Chapter 6 of Ang Manyak kong Jowa
___
Tyler Alexis POV:
"What kind of hairstyle do you want Sir?", tanong ng babae.
Nandito ako ngayon sa isang salon para magpaayos at magpakulay ng buhok. Talagang pinuntahan ko agad ito para hindi na ako laitin ni Shamyka.
"Gusto ko yung astig na datingan na babagay sa akin.Isabay mo na ring kulayan na itim ang buhok ko.", sagot na turan ko sa kanya.
"Okay Sir. Noted.", sambit nito.
Napatingin na lamang ako sa salamin kung saan nakikita ko ang aking sarili. Kapag umiba na ang style at kulay ng buhok ko, siguradong mabibighani ang mata ng dalaga sa akin.Kung iniisip niyong gusto ko si Shamyka, nagkakamali kayo. She's just my flavor of the month. Sadyang nagaganahan lang akong asarin ito dahil kakaiba siya sa mga babaeng dumaan sa kamay ko. Pero kapag nakuha ko na ang loob niya, then I will make sure na ibibilang ko siya sa listahan ng mga nakama ko. That's the reason kung bakit ako ang naghahabol sa kanya.
Habang sinisimulan ng gupitan ang buhok ko, nakatanggap naman akong message sa chat. Isa itong video kaya't binuksan ko 'yon para panoorin.
Labis naman ang sayang umapaw sa damdamin ko nang masilayan ko kung tungkol saan ito.
It's all about Queen and Shamyka, ang mainit na sagutan na naganap sa classroom. Natutuwa ako dahil narinig ko sa video ang mga sinabi niya. She said to everyone na girlfriend ko siya. And because of that, wala na siyang takas pa. She's totally mine at wala ng pwedeng humadlang sa amin. Mas lalo tuloy akong naganahan sa mga oras na 'to.Two hours ang tinagal bago natapos ang lahat para sa pag-aayos ng buhok ko.
Ibang Tyler looks na ang bubungad mamaya sa mga estudyante. Tiyak na magtitilian sila kapag nakita nilang ganito na ako."Thank you and keep the change.", pag-aabot ko ng bayad sa babae. Kaagad na akong lumabas ng salon at sumakay sa aking kotse.
I can't wait to see the reaction of Shamyka if she saw me like this.
Dahil sa naisip ko, napangiti tuloy ako na nagdadrive patungong University.Gaya ng inaasahan ko kanina, pagkababa ko palang, gulat na gulat sila.
"OMG! Ang hot ni Tyler sa black hair niyaaa!",
"Kyaaahh! Bagay sa kanya ang buhok na 'yan.",
"Tyleerr, noticee me!",Sigawan at tilian nga ang nangyari sa loob ng campus. Masyado talaga silang patay na patay sa akin.
Diretso lang ako sa paglalakad at tinungo ko mismo ang room ni Shamyka.
Saktong nadatnan kong nagtuturo ang guro nila sa unahan."Magandang umaga.", ma-ginoo kong pagbati.
Lumingon naman sila sa aking gawi at makikita ko ang galak sa mata nila, pwera lang kay Shamyka.
Wala kasi itong ekspresyon na tila ba deadma lang ako sa kanya."Mr. Tyler? Ikaw pala 'yan. Hindi agad ako nakapagreact dahil akala ko kung sino. By the way, may kailangan ka ba?", the teacher asked me.
Ngumiti lang ako kasabay ng pagpasok.
"Actually, meron akong kailangan ma'am. Kailangan kong lumipat sa section na 'to.", I said directly.
"Lilipat ka dito?", kunot-noo na tanong niya, pero tanging pagtango ang naitugon ko.
"Mr. Tyler, diba Engineering ang kinukuha mo? Masyadong komplikado kung lilipat ka dito. Education ang course na 'to at malayo sa gusto mo.", muling sabi ng guro.
"Exactly ma'am. Malayo nga sa gusto ko ang nandito, but it does'nt matter anyway. As long as kasama ko ang jowa ko.", sweet na aking sambit.
Kilig na kilig naman ang lahat dahil sa naging banat ko.
"Okay Mr. Tyler, it's your choice. Ako na lang mag-aasikaso ng requirements mo para makatransfer ka agad dito. You can now take your sit.", wika nito.
Mabilis naman akong umupo sa tabi ni Shamyka at kinindatan ito.
"See, nagpakulay agad ako ng buhok para sa'yo. Para lang magustuhan mo ako. So I guess, you like me now.", mapanukso kong bigkas.
"Yung buhok mo lang ang gusto ko, hindi ikaw. Kaya 'wag kang assumero.", mataray nitong tugon.
I can't believe this. 'Yon lang talaga ang nasabi niya?
Ibang klase talaga ang babaeng 'to.
Walang oras na hindi niya ako pinapahanga.Natapos ang discussion, umalis na ang guro. Akma na rin sanang aalis si Shamyka pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Sabay na tayong kumain. Treat ko.", I insist.
"May pera rin ako. So I don't need---",
"Tyler! Oh gosh! Andito ka lang pala, kanina pa ako naghahanap sa'yo. Buti na lang at magaling ako manghula.", masayang sambit ni Queen nang sumulpot bigla. Hindi na rin naituloy ni Shamyka ang sasabihin niya dahil dito.
"So let's go? Sa labas na lang tayo kakain.", muling saad niya habang inaaya ako.
"And who do you think you are para ayain ang jowa ko?", malakas na wika Shamyka.
Nagawa nitong makipagtarayan kay Queen.
Sa halip na sawayin ko sila, nasiyahan pa akong manood."Shut up, will you? Hindi ikaw ang inaaya ko, si Tyler. At pwede ba, wala akong pakialam kung girlfriend ka niya. I just want to remind you, taste of the month ka lang. Magsasawa rin siya sayo.", tugon ni Queen.
"Well, it's up to him kung pagsawaan niya ako. Pero habang nasa akin pa siya, wala kang karapatan na hawakan at kausapin ang boyfriend ko. Kaya tabi!", bulyaw nito kasabay ng marahan niyang pagtulak sa dalaga.
Hinawakan niya na rin ang aking kamay at kinaladkad ako palabas ng room.
Just like WOW! I was so amazed of what she said.
__End of Chapter 6__
Written by: Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...