IDTBP21- The Big Moment

78 4 0
                                    

Chapter 21

Nang inannounce na ni Ciann na Girlfriend niya ako sa buong angkan niya, naramdaman ko agad ang tense ng atmosphere sa loob ng Party hall. Sabay nun ay napatingin ako kay Arian. Nakangiti lang siya saakin na parang walang nangyare. NAKU NAMAN LORD! tapusin niyo na ang araw na ito!

"Ciann...nagpakilala na ako. Tapos na diba? Tara alis na tayo." Sabi kong mabilis sabay hinila na siya palabas ng party hall. Nang....

"Hold it!" Paghinto saamin ng Dad ni Ciann. Maslalo tuloy akong kinabahan....nakakatakot boses eh. "So Ciann, talagang tinupad mo ang sinabi mo na magkakagirlfriend ka for 2 weeks?" Napalunok nalang ako sa kaba sabay nun ay hinawakan ako sa kamay ni Ciann.

"Yes. Girlfriend ko siya at walang halong biro kaya itigil mo na itong Fiancee thing." Sabi ni Ciann na seryoso ang muhka.

"If that's true then prove it. Kiss Her in front of everyone." Nanglaki ang mga mata ko. HALIK?! SERYOSO?! AYAWWWWWWWWWW!

"If that is what it takes for you to believe, then I will Prove it to you." Sabi ni Ciann sabay humarap saakin at hinalikan ako sa harap ng buong taong ito.

*kiss*

Di pa ako nagsasalita nun nang ninakawan na niya ako ng halik. Halos matunaw ako sa halik ni Ciann. Ang warm at gentle. Kahit alam kong panggap lang ito, bakit ang saya ko na hinalikan niya ako?

Pinikit ko nalang din mata ko at I just go with the flow. I hope we make it realistic this time. Pero ano itong sakit sa dibdib ko? Parang natatakot ako na matapos na agad ang nangyayare. Bakit parang gusto ko pa tumagal ang relasyon na meron kami ni Ciann?

Nahuhulog na ba talaga ako kay Ciann? Mahal ko na ba siya? Kelan pa? Paano? Imposible!

Sabay nun ay onti-onting nilayo na ni Ciann ang labi niya sa labi ko at humarap ulit sa Dad niya. Nakita ko naman ang Dad niya at Mom niya na di makapaniwala sa ginawa namin.

"Do you believe now?" Tanong ni Ciann sa Dad niya habang nakahawak parin sa kamay ko.

For now, let's talk about muna of what has been happening here in my crazy beating heart. Tibok ng tibok ng parang nagmamadali ideliver yung dugo ko sa katawan ko. Di ba kaya....Mahal ko na talaga si Ciann?

Sabay nun ay kinuha ng Dad ni Ciann ang Mic at nagsalita sa Harap.

"Folks, ano sa tingin niyo? Sino babagay para sa anak ko? Itong Hampaslupa na babae o ang Famous Model na si Miss Arian Cassandra Gonzales." nagulat ako sa mga sinabi ng Dad ni Ciann. Hampaslupa? Di naman ako kaadicct sa pera noh! At isa pa, may kaya naman pamilya ko. Di kami mahirap.

Di ko mapigilan sarili ko kaya nagsalita na ako sa Dad niya.

"Sir Buenavista, If I may excuse you to your Speech. For Your Information lang, may kaya po ang pamilya ko. At isa pa, kelan ho ba niyo paninindigan ang pagiging tatay kay Ciann? Ni-iisang beses ay naging Tatay ka sakanya. At isa pa, kung tatawagin mo lang akong Hampaslupa, alamin niyo ho muna ang storya ko bago kayo manghusga." Sabi ko sabay hinila si Ciann pababa ng entablado.

Nang makalabas na kami ng Party Hall. Hiyang-hiya ako sa mga ginawa ko sa harap ng Dad niya. Kung ano-ano nalang kasi ang lumabas kanina sa bunganga kong letse eh.

"Nice job kanina." Sabi ni Ciann sabay hinimas ang ulo ko. Ang gulo na tuloy ng buhok ko.

"Makagulo naman ng buhok!" Sabi ko sabay inayos ito.

"Yaan mo na, tapos naman na ang ginawa natin eh. I prove to my Dad na dapat din niya akong pagkatiwalaan and make my own desicions." Sabi ni Ciann sabay napatingin sa window ng bintana. "Do you think I did the right thing?" Sabi ni Ciann na may halong expression na malungkot na depressed.

"Ginawa mo ang gusto mo, kaya dapat wala kang pagsisihan." Sabi ko sakanya sabay naman ngumiti siya at sinabi...

"Thanks Betty." Sabay nilabas ang BLACK PRINCE smile niya as usual.

Pero yan ang Ciann na kilala ko eh. Ang Ciann na MAHAL KO.

Oo, Mahal ko nga si Ciann.

Nahulog na ako sakanya.

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon