigyan ang utak Kong bigyan ng pag Asa si kenzo. Pero bakit? Bakit ito! Itong puso ko ayaw niya Kuya! Bakit nahihirapan parin akong palitan si havin. NaTatakot ako. Baka... Baka kasi bumalik siya!" Hindi na lang eni-open up niya sa Kuya niya na may nakilala siyang kamukha ni havin.

"Nagbibiro ka ba. Kung babalik siya nakakatakot na yon noh! Alam mo ace... Kahit mahirap ibaon siya sa limot. Kailangan mong gawin kasi nga wala na siya. Kailangan mong mabuhay ng wala siya."

"Bakit hindi ko magawa..."

"Kasi nga ayaw mo pa siyang pakawalan... Pakawalan muna siya para makita muna si kenzo na andyan buhay na buhay na nagmamahal saiyo. Kailangan mong ma-realize ang mga bagay na iyon ace bago mahuli ang lahat. Aalis na siya bukas di ba! Malamang hindi mo na yon makikita pa. At siguro Kong magkikita man kayo naging masaya na siya sa iba. At ikaw naman habang buhay na magiging miserable sa buhay na pinili mo. Embis na piliin mong makasama siya ngayon na magiging masaya ka sana ulit."

-ooouuucchhh... Pakonsiya pa more Kuya Terrence... 😒👏

A/N: haysss Salamat nakapag update na rin... Sa wakas !!!!! 😅😂👏👏👏 Salamat sa suporta at naghihintay sa mga updates ko na ubod ng tagaaal. Hehehehe pasensya na ho talaga dahil sa naging busy lang ang lola nyu 😂

Enjoy reading!
Chapter 34 Done!

HOOKED ON YOU - BOOK II People change. But memories dont.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon