1.

3.8K 13 0
                                    

Gaya ng dati.

Dumayo pa siya rito sa divisoria kahit malayo at masikip,siksikan ang tao pero oks lang,bakit? kasi dito niya binibili ang kanyang mga personal props lalo na ang mga underwear na ibang klase ang hitsura,mga pambarakong sexy.
Natatawa nalang siya sa mga mamimili,mayaman o mahirap nakikihabol ng tingin.
Sa divisoria,hindi lamang mahihirap ang mga narito.Narito rin ang maraming negosyante.Sino ang makapagsasabi na pati ang mga uri niya'y isa sa mga dumarayo rito.
Meron man silang props man ay mas gusto niyang may sarili siyang trademark.

Kanina pa siya pinagtitinginan,pero sanay na siya roon.Madalas kasi siyang mapagkamalang artista,minsan pa nga'y magbubulungan ang mga ito habang sinisipat siya.

"Sino nga bang artista iyan?"

"Ewan nakalimutan ko pangalan eh"

"Iyan yata yung nasa ano,Yung bagong teleserye ngayon,yung nachichismis na karelasyon daw ni Miss Bianca.Teka,ano nga bang pangalan niyan?"

"Tange talaga kayo no,hindi iyan 'yon,siya yung nakita ko sa kabilang chanel."

Sasabayan niya ng kaway at magtitilian naman ang mga ito.Pag uwi niya sa pad niya ay saka siya magtatatawa.

Napapa "oh.." Ang may ari ng tindahan kapag magbabayad na siya,ngingiti at sabay mamumula ang intsik dahil sa mga ipinapabalot niya.

Dala na ngayon ng alalay niya ang mga pinamili niyang pakpak,latigo,sex doll at kung ano ano pa.Nararamdaman niyang hiyang hiya ito dahil inugali na nitong magsombrero at mag itim na mask,minsan tuloy ay dalawa silang napagkakamalan.Siya'y artista ito nama'y artistang koreano.Hindi nga lang sila makilala kung sino ba sila sa mga artista.Kadalasan nga'y nagkakagulo pa.

Si Graham ay may lahing aleman na pinaghalong bisaya,kaya naman sobra ang kanyang puti,maskulado,sexy matangkad at lahat ng biyaya ng langit ay sinalo niya kung hitsura ang pag uusapan.
Isa siyang modelo at hindi pa nakakamit ang kategoryang porn star dahil hindi pa naman siya gaanong sikat ngunit matindihan ang booking.Isa lang ang hindi niya pinapatulan.Ang boys to boys.
Mas gusto niya ang mga babae.Isa,dalawa,tatlo o kahiit ilan pa,na sabay sabay,huwag lang sa kapwa lalaki.

Hindi niya kailangang bumili ng mga sex supplement dahil ipinanganak siyang malibog.Pero hindi naman manyakis.Nasa tono kung baga.
Hindi rin niya kailangang magpa enhance o uminom ng pampadagdag dahil sadyang hindi pang pilipino ang kanyang soldier.Kaya niya ng 3times a day o higit pa roon ng walang pressure.

Tumingin siya sa salamin.Tatango tango siya dahil nasisiyahan sa nakikita.Nagpahid siya ng katakot takot na moisturizer at nagpahinga narin para bukas.
Maaga pa kasi siyang babangon upang umuwi sa kanila.Bukas kasi'y araw ng kamatayan ng kanyang ina.Nagpasya narin siya na sa daan na bumili ng mga bulaklak upang maging sariwa.Ang mga kandila'y naka pack na sa kanyang travelling bag.

...

Amora:

Nakahanda na ang kanyang mga instrumento pero inisa isa niya parin.

Rosario,plantilya sa mga kaluluwa,gabay at lapel at pang insenso,siyempre pa'y may uling na.
Modernized na ngayon.Ang gusto niya kasi'y maririnig maige ang kanyang boses.Pasintabi nalang sa matatanda,pero as far as she remembered ay wala pa namang nagrereklamo.

Tumingin siya sa salamin.Mahaba ang buhok na itim na itim na nakatali.
Mahabang paldang puti,mahaba ring damit.Maganda naman siya pero hindi niya inugaling mas magpaganda pa.Gusto niya kasing magustuhan siya sa kung ano ang hitsura niya at di na kailangang ipangalandakan pa.

Simple lang ang kanyang pamumuhay,mag isa siya hanggang ngayon dito sa lumang bahay na ipinamana sa kanya ng mga yumaong magulang.Matanda na kasi ang mga ito bago pa siya ipinanganak.Menoupose baby nga raw siya.15 siya ng namatay ang mga ito.Sa tulong ng ibang kamag anak at mga ilang kaibigan nakapagtapos at nakasurvive naman siya kahit papaano.

