CHAPTER 6
DINAMBA naman ako ng yakap ni Elaine ng makita niya ako, mahina naman akong natawa dahil sa ginawa niya.
Namiss ko ang bruhang 'to kahit nagkasama kami kahapon.
Bumitaw naman ito sa yakap at saka nakangising tumingin sa'kin. "So ano? Kumusta ang naging trabaho mo?"
"Okay lang naman, makakaya ko lang naman ang ugali ng Master ko at saka ang buong akala ko ay may demonyo itong puso pero nagkakamali pala ako, may tinatago palang bait ang isang 'yun."Sabi ko sa kaniya na ikinatakip ng kaniyang mga bibig at saka nanlaking mata na tiningnan ako.
"Seryoso ka? Totoo ang sinabi nila na isang demonyo ang lalaking 'yun, nakaranas na ang ibang babaeng nakilala ko, isa siyang demonyo, demonyo ang kaniyang ugali at hindi ito marunong mag-sorry o magpatawad man lang."Hysterical na sabi niya na ikinabatok ko sa kaniya.
"Gaga ka pala e, so bakit mo ako pinagtrabaho doon kung alam mo palang may ugali itong isang demonyo?"Mataray na tanong ko sa kaniya na ikinaseryoso niya naman.
"I just wanted to help you lalo na't kailangan mo talaga ng pera, ito nalang kasi ang naging paraan kasi malaki ang pasahod nito. Pasensiya kana a, hindi mo kasi tatanggapin ang perang inalok ko sa'yo e, kaya ako na amg gumawa ng paraan para makasahod ka ng malaki kada buwan."Nakayukong sabi niya na ikinangite ko naman.
Niyakap ko naman siya, hindi ko mapigilang hindi maiyak sa mga sinabi niya. "Thank you, thank you so much. Malaking tulong na 'to sa'kin. Titiisin ko nalang ang kaniyang ugali."
Yumakap naman ito pabalik. "Nandito lamang ako palagi para sa'yo kaya wag na wag kang paghihinaan ng loob kasi may nagmamahal pa sa'yo at ako 'yun."
Napangite naman ako sa sinabi niya. I'm so lucky to have her as my friend. I'm so lucky to meet her. Kung wala lang siya sa tabi ko, malamang matagal na akong sumuko sa buhay ko.
Kung hindi rin dahil sa kaniya, hindi rin sana ako makapagtrabaho sa mansyon ng lalaking 'yun na may malaking sahod kada buwan.
Titiisin ko nalang ang ugali niya. Pero ang ikinatakha ko lamang ay may demonyo daw itong ugali. Noong una, akala ko talaga isa itong demonyo na nagbalat-kayo pero nagkakamali pala ako.
Kahit palaging walang emosyon ang kaniyang mga mata, alam kung may natira itong kabaitan sa kaniyang puso at natatakot lamang itong magtiwala muli.
Mukhang may nangyaring masama sa kaniyang buhay na naging bangungot ito sa kaniya. Na naging dahilan kung bakit palaging walang emosyon ang mga mata ito.
Walang kabuhay buhay ang mga mata nito pero sa loob nito ay isa lamang siyang tao na nakakulong sa kaniyang mga traumatic memories.
"Teka nga, ang drama naman na'tin, magtrabaho na nga tayo."Natatawang sabi niya na ikinatawa ko naman.
"Oo nga." Natatawang sabi ko at saka bumitaw sa kaniyang mga yakap.
Pumunta naman ako sa table no. 1 para tanungin siya kung anong gusto niya.
"What's your order, Sir?"Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Dapat kasi palagi kaming nakangite kasi daw it can attract more customers, 'yun ang sinabi ni Elaine kaya hindi na ako nagtanong pa kung bakit at saka sinunod ko nalamang ito.
"I want you, how much are you?"Nakangising sabi niya na ikinainis ko naman.
Kahit na naiinis ako, nanatili naman ang ngite sa labi ko, kahit na pineke ko lamang ito. Sino ba naman ang hindi maka-fake smile sa lalaking 'to, tatanungin ka bang magkano ka?
Aba't gusto niyang ipalamon ko sa kaniya lahat ng pera niya e.
"I beg your pardon, Sir but I'm not for sale."Pekeng ngite ang ibinigay ko sa kaniya na mas lalong ikinangise niya naman.
"Kunwari ka pang pa-birhen, e alam naman na'ting hindi ka na birhen, magkano ba ang gusto mo? Milyones ba?"Nakangising sabi niya at saka akmang magsasalita pa muli ng may isang baritonong nagsalita sa likod ko.
"Don't your dare to insult her!"Malamig na sabi nito pero halata naman sa kaniyang boses na nagagalit ito sa sinabi ng lalaki.
Niyapos nito ang aking bewang at saka he pulled me papalapit sa kaniya, tumama naman ang ulo ko sa kaniyang dibdib na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Ngumise naman ang lalaki. "Pare, wag ka nang makialam...Gusto ko ang babaeng 'yan at ako ang nauna kaya ibigay mo na sa'kin ang babaeng 'yan kung hindi mo siya ibigay sa'kin, mapapatay kita."
"She's mine!"Galit na sabi ni Zedekiah at mas lalo nitong hingpitan ang pagkahawak niya sa aking bewang.
Ngumise naman ito. "Walang nagmamay-ari sa kaniya. Magkano ba ang bili mo sa kaniya? I'll triple it."
Bumitaw naman ito sa pagkahawak niya sa aking bewang at saka walang pasabing dinambahan niya ng suntok ang lalaki at agad naman itong natumba sa kaniyang inupuan.
Napasinghap ang mga taong nakasaksi lalo na ang mga kababaehan. Alam din ng karamihan na may taglay na kademonyohan si Zede kaya takot silang lumapit para pigilan sila.
Bumangon naman ang lalaki at saka dinambahan ng suntok si Zede pero nakailag naman si Zede, hinawakan niya ang braso nito at saka binali na ikinanlaki ng mga mata ko.
Fudge!
Lumapit naman sa'kin si Elaine. "Please, patigilin mo siya. Patigilin mo baka mapatay niya ang lalaking 'yun. He's not called devil if he can't kill. Please, ikaw lang ang makatigil sa kaniya."Nanginginig na sabi ni Elaine na ikinabuntong hininga ko naman.
"Pa'no? Hindi ko alam kung paano."Kinakabahang sabi ko sa kaniya.
"Basta kahit anong paraan basta mapatigil mo siya, mapapatay na niya ang lalaki."She started panicking kaya wala na akong ginawa kun'di ang sundin siya.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya at saka niyakap ko siya. I'm facing his back kaya hindi ko alam kung ano ang kaniyang reaksiyon.
Napatigil naman ito sa pagsusuntok sa lalaki ng nayakap ko na siya. Naramdaman ko naman na huminahon na siya dahil hinawakan niya ang kamay ko na nasa tiyan niya, na nakayapos.
"Are you calm now?"Mahinang sabi ko at marahan naman itong tumango.
Thank god.
YOU ARE READING
LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔
Ficción GeneralLIVID SERIES 3: DEVIL ZEDEKIAH RHYS MONTERO was a devil, he doesn't know the word mercy and even the word 'Love'. In his life, he realize his doings that all of 'em are mistakes. His life is full of so many regrets. A devil that has many secrets. Sh...