Prologue

485 10 1
                                    

Sabi nila, lahat ng tao may kapares.

Lahat ng tao may magiging katuwang sa buhay.

Lahat ng tao, may mamahalin ng hindi nila inaasahan.

Ano bang tawag nila dun?

Diba yun yung tinatawag nilang soulmate?

Yung tipong kahit anong gawin mong takas at iwas, wala ka paring magagawa sa huli.

Mamahalin mo parin siya.

Naniniwala ka ba dun?

Nakita mo na ba ang soulmate mo?

Eh sigurado ka bang siya talaga yun?

Eh paano kung ang "soulmate" mo ay namayapa na?

Yung soulmate mo, literal na soul nalang talaga?

Can he truly love His SOULmate?

---

Bakit ba lahat ng mga television shows at movies ko puro happy ending? Lahat nagiging masaya kasama ng mga taong mahal nila. Pero yung akin, ang layo sa mga ginaganapan kong shows at movies. Iba talaga ang tunay na buhay sa mga palabas. Mas mahirap mamuhay sa realidad. Hindi lahat nagiging masaya. Hindi lahat, happy ending.

3 years ago, bago ako pumunta dito, ang saya-saya ko. Ang saya-saya namin. Kasama ko pa nga siyang pumunta rito eh. Kahit hindi ko mahawakan ang kamay niya, ayos lang. Masaya naman ako basta kasama ko siya.

Pero nung makarating na kami, bigla siyang nawala. Hindi na siya nagparamdam 'till this moment. Hindi ko alam kung maghihintay pa ako. Mahaba na yung panahon na ginugol ko sa kanya. Napakatagal ko nang naghihintay. Naghihintay sa wala.

Minsan natanong ko sa sarili ko kung pwede na bang sumuko. Kung pwede bang makalimutan nalang ang lahat ng nangyari. Sana nga makalimutan ko nalang lahat. Para di na ako masaktan ng ganito.

Hindi ko nga alam kung may hinihintay pa ako. Minsan naiisip ko, ang galing galing talaga ng buhay. Yung kung kelan ako natutong magseryoso at magmahal, tsaka ako nasaktan. Biruin mo yun, si Kenji Ramirez, nagseryoso para sa isang babae. Parang joke 'no? Kaso hindi eh. Araw-araw kong tinatanong kung magigising pa ba siya. Sana.......sana.

As usual, nandito na naman ako sa ospital at dinadalaw siya. Araw-araw ko siyang dinadalaw dito. Araw-araw akong umaasa na bubukas ulit ang mga mata niya at sasabihin ang pangalan ko ng paulit-ulit. Yung araw-araw niya akong kinukulit. Yung naaasar na ako sa sobrang kakulitan niya pero sige parin siya ng sige sa pangbwibwisit.

"Kenji."

Napamulat ako nung narinig ko yung pangalan ko. Imposibleng si Elle yun. Lalaki kasi yung boses. Tsaka kilala ko namn kung sino yung tumawag sakin. Si Jaypee.

"Nandito ka na naman Kenji?"

"Ikaw rin naman eh. Di ko nga alam kung paano mo nakilala si Elle."

"Sikreto na yun pare."

"Sikreto mo mukha mo. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Binibisita ko rin si Elle. Masama ba?"

"Wala naman akong sinasabi eh."

"Musta nga pala yung bago mong pelikula? Balita ko ang ganda ng leading lady mo dun ah. Pakilala mo naman ako."

"Gago. Sumbong kita sa syota mo."

"Joke lang. Mahal ko girlfriend ko 'no. Ikaw nga todo bantay kay Elle. Tatlong taon narin pala 'no?"

"Oo. Tatlong taon na akong naghihintay."

And with that, the girl infront of me moved. She really moved. I saw it. Even Jaypee saw it.

"Jaypee tumawag ka ng doktor dali. Pare bilis!"

Tumakbo papalabas si Jaypee. Imposible. Imposible talagang gumising siya. Pero sana. Sana nga gumising na siya. Sometimes even the most impossible things happen.

The doctors rushed in. Halatang-halata sa kanila na gulat na gulat sila sa mga nangyayari. Kahit ako di ko alam kung ano ang nangyayari.

"Sir, please lumabas na muna kayo." Sabi sakin ng isa sa mga doktor na pumasok. Hinila ako ni Jaypee palabas ng kwarto. Kahit ayokong lumabas, wala na akong magagawa. Ano na nga ba nangyayari? Tuluyan na ba niya akong iiwan? O patuloy parin siyang nakikipaglaban para sa aming pag-iibigan?

Habang nagkakagulo na ang lahat sa loob, napaupo ako sa isa sa mga upuan sa labas. Hindi ko alam kung bakit pero, unti-unti kong naaalala yung mga panahong pinagsamahan namin ni Elle. Yung mga ala-alang di ko alam na pwede palang mangyari. Maybe it's time to remember it from the start. The visions started to rewind, and stopped from the very beginning. And now, i'll just have to play it again.

His SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon