Meet Noel,Noel Anthony Badajos ,bunsong anak ng isa sa kilalang business tycoon sa bansa.Kasalukuyang president ng kanilang sariling Real State Company.Matangkad,matipuno at may maputi at makinis na kutis.Sa unang tingin ay nahahawig siya sa sikat na chinese actor na si Dylan Wang.Kaya naman maraming mga babae ang napapalingon sa kanya sa twing naglalakad na siya.Pero ang gwapong si Noel may attitude problem?laging seryoso at nakalukot ang noo nito.Hirap siyang magtiwala sa mga tao kaya naman wala halos nagtatagal na secretary sa kanya.
"Your fired!" halos umaalingawngaw na sigaw niya sa kanyang nakaka isang buwan palang na sekretarya.
Napayuko na lang ang kawawang sekretarya.
Nang sumunod na araw bakante na naman ang desk ng sekretarya ni Noel na nakapwesto sa bungad ng pinto bago ang sarili niyang opisina.
"Pre,ano naman nangyari sa sekretarya mo?Don't tell me padala na naman yon ng kalaban mo?"nakangising bungad ng kaibigan niyang si Alvin.
"Ano pa nga ba?nahuhuli ko siyang nagkakalkal sa drawer ko!" salubong ang kilay na sagot ng binata na noo'y abala sa pagpirma sa mga dokumento.
"Since,wala akong sekretary ngayon,ikaw muna ang pumalit!" sabi niya na isinara na ang folder at hinarap ang kaibigan.
"Pre,hindi pwede!ako naman ang matatambakan ng trabaho niyan eh!" agad na angal ni Alvin.
"Sino ba ang boss dito?" tanong nito na tumayo pa at bahagyang nagtaas ng boses sa kaibigan.
"ikaw!" mababa ang tono ng boses na sagot ni Alvin.
"Alam mo pala eh!pwes! sumunod ka sa utos ko!"kunwa'y sabi nito.
Napakamot na lang ng ulo si Alvin habang papaupo sa nabakanteng mesa.
"pwede bang kunin ko muna ang mga gamit ko sa table ko?" alanganing tanong niya.
"mamayang break!" sagot ng binata na noo'y nagpatuloy na sa ginagawa.
Matapos ang ilang minuto,sumulyap ito sa suot na relos at nagmamadaling tumayo.
"Let's go may meeting pala ako ngayon sa labas.kailangan kita don!" sabi nito na kumatok ng bahagya sa desk niya.
Halos natataranta namang sumunod si Alvin sa kaibigan.
Sa hallway, nasalubong ni Alvin ang isa niyang staff.
"Boss Alvin, bakit hindi ka na bumalik?magistart na ang meeting?" natataranta na ring sabi nito.
"Cancel mo na!Kailangan pa ako ni boss Noel!"aniya na nagmamadaling humabol sa amo.
Napakunot na lang ang noo ng assitant niyang si Kristine.
Pagdating sa restaurant agad na nagkipagkamayan sa isa't si Noel at ang mga kanegosasyon nito.Matapos ang may isang oras din na madetalyeng pag-uusap sumenyas si Noel kay Alvin na noo'y nakaupo sa di kalayuan sa upuan niya.Agad itong tumayo at lumapit sa kanya.
"Pen?" mahinang sabi nito.
"Hah?"tanging nasagot ni Alvin.
"Yung Pen?magpipirmahan na kami ng kontrata!" halos naiirita nang bulong nito sa kanya.
Napangisi si Alvin,"wala akong dala!" bulong niya.
"What???" halos nanlalaki ang matang bulong nito sa kanya.
"idelay mo muna,bibili ako ng Pen!"Natatarantang sabi ni Alvin.Halos butil butil na ang pawis niya ng lumabas ng restaurant upang maghanap ng ballpen.
Sa sobrang taranta ay hindi na niya naisip magtanong sa mga staff sa restaurant at dumiretso na siya sa labas mismo para maghanap nang mabibilhan.Malaki ang mga hakbang na binaybay niya ang gilid ng kalsada hanggang sa mabangga niya ang isang babae.Bumagsak ang mga hawak nito at tumapon sa kalsada.Isang Ballpen ang gumulong sa paanan ni Alvin.
Nanlaki ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang tila nagniningning na ballpen sa sahig.
"Ballpen!" parang wala sa sariling sabi niya sabay dampot sa ballpen.
Pero naunahan na siya ng babae na kanina pa pinupulot isa isa ang bumagsak na gamit.
Bigla naman tila natauhan si Alvin.
"Naku!Miss pasensiya ka na ha!hindi ko sinasadya!" agad na sabi niya at tumulong na sa pagpupulot mg gamit ng dalaga.Hanggang sa madampot niya ang isang resume.
Bigla siyang napasulyap sa magandang dalaga.
"Naghahanap ka ng trabaho?" parang excited pang tanong niya.
"opo!" alanganing sagot ng dalaga.
"Alam mo may opening sa amin baka gusto mong magpasa ng resume?" agad na sabi niya.
"Naku!sige po sir!"natutuwa namang sabi ng dalaga.
"pwede ba akong humingi ng favor sa'yo?" nahihiyang sabi ni Alvin.
Bigla namang napaurong ang dalaga na halatang nailang sa kanya.
"Naku!Miss,Huwag kang mailang sa akin,gusto ko lang namang manghiram ng ballpen sa'yo?"agad na sabi niya sabay ngiti sa dalaga.
Napaawang ang mga labi ng dalaga at napangiti sa kanya.
Nang makahiram ng ballpen ay nagmamadali nang bumalik si Alvin sa restaurant kung saan naghahantay ang boss niyang si Noel
Humahangos pa siya nang makaupo sa tabi nito sabay lapag ng ballpen.Halos pilit na ang ngiti nito nang dumating siya.
"bakit ang tagal mo?"halos nanggigil ng bulong nito.
"Mamaya mo na lang ako pagalitan!" humingal na bulong ni Alvin.
Bahagya pang natigilan si Noel nang makita ang kulay pink na ballpen.
Alanganin namang napangiti si Alvin.
Lalong nagsalubong ang kilay ng binata.
"sige na!pwede na yan!"
Nang makakaalis na nga ang investor ay doon siya hinarap ng kaibigan.
"Anong kalokohan yon ha?"Bakit ala kang dinala kahit ano?" gigil na sabi nito sabay sapik sa kanya.
"pre naman!binigla mo ko kanina!ano bang malay ko na kailangan pala ng ballpen!" nakangisi nang sabi niya.
"Sira ka talaga!"
Akmang tatapikin siya sa braso ni Noel pero agad naman itong nakailag.
"nakapagclose ka na ng deal itreat mo na ako ng lunch!" nangingiting kantyaw ni Alvin kay Noel.
"Diyan ka magaling!"nakangiti nang sabi nito sabay senyas sa waiter.
Habang kumakain ay biglang naalala ni Alvin ang resume na itinupi niya at ibinulsa sa likuran ng kanyang pantalon.
"Mayroon na pala akong nakitang bago mong sekretarya!" aniya sabay hugot sa bulsa.
Nangiting inabot niya ang nakatuping resume.
Napakunot ang noo ni Noel.
"Saan mo namang basurahan napulot 'tong resume na 'to?" tanong niya.
Siya yung may ari ng ballpen na pinahiram ko sa'yo!"taas noo pang sabi ni Alvin.
Naiiling namang ibinalik ni Noel ang resume sa kanya.
"Oh bakit hindi mo type?" nakakunot ang noong tanong ni Alvin.
"Coincidence lang ba na nagkita kayo o baka naman set up na naman 'to ng mga kalaban ko sa negosyo?" biglang sumeryoso ang mukha nito.
"mukha namang hindi!basta bukas tatawagan ko siya!subukan mo lang kahit isang buwan lang.Habang tinatapos ko pa ang mga trabaho ko sa department namin." subestiyon nito.
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomanceMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...