Nakatapos siya ng secretarial course ngunit hindi naman niya napractise.Heto ngayon siya.Bukod sa sales lady ay magdarasal ng mga patay.Pero!maligaya at kuntento siya sa edad na 30 anyos.Di naman siya worried kung wala pa siyang asawa sa ngayon ay ok lang sa kanya.Medyo mataas kasi ang standard niya.

Nalinis na niya ang buong bahay.Bagaman bungalo ito pero napakalaki naman.Wala naman siyang kakayanang magbayad ng katulong.Kadalasa'y ang kaibigan lang ang katulong niya kapag araw ng linisan.Iyon ay araw ng linggo.Sakto sa day off nilang magkaibigan.
Plantsado narin ang kanyang unipormeng suot upang tumuloy na sa pupuntahan.

Galante kaya ngayon ang dadasalan niya?Hindi man siya after sa pera ay aaminin niyang kailangan niya ito ngayon upang kahit papano'y mainot inot niya ang pagpapaayos at makapagpalit narin ng ilang sirang bubong sa bahay niya.Nag uumpisa na kasing tumulo.Nuong una'y kaya pa ng pasahod sahod,ngunit ngayon ay malaki laki na ang sakop ng basa sa sala.Ayaw niya naring patagalin pa dahil baka lalong lumala at manganak ang gastos imbes na bubong lang.
Hindi pa kasi sapat ang perang naipon niya.

...

Malamlam ang kapaligiran.Pawang mabababa ang boses ng ilan.
Nakatinging lahat sa pagpasok niya.
Isang maliit na bag at paper bag ang kanyang dala,para sa mga gamit niya.

"Ikaw na ba iyan iha?"
Salubong sa kanya ng may edad ngunit magandang babae,sabay hagod nito ng tingin sa kanya at napangiti naman ito.

"Opo."

Iginiya siya nito sa loob.

Mukhang may sinabi naman ang pamilya ng namatay.Maganda ang tahanan,mamahalin ang mga muwebles.Marami ring inihahain para sa mga bisitang naroon.

At maganda rin ang nasa larawan.

"Mag umpisa napo tayo.Nasaan po ang mga bukaklak?"
Tanong niya sa babaeng sumalubong at ngayon ay umaalalay sa kanya.

"Pasing,ilabas ang mga bulaklak."
Sabi nito.

Luluhod na sana siya ng abutan siya nito ng unan na maliit upang gawin niyang luhuran.Ngunit tinanggihan niya.Mas feel niya kasi ang sacrifice kapag wala siyang sapin sa tuhod.

Mag uumpisa na sana ng maramdaman niyang naglingunan ang mga naroon kaya lumingon din siya ngunit ang una niyang napansin ay ang mga babaeng nag iba ang mga galawan.Ang kanina lang na naghihinhinan na mga ito'y biglang naglakihan ang mga mata at may kasamang kilig.Ang mga may edad naman na naroon ay biglang nagsamaan ang mukha.

Sa sobrang kuryusidad niya'y imbes na palagpasin iyon na dati na niyang ginagawa ay isa narin siya sa tumingin sa pinag uusyosohan ng mga ito.
Nagulat siya sa nakita.
Diyata't bahay ng artista ang dadasalan niya?Ang swerte niya naman kung gayon at tiyak na malaki ang maibibigay ng mga ito lalo na ang lalaking nakaitim na t shirt naka shades na  naka leggings na abuhin?Ngayon lang siya nakakita ng lalaking naka leggings at nagtaka siya dahil imbes na magmukha itong tanga ay bagay na bagay iyon sa lalaki.

Anyway hindi na niya uli iyon pinansin at nag umpisa na siyang magdasal.

Nang matapos ang dasal,siyempre pa'y hindi siya pinayagan na hindi muna kumain.

Para silang nasa last supper pakiramdam niya.Isinama kasi siya ng may ari sa long table na dapat lang sa pamilya.Para tuloy ang bigat ng katawan niya kada hahatagan siya ng pagkain ng taga silbi.
Well,lahat yata ng putahe ay naroon na,pwera pa ang mga cake at pampatamis.

"Hindi kana nahiya Graham! Hindi kanalang sa puntod pumunta at dito kapa-"

"Stop it pa!Nakakahiya!"
Narinig niyang saway rito ng babae kanina at dinig niya ang diin at ng pilit nitong hinihinaang boses.

Alam niya kung kanino ipinatutungkol iyon at nanatili ang kanyang pagkakayuko para naman kahit papano'y hindi ng mga ito isipin na may pakielam siya.

Ng nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit ay,,,

"Hey you!"

At naulit pa uli ang tawag nito.

"Yes you!"

"Abat..."


Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon