The Keeper's Love

418 34 5
                                    

Takot. Iyan ang palagi kong nararamdaman sa tuwing sasapit na ang Holy Week. Gustuhin ko mang umuwi sa amin at makasama ang aking pamilya, nananaig pa rin ang aking takot. A nightmare in daydream is waiting for my homecoming.

Taon-taon ay may nalalagas sa aming pamilya. Walang palya. Sa tuwing sasapit ang katapusan ng undas, ay isa rin sa amin ang namamatay. At iyon ay dahil sa halimaw na nasa ilalim ng aking kama.

Pagkarating ko sa bahay, isinara ko ang pinto at sumandal ako roon. Pinahid ko ang mga luhang bigla na lang tumulo. My eyes landed on my room's ajar door. Every night, sobrang takot akong matulog sa aking kwarto, knowing that there's a monster under my bed. Pero hindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kun'di, galit. Galit, dahil ang halimaw na 'yan ang dahilan kung bakit namatay ang aking Papa!

Pumunta ako sa kusina at kinuha roon ang itak na tinago ni Mama sa ilalim ng lalagyan ng kalan. Mahigpit na hawak ko ang itak sa kaliwang kamay, 'tsaka nagmartsa papasok sa aking kwarto. Oras na para tapusin ang kamalasang dala ng halimaw na ito!

With all my might, I pushed my bed. At halos mapasigaw ako nang lumitaw sa aking paningin ang isang nilalang na may nakatakot na hitsurang hindi ko maipaliwanag. Nabalot ng matinding takot ang aking katawan nang humarap ito sa akin at tumitig ang tila gintong kumikinang sa dilim na mga mata.

S-sigbin!

Humakbang ito papalapit sa akin. Sa sobrang takot ko at naiwasiwas ko ang itak na hawak ko rito. He growled in pain and he backed meters away from me.

"L-lumayas ka! Demonyo! Halimaw!" Kung anu-ano pa ang namutawi sa aking bibig sa sobrang takot habang iwinawasiwas pa rin ang itak para hindi siya makalapit.

"Itigil mo 'yan, babae! Itigil mo 'yan!"

Natigilan ako at kaagad napabaling sa direksyon ng bintana nang marinig ang boses ng isang babae. Napasinghap ako sa gulat nang may pumasok na babaeng naka-puting dress at may mahabang maalon na buhok. Humigpit ang hawak ko sa itak. S-sino siya?!

Nilapitan niya ang naghihingalong sigbin, at pinahiga sa kaniyang hita. She caressed its body.

"Wala kang puso," anang babae. "Ang tanging ginawa lang naman ng nilalang na ito ay mahalin ka at protektahan ka. At ito ang kapalit na iyong ibibigay?"

"A-ano?" I stammered.

"Simula noong bata ka pa, minahal ka na niya. At dahil mahal ka niya, pinrotektahan ka niya mula sa mga totoong halimaw na naninirahan dito sa bahay n'yo."

"Iyan ang halimaw! Pinatay ng halimaw na 'yan ang pamilya ko!"

"Ang pamilya mo ang tunay na halimaw at ang tanging ginawa lang ng sigbin na ito ay protektahan ka mula sa kanila!"

"Pero pinatay niya ang Papa ko!"

"Dahil may plano ang Ama mo na pagsamantalahan ka noong gabing iyon!"

Tumayo siya habang karga ang nakapikit na sigbin.

"Kung hindi pa nakabantay ang sigbin na ito sa ilalim ng iyong kama, baka nagahasa ka na ng iyong sariling Ama, Tina."

Hinaplos niya ulit ang sigbin bago niya nilapag sa aking kama. "Alagaan mo siya, Tina. Mahalin mo siya kagaya ng pagmamahal niya sa'yo." Then, she vanished.

Ilang segundo akong nakatitig sa walang malay na katawan ng sigbin. Unti-unting ibinaba ko ang aking kamay, at bumagsak ang itak sa sahig. With trembling knees, I walked towards the monster on my bed, and stared at it. Now that I knew about what he did, hindi na siya nakakatakot sa paningin ko.

***

Kinabukasan...

Ngayon na ang alis ko para bumalik sa Bacolod, kung saan ako nag-aaral. Bihis na bihis na ako at handa nang umalis, pero napatigil nang may naalala. Napangiti ako bago lumuhod sa gilid ng aking kama, at sinilip ang nasa ilalim.

"Hey," I greeted him. As if on cue, his eyes glistened like gold in the dark. Napangiti ako.

One thing I've realized after encountering this sigbin is, kung sino pa ang itinuturing mong tao ay siya naman palang halimaw ang ugali. At kung sino pa ang halimaw, ay may pagmamahal sa'yo bilang tao.

He crawled towards me, but never leaving the darkness under my bed. I scratched his head.

"I'm gonna keep you, love."

The Keeper's Love |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon