Chapter One: Crazy In Love

279 3 0
                                    

"Mahal na Prinsesa, bumangon na po kayo" Yun ang pangungusap na gumising sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata, isang maputing, mukhang American, macho, at gwapong lalaki ang bumulaga sa akin. Sya si Jasper Serrano, ang cheese cake ko. 

"Bakit mo ako ginising agad? Inaantok pa ako eh" Sabi ko sabay kuskos ng mata.

"Wala lang, gusto ko lang tignan kung saan ka mas cute, paggising o pagtulog" Sagot nya sabay pisil sa pisngi ko.

"Aaaaraay!! Wag ka nga mambola jan.. Inaantok pa ako eh" May pagkaasar kong sagot sabay talukbong ng kumot.

Maya maya, naramdaman kong lumapit  sya saakin at binulungan ako. "Bahala ka, may premyo ka pa naman sa pagiging cute mo, pinagluto pa naman kita ng Italian pasta ala Jasper"

Bigla akong  napamulat at tinanggal ang talukbong na kumot ko, hinarap sya na may nakakalokong tingin sa mukha nya. "Spaghetti with Meat Balls, Lasagna, o Bake Mac" Yun kase ang mga specialty nya.

" Your favorite, Lasagna. " Sagot nya. Bigla akong tumayo at inakbayan sya.

"Nasabi ko na ba sayo na ang gwapo gwapo mo cheesecake?" Tanong ko sa kanya habang nagpapacute.

"Sus! Hindi naman tatalab yang pambobola mo!!" Lumakad sya palayo, at iniwan ako.. Bigla akong nagpout habang nakatayo parin sa kama namin. Lumingon sya at nakita ako.. Nilapitan nya ako

"Kung ganyan din naman ang mukha mo tuwing umaga, gagawin ko ang lahat mapangiti ka lang, magandang binibini" Sabi nya habang nagpakamatipuno. Tumawa lang ako sa sinabi nya

"Sige nga , i-piggy back mo nga ako" Challenge ko sa kanya. Bigla nya akong tinulak at sinalo din ako na akmang nakapiggy back..

"SUUUUGGGGGGOOOOOOOOOOD" Sigaw nya sabay takbo.. Napakasaya na naman ng araw na ito panigurado.

Ganito kami lage, Tuwing Friday night, pupunta kame sa Tree house na tinayo namen three years na ang nakakalipas. Nanunuod kame ng movie at dito nadin natutulog. Okay lang naman yun sa parents namen, legal naman kame, at may tiwala sila kay Jasper. Balak nga nila na ipakasal kami pagkagraduate namen ng college. First year college palang kame at going strong. 

Nakakatuwa nga nung nagkakilala kame, Binubully si Jasper ng mga goons, tapos, ako si Ady ang nagligtas sa kanya .. Nakakatawa diba? kung sino pa yung babae sya pa ang nagligtas sa ganito kagwapong lalake. Well, black belter naman kase ako sa Taekwondo at kailangan nya ng tulong,kaya kahit mukhang katawa tawa, niligtas ko sya. Magmula nun, nagtraining na sya ng Taekwondo, napahiya sya eh.. Ako ang nag-train sakanya at sa loob ng six months, naging black belter na agad sya.. Nabilisan pa nya ako.. At kaya cheese cake ang tawagan namen, dahil lage nya akong dinadalhan ng cheese cake after ng practice namen.. Ang sweet namen diba?? Andami ngang nagsasabi na kami na ang MEANT FOR EACH OTHER. Sana nga sya na.. Sana sya na ang lalakeng makakasama ko habang buhay. Sana nga.

"Ako naman ang subuan mo!!" Sabi ni Jasper. Habang tawang tawa dahil nakakita ng amos sa mukha ko.. Akala nya ha.. Sinubuan ko naman sya ng sobrang laking serving at ayun! Nagkaamos amos din sya.. Puno kami ng tawanan.. Lambingan at pagmamahalang ng umagang iyon.. 

At hindi ko inakalang yun na ang huling araw na sobrang saya namen. 

A/N: I hope your enjoying my first chapter.. This is not about a happy lovestory though it started happy.. Curious much?? Continue reading... :)

Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon