Friendship still remains

94 4 0
                                    

"Bakit ba ganyan tayong mga babae...... lagi na lang tayo nakakalimot na nandyan yung mga friends naten pag-umiibig tayo....

Ganyan ba talaga kailangan ba talagang isakripisyo pa naten ang mga kaibigan naten para sa mga lalaki na walang ginawa kundi magpaasa at magpa-fall sa ating mga babae at tayo namang mgababae mga uto-uto...

Di ba dapat mas pahalagahan naten iyong friendship na pinagsamahan naten ng ilang taon kumpara sa lalaking kakakilala pa lang naten ilang linggo.....

Operation pagbatiin ang magfri-friendship... Ting! Ting! Ting! Bigla kong naisip 'to habang nagmu-munimuni.

"Donellene wala ka bang naiisip na plano para ating mga munting kaibigan na magkaka-away. Kasi ako naka-isip ako ng operation pagbatiin ang magfri-friendship yeheyyyy!!!!!!" Sabi ko kay donat.

"Meron syempre !!! Ako pa ba Darielle!!!" Sabi ni Donat.

"Yan gusto ko sayo mabilis kang mag-isip, ano plano naten?" Tanong ko kay Donat.

"Ganito di pa may project tayo sa Physics, e di ba magkaka-grupo tayo dun. Kaya gagawa tayo ng project sa bahay namen."sabi ni Donat.

"Yesss!!!!Donat may siomai ba?" Tanong ko. Tapos binatukan nya ko.

"Ouchiee brain cells ko huh, ansakit kaya yun!!!" Sabay hawak ko sa ulo at batok ko.

"Muka ka kasing siomaii overload noh, papakainin kita ng maraming siomai, pag nagtagumpay tayo sa plano." Sabi ni Donat.

"O sige sige!!! Basta yung promise mong siomai overload ha ha ha, tuloy mo na nga yung plano" sabi ko ulet.

"Sasabihin naten kay Trina at Beth na gagawa tayo ng project pero ang nandun lang ay ikaw, ako at sila Trina at Beth. Ikaw sasabihan mo si Que na pumunta sa bahay namen at gagawa tayo ng project naten sa Physics pero sasabihin mo naman ikaw, ako, at si Que lang ang kasama at sila Trina sa ibang araw gagawa. Ganun din sasabihin ko kila Trina. Kasi kung sasabihin naten na pupunta silang dalawang panig siguradong hindi sila papayag at di sila pupunta. At the end tayo lang dalawa ang gagawa sa project na ito. Ayaw mo namang siguro na tayo lang dalawa ang mapapagod at gagawa di ba?!"sabi ni Donat habang naka-cross yung arms nya mala-Senyora Santibañez.

"O Cge boss!!! Payag ako jan sa plano mo!!! Para sa Siomaii overload!!!mabuhay!!!sabi ko ulet.

"Mabuhay ang mga siomai!!!! Para sa panunumbalik ng Friendship ng Que Tri Ma Do Ma.... teka wag munang magdiwang dahil di pa tayo nagtatagumpay sa plano"sabi ni Donat.

"Tayo pa ba Donat!!!!syempre magtatagumpay tayo, tara na isagawa na naten ang plano naten!!!" Sabi ko kay Donat.

...... sa break time lumabas si Que nang classroom para magpahangin. Sinundan ko sya.

" Que pwede ka daw ba sa Sabado sabi ni Donat" tanong ko kay Que.

"Oo naman wala namang kaming praktis ng dance troupe. Bakit ano bang meron." Tanong ni Que sa akin.

"Ummhh ano kase gagawa daw tayo ng project sabi ni Donat." Sagot ko kay Que.

"Okey lang sa akin. Pero kung kasama lang sila Trina at Beth baka wag na lang. Alam ko namang galit pa sila sa akin. Baka mag-away lang kame nun" sabi ni Que kay Darielle.

"Hinde sila kasama, sa ibang araw naman sila gagawa e. Tska lam namen na mag-aaway lang kayo, kaya sa ibang araw na lang sila"

"Ganun naman pala e, okey lang sa akin. Baka lang naman kasi ayaw pa nila sa akin at galit pa sila sa akin. Hindi dahil sa ayaw ko silang makita o galit ako sa kanilang dalawa. Nag-woworried lang ako." Sabi ni Que na ngumiti na mapait.

Bitter AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon