Kasama ni Andi si Trent siya ang sumama sa dalaga sa supermarket dahil may binili ito.
"Bakit tahimik ka?" Tanong ng binata sa kanya.
Nagpout si Andi "Si Kuya Clint kasi nakakainis eh" sabi ng dalaga.
Napakunot si Trent ng noo nagtataka "Bakit?" Tanong nito.
"Ehh----kasi may nagkakagusto kay Ate Cass" sabi ni Andi na sumimangot ng husto.
Natawa si Trent "Oh eh ano naman" tanong nito.
"Gosh!! Pano pag nainlove si Ate dun di wala na chance ang Clint-Cass ang love team" sabi ni Andi na parang anytime iiyak.
"Wala tayong magagawa kung maiinlove si Cass sa iba, hayaan mo na she deserves to be happy, right?" Tanong nito.
Pang ilan na nga ba ang nagsabi sa kanya nun, napabuntong hininga na nga siya, sabagay tama naman sila.
Nalulungkot lang siya na parang all this time walang nangyari sa effort ng Ate Cass niya, di talaga na inlove ang Kuya Clint niya sa dalaga.
"Tara na, baka hinihintay na tayo ni Tita" aya ni Trent, pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse.
"Smile na" sabi nito at pinisil ang pisngi niya.
Ngumiti lang siya dito, pinisil ulit ni Trent ang pisngi ng dalaga.
Napapangiti lang siya na simple kasi malapit sila ni Andi sa isa't isa, may gusto talaga si Trent kay Andi pero natatakot siya aminin kasi baka i'reject siya nito, pati sa Daddy ni Andi kasi bukod sa mga Kuya niya isa siya sa lalaking malapit sa dalaga, pag ibang tao kasi pinaiiwas nila si Andi sa mga ito, pinagkakatiwalaan siya nito.
Pero darating ang araw na hihingin niya ang pahintulot ng mga ito para ligawan si Andi, at iparamdam dito kung gaano niya kamahal ang dalaga, sa ngayon masaya siya na kasama ang dalaga.
Pagdating nila sa bahay, ng naayos ang pinamili at kumain, naisip nila na pumunta ng garden at dun nagpahinga.
Nakaupo sila sa upuan, at magkatabi sila, tumayo si Andi at kinuha ang hose at diniligan ang halaman ng Tita, pero parang nagka ideya siya.
Lumingon siya at ngumisi kay Trent.
"Hoy anong iniisip mo?" Tanong ni Trent pero bago pa siya makareact tinapat ni Andi ang hose kaya nabasa si Trent.
Tawa ng tawa si Andi sa itsura ni Trent na basang basa, "Ah gusto mo yan ha, halika dito" sabi nito at tumayo kaya binitawan niya ang hose at tumakbo pero naabutan siya nito.
Binuhat siya nito yung parang may buhat na sako, nakapatong sa balikat niya si Andi, at nilapag niya to at tinapat ang hose sa dalaga na nabasa niya, tumili lang ito.
"Stooop" tili ni Andi, tumigil si Trent pero tumayo si Andi at inagaw na naman ang hose at tinapat sa binata, this time si Trent naman ang bumatakbo.
Tawa sila ng tawa sa labas, nilabas na din sila ni Abby at Manang dahil sa naririnig na sigawan at tawanan, natawa na lang ang dalawa sa nakita parang mga batang naghahabulan at nagtatawanan, simula bata sila ganyan na silang dalawa at di nagbago sa paglipas ng panahon.
Napagod na sila napaupo na lang sila sa garden, tawa pa din sila ng tawa.
"Napagod ako" sabi ni Andi.
"Paanong di ka mapapagod, ang kulit mo" natatawang sabi ni Andi.
"Magpalit na tayo baka magkasakit ka pa" sabi ni Trent.
"Sige, pero kargahin mo ako, dali" sabi ni Andi.
"Sige halika" sabi nito.
Pero binuhat niya ito na parang saka ng bigas nakapatong sa balikat niya, pumapalag si Andi, pero tawa ng tawa hanggang makapasok sa loob ng bahay.
Sa isang banda, nakatingin lang si Phil na nasa terrace ng bahay niya nakita niya ang lahat ang tawanan at basaan ng dalawa.
"Ang sweet nila" sabi ni Xander na may hawak na baso ng juice.
"Bagay nga sila" sabi naman ni Reese na may hawak na platito ng cake at kumakain nakasandal ang dalawa sa magkabilang gilid ng pintuan ng terrace nila.
At nakangisi kay Phil, tinignan lang niya ng masama ang dalawang kaibigan, nabubwisit siya sa nangyayari.
Masyadong malapit si Andi kay Trent, naiinis siya di niya magawa ang plano, yun ba talaga O nagseselos ka lang sabi ng isang parte ng utak niya.
"Bwisit" sabi ni Phil at pumasok sa loob ng bahay.
secretvhans ♥
BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomanceIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...