Chapter 1

85 5 3
                                    

Chapter 1

After the next few hours, walang tigil ang buhos ng ulan dahil sa malakas na bagyo. Kasalukuyan pa rin akong nasa ospital dahil ayaw akong ipa-discharge ni Mommy.

Seriously... I don't understand her point. Wala naman akong sakit! What makes she think na kailangan ko pang mag-stay dito? I can't even feel any pain on my body!

Does she even know what I feel?

Disgust. Pure disgust. 

Nandidiri ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang ang mga lalaking iyon na gawin ang gusto nilang gawin sa akin. And worst, hindi ko alam kung may nagawa nga ba sila.

Sinusubukan kong tanggalin ang lahat ng iyon sa isip ko pero walang nangyayari. It just made me extremely curious.

Ang nangyari noong gabing iyon when I passed out... is it something scarier than the first one? Hindi ba talaga ako nagkaroon ng malay and I just forgot about what happened?

In order to answer those bothering questions, pinahanap ko sa mga tauhan ni Daddy si Elmrix—with all my efforts and connections. Hindi naman ako papayag na basta na lang mag-overthink sa isang tabi.

Naku-curious ako kung sino siya. Kung kilala ko na ba siya... or whatever. Isa pa, I wanna know kung bakit niya ako niligtas at kung anong ginawa niya sa mga lalaking bumastos sa akin.

I tried to search for him on Facebook and other socials. Natural, may lalabas na ganoong pangalan. Ang tanong, sino naman sa kanila?

I knew I couldn't just give up even if it seemed impossible. Nagtuloy lang ako sa pag-come up ng solutions like... sending the photo of Elmrix's handkerchief to all accounts with the same name. May iilan namang nag-reply roon, but unfortunately, all of them are saying that the handkerchief is not theirs.

Lalo tuloy akong nanlumo ngayon.

Paano ko kaya siya mahahanap?

"Hey, bitch."

Napalingon ako sa gilid ko.

"Why so tulala?"

Inikutan ko lang siya ng mata. "As if you care."

"I care. You are my little sister, remember?"

Hindi ko alam kung seryoso ba siya roon o nang-aasar lang siya. But opinion wise, the second option must be.

"Stop it, Vivianna Yvette."

Naningkit ang mata niya. "Call me Ate, Victoria Yllena. I'm older than you. Where's your manners?"

"Before you look for my manners, make sure you already found yours..." Muli akong umirap to show how annoyed I am.

"What's your problem? Since you came here, you're so sungit na..."

I gave her my vomiting look. "Managalog ka na lang, please. Ang disgusting pakinggan!"

"What's your pake?!"

Napahimas ako ng ulo ko.

Thank god. Thank you so so much because somehow, hindi naging ganito ang ugali ko.

"If I can just put you inside the morgue, I swear!" Sabi ko out of frustration.

Nandidiri niya akong tinignan. "Ew... morgue? There's so many dead bodies there! Ew, that's so mabaho! Where did you learn to say such things?"

Napailing na lang ako. Conyo na, sobrang arte pa. So annoying!

"Nasaan sina Mommy?"

"In the mall. Shopping."

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now