*YVETTE*
Pagkalabas ko sa pantry agad kong pinuntahan ang grupo ni Jiménez.
"Nickson I'm sorry kasi nag order si Prime na hindi pwede ang mga babaeng server ang maasign sa VIP area. Ayoko na mawalan ng trabaho I'm sorry ulit."
"What!!! Badtrip naman oh. Saan ba naka asign si Mekaila ngayon? Doon na lang din kami pupwesto."
"Sa front stage ang area niya ngayon, kaya lang bakante."
"Gawan mo ng paraan na dun kami makapwesto, wag mong siraan ang gabi namen."
Asar na asar ako sa babaeng yun nasira ang gabi dahil sa kanya. Dahil sa kanya napahiya ako kay Prime at sa ibang staff at ngayon naman stress ako dahil demanding na grupo ni Jiménez.
Nilapitan ko ang isang grupo kinausap ko na kung pwede ilipat sila sa VIP area buti pumayag ang mga ito dahil sa tapos na ang set ng Primex band.
Agad ako lumapit sa grupo ni Jimenez para iginaya sa bakante upuan sa front stage.
"Thanks Yvette" kasabay nito ay pasimpleng abot ng sobre sa akin ni Nickson. Dahil kay Nickson kumikita din ako sa kaniya dahil sa pagbigay ng mga request nito.
Nakita kong ngumiti si Nickson sa bandang likuran ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Mekaila na pabalik na sa area kaya sumenyas ako sa kaniya na agad na kinalapit nito sa akin.
* - - - - - - *
*MEKAILA*
Mga ilang minuto din kami na tameme kay boss. Grabe si Boss talagang natanggal ang mga tutuli ko sa tainga dahil sa lakas ng boses nito. Bumalik lang ang ulirat ko ng marinig ang boses ni Ms. Yvette.
"Ang gagaling ninyong lahat talagang gusto ninyo ma badtrip si Prime sa akin. Ano pa hinihintay ninyo!!!? Balik sa trabaho sayang ang binabayad sa inyo kung tutunganga lang kayo"
Pagkatapos sabihin sa amin at basta na lang din nag walkout.
*Donna*
"Buti nga sa kanya, alam mo Mekaila yung mga nagseserve sa VIP ilang linggo hindi na pumapasok sa bar."*Rolly*
"Ngayon ko lang nalaman na ayaw pala ni bossing na may nagseserve sa VIP na babae."*Donna*
"Maswerte ka Mekaila hindi ka nakapag serve dun kasi yung grupo ni Jiménez grabe yun pagdating sa babae kapag natipuhan niya. Usap-usapan walang nakakatanggi jan kasi nga anak ng politiko. Buti na lang sakto lang ang ganda ko kaya safe ako dito"Tawanan na lang kami bago bumalik sa mga area namen. Nakita ko sa area may bagong grupo na uukupa sa isang table habang si Ms. Yvette ang nag assist sa kanila. Mga limang mga kalalakihan ang naroon. Maangas ang dating at halatang hindi gagawa ng maganda.
Nagmamadali akong lumapit dahil sa rin sa senyas ni Ms. Yvette. Pa simple akong binulungan nito.
"Ayusin mo ang trabaho, ayoko mapahiya sa kanila. Sige tanungin mo na ang mga order nila."
Lumingon ito sa grupo at nagbigay ng matamis na ngiti bago ako iwan.
"Sir can I have your order?"
Nanatili silang walang imik habang nakatingin sa akin kaya medyo na ilang ako sa uri ng titig lalo na sa lalake nasa gitna nakapwesto. Para akong hinuhibaran.
"one bottle Chivas Regal 25 and one bottle of Johnny walker blue"
"Miss yung finger food set no. 5"
"May additional order pa po kayo sir?"
"Miss anong pangalan mo?"
"Po?"
Tawanan ang mga ito kahit medyo asar ako ay hindi ko pinahalata nakuha ko pa rin na ngitian sila.
"Mga bro ang tatanda na naten panay ang po ni ms. Beautiful."
"Sige Ms. Beautiful yan muna ang mga order namen."
"Sige po"
Agad akong umalis para nagtungo sa counter para makuha at maserve ang mga order nila.
* - - - - - - *
*PRIME*
Asar akong bumalik sa grupo ko at nahihiya ako kay Mekaila dahil sa naging reaksyon ko. Pagkabukas ko ng kwarto ay naupo ako sa pwesto kung saan tanaw ang baba ng bar.
*Leo*
"Pre saan ka galing?"*Mike*
"Pre bakit ganyan ang mukha mo, bad trip ba?"*Bernard*
"What a face dude"?*Lucas*
"Anong nangyari sayo"?Hindi ko sinagot ang mga tanong nila tanaw ko ang grupo ni Jiménez nasa baba.
Talagang hindi na umukupa ng VIP room at mas pinili nila ang area kung naka-asign si Mekaila. Nakita ko si Yvette na abala sa pag istema sa mga ulupong. Nakita ko si Mekaila na agad lumapit para kunin ang mga order nila. Parang gusto kong wisikan ng kumukulong tubig ang mga mata ng ulupong nakikita ko ang pagnanasa sa mga mata nito.Nagmamadali akong bumababa para pumunta sa counter nauhan ko si Mekaila habang ay naglalakad palapit sa amin agad nitong iniabot ang order slip kay Berting na napasipol habang binabasa ang OS.
"Tiba tiba ka Mekay ngayon ang mamahal ng alak na ito."
"Dalawang tray ang ihanda mo Berting"
"OK boss"
"Yung tray na may lamang mga baso Mekaila ang buhatin mo."
"Ok boss"
Nagulat ang mga nasa counter ng kinuha ko ang isang tray na may lamang alak para dalhin. Nakita ko habang papalapit kami sa grupo at nagsalubong ang kilay ni Jiménez.
Isa isang inilapat ni Mekaila ang baso kasunod ang mga finger foods. Habang nakatingin sa akin na may inis ang grupo. Napangiti ako sa mga ito dahil trip ko na siraan ang gabi nila.
Inilapag ko ang mga bote ng alak kasunod ng fingers foods.
"What a surprise Prime ikaw mismo ang nagserve"
"I want to give you better service Jiménez, do you need anything?"
Ngumisi ang ulupong sa akin halatang banas na banas. Ikaw ba naman ang siraan ang diskarte sinong hindi maaasar.
"Tapos na ba ang set mo Prime?"
"Yeah"
"So waiter ka na ngayon, all around ka pala dito."
"Tawanan ang grupo dahil nais ni Jiménez na ipahiya ako kay Mekaila"
"Its okey with me kung all around me sa business ko. Kasi kailangan magtrabaho ng husto ayaw ko naman na umasa sa pamilya ko. Lahat ng mayroon ako ngayon ay dahil all around ako. Hands on talaga ako dahil Im not just Prime Montecristo for nothing. Im one of the successful businessman around the globe dahil sa pagiging all around ko."
Nawala ang mga ngiti at napalitan ng masamang tingin. Alam kong napahiya sila sa mga sinabi ko dahil wala naman silang ibang ipagmamalaki maliban sa anak sila ng politiko.
"Kung wala na kayong kailangan maiwan na namen kayo."
Umalis na kami ni Mekaila kahit nakatalikod ramdam ko ang titig nila.
* - _ - _ - _ - _ - _ - *
Keep on voting
Kindly leave your comment
BINABASA MO ANG
Prime Montecristo (ON-HOLD)
General Fiction"I love you, I do love you maging sino ka man pati ang nakaraan mo kasama sa minahal ko." Cover Photo by: findinghumanity