Chapter 37

9.5K 183 21
                                        


RYZO'S POV

Pagdating namin sa Enchanted Kingdom. Dali-daling lumabas si Ck. Ang dami pa naman tao sa lugar na'to. Kaya patakbo ko siyang sinundan. Mahirap na baka mawala pa.

"Ck, come here. Huwag ka tumakbo, listen ang daming tao huwag kang lalayo sa'kin baka mawala ka. Malalagot ako sa Mommy mo. Okay?"

"Tito, gusto ko sumakay doon oh!" turo niya sa   Ferres Wheel.

"Masyadong mataas iyan Ck. Tara dito hanap tayo ng magandang rides. Gusto mo ba yung sa water? Ayon oh, sasakay ka sa maliit na bangka." hindi talaga ako magaling sa mga bata at mga hilig nila.

Tumango nalang siya sa sinabi ko.

Sumakay na nga kami, mukhang naaaliw naman siya kaya hinayaan ko na lang. Habang pinagmamasdan niya ang ibang mga sumasakay.

Pagkatapos ay nagpicture taking kami. Aliw na aliw talaga si Ck. First time niya makapunta sa ganito. Busy kasi ang kapatid ko kaya kapag may oras lang sila nakakapamasyal magpamilya.

XHINIA'S POV

"Ninang, picture mo'ko." pangungulit ni Aiyah sa'kin.

"Sige baby, pwesto ka dito. Upo ka lang okay wag kang gagalaw." pinaupo ko siya sa tapat.

"Okay 1,2,3 smile baby Aiyah.."

Pagtingin ko sa letrato ni Aiyah. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Nandito siya? Kaya dali-dali kong hinila si Aiyah.

"Let's go baby baka hinahanap na tayo ni Mommy mo."

"Ninang bili mo muna ako ng gan'on oh!" sabay turo niya cotton candy.

"Isa nga po.."

"Xhinia?.." halos malagutan ako ng hininga sa gulat.

"Ah.. uy Ryzo anong ginagawa mo dito?" wala sa sarili kong tanong.

"Pinasyal ko lang pamangkin ko. Ikaw?"

"Ah.. ehh"

"Ninang naiihi ako.."

"Oh wait baby."

"Sino ang batang ito Xhinia?."

"Ah.. inaanak ko. Anak ng kaibigan ko."

Dyos ko naman. Hindi ako ready sa eksenang ito. Lagot ako kay Manang nito.

"Hello little girl."

"Daddy.." pinagpawisan ako ng malamig nang marinig ko iyon kay Aiyah.

"Ha?" takang tanong ni Ryzo sa bata.

"Ikaw po ang Daddy ko."

"Hindi ako ang Daddy mo. Baka kamukha ko lang iyon. Pero I'm sure mas gwapo pa ako sa daddy mo." naku po, nakuha pa talagang magbiro.

"Ninang hindi ba po siya ang Daddy ko?"

Napatitig lang ako sa bata dahil sa tanong niya. Hindi ko alam paano iyon sasagutin.

"Xhinia. Anong sinabi niya?" Si Ryzo naman ang nagtanong

"H-ha? Ahh.. ehh."

Nang biglang tumunog ang phone ko.

Si Manang tumatawag..

*Nasaan na kayo*

/Pabalik na/

Saka ko binaba ang phone.

"Kailangan na namin umalis. Hinahanap na kasi kami. Good to see you again."

The Runaway Princess( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon