Chapter 25: Bwisit

50.3K 1.2K 96
                                    

Chapter 25: Bwisit

 

Hindi ako ganoon kasama dahil hindi ako nagpunta sa practice nina Erick. Mas mabuti nang hindi ako pumunta kaysa naman isama ko nga talaga si Damian. Erick deserves a woman who is better than me. A woman that can see herself being married to him.

“Ang lungkot mong tignan.” Sabi ni D samantalang ako ay nakatingin lang sa pinapanood niya at kumakain ng popcorn na ginawa niya kanina. “Pwede ka naman magsabi saakin.” Malumanay na sabi nito. I haven’t even realized that we’re already sitting beside each other.

I sighed exasperatedly and closed my eyes.

“Masama akong tao.”

“Alam ko.” That made my eyes flew open! Mas masama siya! Hindi ba niya alam mang-alo ng babae? Gee! Pumayag talaga akong maging boyfriend ang jerk na ‘to? Baka nananaginip lang talaga ako kanina.

“Halika nga.” Nagulat ako dahil bigla niya akong inihiga at ginawang unan ang hita niya.

“Damian!” Nagpumiglas ako pero hinawakan nito ang magkabila kong braso para mapigilan ako.

“Listen woman, you’re not that strong. Just be yourself when I’m with you.” Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Hindi ako naiiyak pero hindi ko rin naman maitatanggi na bothered ako. Iniisip ko kung naging paasa ba ako.

Agad din naman niyang inalis ang mga kamay ko sa mukha ko at hinawakan ito.  “Ang lambot ng palad mo. Hindi ka yata marunong maglinis. Gusto mo ako magputol ng kuko mo? Ang haba na, oh.”

“Tigilan mo nga ‘yan. I’ll paint my nails later.” Babangon na sana ako kaya lang muli nanaman niya akong pinigilan.

“Gee, Damian. Wala ka talagang matinong gagawin sa buhay, ano? Kapag nakita tayo ni lola baka kung anong isipin niya.”

“Hindi na tayo bata. Huwag ka ngang magulo pinagmamasdan ko ‘yang mukha mo.” Aniya saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. Napatitig din tuloy ako sa mukha niya.

“May pimple ka.” Sabi ko.

“Paano ba tanggalin?” Tanong naman niya. Hindi naman malaki yung pimple niya kaya wala naman dapat siyang ikabahala. Hindi naman nakakapangit ang pimple.

“Ang awkward ng posisyon natin.” Sabi ko sakanya pero nginitian lang niya ako. Malandi siya. Hindi ko talaga mahuli ang ugali niya.

Tumikhim siya bago muling nagsalita. “Tell me what’s troubling you.” Nilalaro rin niya ngayon ang buhok ko. “Are you scared?” Napalunok ako dahil sa tanong niya. Am I scared?

Natatakot ba akong masira ang nabuong pagkakaibigan namin ni Erick?

“Maybe.” I said, shutting my eyes. Nagiging komportable na rin ako ngayon dahil na rin siguro nakahiga ako at dahil na rin sa paglalaro niya sa buhok ko. Inaantok ako dahil sa ginagawa niya.               

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon