Chapter 13 - Breathe

98 4 2
                                    

I have decided to go with Brad. Gusto ko ring malaman bakit matagal itong nawala. Subalit bago pa man ako makasakay sa sasakyan nito ay nakarinig ako ng paulit-ulit na pagtawag sa aking pangalan.

"Niks! Nikki! Nikki Bernadeth!"

Hinanap ko kung saan galing ang mga sigaw na iyon at paglingon ko ay nakita ko ang mabilis na tumatakbong si Kurt galing sa parking lot papunta sa akin.

Nagtaka ako kung bakit nasa school si Kurt samantalang nasa hospital pa ang Daddy nito. Mukha itong excited at masaya.

Nang makarating sa kinatatayuan ko si Kurt ay nagulat ako nang bigla nito akong buhatin at paikot-ikutin ng ilang beses.

"Niks! Makakalabas na si Daddy bukas!'"

Masayang sambit nito at saka ako nito ibinaba sa pagkakabuhat.

Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko at that moment lalo pa at nawala ang mga ngiti sa mukha ni Brad noong makita nitong buhatin ako ni Kurt.

"That's good news, Kurt!"

Ang tangi kong naisagot kay Kurt habang palinga-linga ako kay Brad.

Napansin ni Kurt ang aking pagkabalisa saka nito tinignan ang nasa loob ng sasakyan.

"Oh, you know each other?"

Gulat na tanong ni Kurt.

"Why? Do you know each other?"

Nagtatakang tanong ko.

"Not really but we played basketball a couple of times before at Willow."

Sagot ni Brad.

"Oh.. Anyway, Kurt this is Brad. Brad this is Kurt."

Pagpapakilala ko sa dalawa.

Nagtanguan lang ang mga ito at biglang tumahimik ang paligid. 'Ang awkward.' sa isip-isip ko kaya't I broke the silence myself.

"So..."

Bago ko pa maipagpatuloy ang aking sasabihin ay pinutol na ito ni Kurt.

"So, let's go? Mommy & Daddy are waiting for us at the hospital. Dad wants to see you, come on! Come on!"

Excited nitong pag-aaya.

Hindi ko alam ang isasagot kay Kurt. Ang hirap pala ng nasa ganitong sitwasyon. Kapag sumama ako kay Brad, hindi lang si Kurt ang malulungkot, pati na rin sina Tito Gerry at Tita Carol. Kapag kay Kurt naman ako sumama baka isipin ni Brad na twice ko na itong tinatanggihan o iniiwan sa ere at baka mag send ito sa kaniya ng maling signal. Isa pa ayokong may ma-disappoint kahit na sino kina Kurt at Brad.

Tumingin ako kay Brad at naghintay ako ng anu mang isasagot nito. Gusto kong pilitin niya akong sumama sa kaniya. Gusto kong bigyan niya ako ng dahilan para mas piliin kong sumama dito at hindi kay Kurt. Sabi nga ni Michelle Branch sa kanta nitong 'Breathe'.

So just give me one good reason
Tell me why I should stay
Cause I don't want to waste another moment
In saying things we never meant to say

And I take it just a little bit
I hold my breath and count to ten
I, I've been waiting for a chance to let you in

If I just breathe
Let it fill the space between
I'll know everything is alright
Breathe
Every little piece of me
You'll see
Everything is alright
If I just breathe

Tumingin ako kay Kurt at kitang-kita ko kung gaano ito kasabik na makasama ako pabalik ng hospital. 'Kaya ko bang tanggalin ang mga ngiting iyon kay Kurt?' Tanong ko sa aking sarili. I'm caught up in the middle. Ang hirap.

Habang iniisip ko kung kanino ako sasama ay nagsalita si Brad.

"Nikki, I'll just see you in class tomorrow?"

Parang biglang sumakit ang dibdib ko sa mga sinabing iyon ni Brad.

'Bahala na. Si Brad naman na ang nag-decide para sa amin. Baka masyado lang akong assuming.' Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Ang laki ng mga ngiti ni Kurt ng narinig niya ang mga sinabing iyon ni Brad.

"We will go ahead, Bro."

Pagmamadali ni Kurt.

"Okay. I'll see you tomorrow then."

Paalam ko dito saka ito kumaway at sinara ang bintana ng sasakyan.

Hinila akong agad ni Kurt papunta sa parking lot at saka kami sumakay sa loob ng sasakyan at tumungo ng hospital. Habang nasa biyahe ay pinipilit kong huwag ipakita kay Kurt ang aking pagkadismaya ngunit nahalata pa rin niya ito.

"Hey Niks, are you okay?"

Tanong nito.

Bago ko pa man masagot ang tanong ni Kurt ay tumunog ang aking phone dahil sa isang text.

From: Brad
since ur w/ him 2day, cn i hv u all by myslf tom? jz u & me?

Biglang nawala ang aking pagkadismaya at parang nahulog yata ang aking puso ng mabasa ko ang text ni Brad.

Walang isip-isip ay nireplyan ko ito.

Jz u & me
<Message Sent>

Hindi ko napansin na tinanong muli ako ni Kurt.

"Niks? Are you okay?"

"Yup! Kailangan ko lang huminga. I can't breathe..."

Pabiro kong sagot dito habang nangingiti-ngiti.

"Okay."

Mahinang sagot nito habang patingin-tingin ito sa hawak kong phone, saka ito nagpatuloy sa pagdadrive.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon