Chapter 4

3 0 0
                                        

Chapter 4

Yumuko kami ni Prinsesa Zebiana upang mag bigay galang sa Hari ng Cyberious at pati na rin sa Prinsipe at Prinsesa na nasa aming harapan.

"Magandang umaga Mahal na Hari, sabi ni Zebaiana" nakatitig lamang ako sa kanya at hindi lumingon sa mga maharlika na nasa aking harapan.

"Inihahandog ko sa inyo ang Munting regalo na galing pa sa aming imperyo"  at may humakabang na kawal upang dalhin ang regalo papunta kang prinsesa Zebiana.

"Sana ay magustuhan mo ito Mahal na Hari" humakbang na si Prinsesa Zebiana at kasabay neto ang pag pasok ng banayad na hangin na syang mas lalong nag papaganda sa kanya. Ang kanyang bawat pag hakbang ay nakaka humaling. Kulang pa ang perpektong salita para sya ay mailarawan.

"Maraming Salamat" sabi ni Haring Leviticus.

"Nagagalak rin kami na naka dayo ka na sa aming imperyo Prinsesa Zebiana." saad ng hari.

Biglang tumayo ang reyna na naka upo sa kanan ng Hari alam ko na sya ang reyna sa palasyong eto. Dahil basi sakanyang Korona.

"Sino na man ang magandang babaeng ito. Prinsesa at bakit sya naka maskara?" Lumapit sa akin ang reyna at hinawakan nya ng marahan ang aking pisnge.

"Sya ay ang aming babaylan Reyna Elizabeth" pag sabat ni Prinsesa Zebiana.

"Kung ganun, sya ang pinaka magandang babaylan na aking nakita"

"Maraming salamat sa iyong pa puri Mahal na reyna." Sabi ko sakanya.

***

Nandito na kami sa silid na inihanda ng mga taga Cyberious napaka ganda reto puno ng magagandang nilalang at tinangap nila kami na parang kapamilya. Tila lahat ng mga nilalang na nadito ay mababait.

"Bilisan mona kelly pupunta tayo sa kasiyahan na magaganap mamaya sa palasyo." Masayang sabi sakin ni Prinsesa Zebaiana.

"Ano ang ating susuotin? Zebiana?" Tanong ko sakanya.

Kinuha nya ang kanyang lalagyanan ng mga gamit at binuksan ito. Nakita ko ang dalawang magagandang kasuotan

"Kulay itim at kulay puti napaka ganda ng kulay na iyong napili mahal na Prinsesa"

"Akin ang kulay puti at sayo na man ang kulay itim kelly. Ang puti ay sumisimbolo sa aking pagkakilanlan. Ang kulay itim na man ay para sa isang babaylan, sinabi ko sa reyna na isa kang babaylan kelly kaya paninindigan natin ito."

Naputol ang aming pag u-usap ng may kumatok sa pinto.

"Pumasok ka" saad ni Prinsesa Zebiana.

"Bakit hindi pa kayo naghahalanda?" Tanong ng isang babae. Napaka ganda nya ang kanyang mga labi ay parang mga mansanas na kay pula ang hubog ng kanyang katawan na parang aakitin kahit sino mang lalaki ang maka kita nito. parang. Bakit kaya lahat ng mga babaeng nakikita ko rito ay sobrang ganda?

"Paumanhin sa aking ginawa, ako pala si Kehlani Elizabeth Mc Harthie. Im the 2nd princess of Cyberious impi

"Babaylan? Paumanhin ngunit bakit hindi ko maramdan ang iyong presensya?" Nag tataka nyang tanong.

"Kehlani, Paumanhin prinsesa ngunit ang babaylan ay may dinaramdam kaya gusto nya munang itago ang kanyang presensya." Sabat ni Zebiana.

"Huli na ito babaylan, ano ang iyong ngalan at bakit naka takip ang iyong mukha?" Sabay turo sa aking maskara na ang nakikita lamang ay ang aking mga mata.

"Ako si Kelly Machesta, Mahal na prinsesa tinatakpan ko ang aking mukha dahil ayaw ko itong masilayan  ng ibang nilalang."

"Ouh i see" nagulat ako sa sinabi nya. Nakakapag ingles sya?

"Patawad nasanay lamang ako, inaaral ng mga maharlika kung paano mag salita ang mga tao. Hali na kayo ako ang tutulong sa pag bibihis sa inyo." Saad ni Kehlani pinalakpak nya ang kanyang kamay at may mga taga sunod ang pumasok sa aming silid.

***

Habang tinatanaw ko ang aking Kasuotan ay parang napaka gara nito ang kanyang tela ay napaka pang mayaman. Kulay itim ang aking kasuotan at nababalutan rin ako ng kulay na itim na palamuti tulad ng sing- sing at kwentas.

"Napaka ganda mo kelly." Saad ni Kehlani.

Pumunta na naman sya kang Zebiana upang mas tulungan pa ito.

Tanging ang aking mga mata lamang ang nakikitang parte sa aking mukha hindi ko alam kong bakit kaylangan pa ito ngunit sabi ng Prinsesa ay sa ikakabuti ko rin ito.

"Aalis na ako, tapos na ang aking misyon." Akmang tatalikod na sana si Kehlani ng bangitin ni Zebiana ang kanyang ngalan.

"Saan ko matatagpuan ang silid ni Zellore Zachary Mc Harthie? Prinsesa Kehlani."

"My brother? Ikalimang kwarto sa kanan mahal na prinsesa." Umalis na ang prinsesa at sumunod na man sakanya ang mga taga-sunod."

Bumuka sa lilod ng prinsesa ang kanyang magagandang pak-pak.

"Mas komportable ako kapag nasa likod ko ito. Aalis na muna ako Kelly mag libot libot ka sa palasyo kung gusto mo basta wagkang lumayo at wag na wag mong huhubadin ang iyong kwentas." Tumango na lamang ako at sa sandaling lumabas na ang prinsesa ay lumabas na rin ako tinahak ko ang deriksyon pa punta sa hardin gusto kong maka langhap ng sariwang hangin.

Bumungad sa aking ang napaka sariwang hangin na nag mumula sa hardin hindi ko pinakailaman ang mga paa ko kong saan ito patutungo.

Ang mundong ito ay lubhang perpekto matatawag ko na itong malaking kaibahan sa mundong kinagisnan ko. Ang mga tao ay diseplinado masayang masaya ako na ginawa ko ang pinagagawa ng libro na iyon. Ngunit isa lamang ang nanatiling question sa aking utak kung hindi sino ang nag dala sa akin sa abandonadong library at bakit---

Bigla akong napasubsub sa isang bisig ng isang lalaki. Bigla akong napa atras at ng ginawa ko iyon ay na apakan ko ang aking kasuotan na sanhi ng aking pagka tumba.

"Arayyy" sigaw ko. Tumingala ako uoang makita ko ang lalaki ngunit ang nakita ko ay hindi lamang isang lalaki kung hindi ay napaka perpektong lalaki.

Ang kanyang mga labi, ang kanayang mga mata simula sa mga nakamarkang ugat sa kanyang leeg at kamay and his freaking Adams apple. 

Nakapamulsa itong naka tingin sa akin at ang kanyang isang kamay ay may hawak na isang pulang rosas.

Inilabas nya ang kanyang kamay at wlang emosyong inilahad ito sa akin.

"You need help?" Sabi nya sa akin.

Tinangap ko ito at malakas nya kinabig ito kaya nasubsub ako sa kanyang dibdib. His scent is seducing me.

"Babae, ang kandungan na yan ay para sa aking kapareha."

Bigla akong napa ataras ng marining ko ang mga katagang iyon.

"Thank you for your help. Aalis na ako." Pag papalam ko.

"No!  Stop!" Pag pigil nya sa akin.

Nilingon ko sya at nakikita kong hinahawakan nya at tinitignan nya ng mariin ang bulaklak.

"Can you remove your mask, milady?"




Dedicated to: Sarah Canoneo

arnelbacor4







DimensionWhere stories live. Discover now