CHAPTER 30

4.5K 100 38
                                    

"Megan.. hija may bisita ka..." mahinang saad ni Millet sa kanya.

"Sino Tita?" malungkot na tanong ng dalaga habang tinutupi ang mga baby clothes na binili niya noon nakaraang buwan.

'Si John Lloyd..."

Awtomatikong napatingin ang dalaga sa kanyang handler. Kinabahan siyang bigla. Anong naisip ng binata at dinalaw siya nito?

"Tita a-ayoko po siyang harapin.. pakisabi na lang po na tulog ako..." alalang wika ng dalaga.

"Bakit naman ayaw mong kausapin yung tao??" takang tanong ni Millet sa kanya.

"Basta Tita... ayoko po..." mariing iling niya dito.

Napipilitan namang lumabas ng kanyang silid ang kanyang handler.

Kumakabog ang dibdib niya habang nakaupo siya sa kanyang kama habang hinihimas ang kanyang malaki ng tiyan. Kung maaari ay  gusto niya ng kalimutan ang lahat ng bagay o taong may kaugnayan sa kanyang nakaraan.Natatakot na siyang baka mareject na naman siya. Balak niya na ngang pumunta ng Amerika at doon isilang ang kanyang anak. Nakapagpasya na siya na mamumuhay na lamang siyang mag-isa. Nasa ganoong posisyon siya ng maramdamang mayroong tumabi sa kanya. Nagulat siya ng makitang si John Lloyd ito.

"Bakit ayaw mo akong harapin?" masuyong tanong sa kanya ng binata.

"A-ano bang ginagawa mo dito?" hindi makatingin na tanong ng dalaga.

"Meron ka kasing hindi sinasabi sa akin..." anito habang nakatingin sa maumbok niyang tiyan.

Napabuntong hininga naman si Megan.

'John Lloyd pls... i've had enough... ayoko na ng rejection..." naiiyak na saad ng dalaga.

"Kaya nga ako nandito eh... gusto ko maging bahagi ako ng buhay ng magiging anak ko."

Maluha luhang napatingin si Megan sa kanya. Tila di ito makapaniwala sa sinabi niya.

"Yes... i want to be part of our baby's life..." masuyong wika niya dito.

Tuluyan ng napaiyak si Megan.

"At tama ka sa sinabi mo noon sa akin.. I should've known you first.. so if you don't mind pwede ba kitang i-date?" nakangiting saad ni John Lloyd.

Hindi naman nakaimik si Megan. Sa Halip ay natawa lamang ito sa kanya. Natatawang binigay ni Lloydie ang hawak niyang boquet sa dalaga at masuyong niyakap ito.

Lumuluhang gumanti ng yakap sa kanya ang dalaga, kapagkuwan ay tila hindi makapaniwalang nagtinginan sila. Kapwa kasi nila naramdaman ang paggalaw ng bata sa sinapupunan ng dalaga.

"Mukhang nagse-say Hello sayo ang anak mo ah..." nakangiting ani Megan.

"Hello baby!!! excited na si Daddy na makita ka..." wika ni John Lloyd habang hinihimas ang tyan ng dalaga.

Nakangiti lamang si Megan habang pinagmamasdan ang binata. Nagpapasalamat siya sapgkat napatunayan niyang mahal din siya ng Diyos. After all the pain, the rejection, eto at hindi siya pinabayaan ng Maykapal na mag-isang harapin ang kanyang bagong buhay. She was still blessed afterall....

Samantala... dumating ang araw ng Graduation ni Sarah. Present lahat ang kanyang mahal sa buhay. Naroroon si Nanay Letty at si Gara, kumpleto din ang pamilya Decillo, at siyempre mawawala ba ang kanyang pinakamamahal na Babe?

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon