"Ano Jin? Game ka mamaya?"
"Ha? Ah. Oo sige." At nagpaalam na rin siya. Nauna ng lumabas ang iba at ako nalang ang naiwan.
Isinukbit ko sa balikat ang bag ko at lumabas na ng classroom at nilock ang pinto. Naglalakad ako sa hallway ng may makasalubong ako liliko na sana ako ng nahawakan niya ang balikat ko.
"Bitaw." pero nagmatigas sya. Sasapakin ko na sana...
"Wooh. Easy lang hindi naman kita sasaktan." Itinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko. Tch. Alam ko na ang kailangan ng kumag na 'to.
"Kung tungkol pa rin ito sa inaalok mo sa akin. Hindi pa rin ang sagot ko maliwanag?" Paulit-ulit nalang ang isang ito. Ang kulit. Bibigwasan ko na to kapag hindi ako nakapagpigil.
"You know what I offered you a simple one. Your ego is just so high." Nagbago bigla ang mood niya kanina lang naka-ngisi pa sya pero puno na ng galit ang mata niya at umiigting ang panga.
Tinignan ko sya ng matalim. "Bobo ka ba ha? Lubayan mo na ako pwede? Kung ayaw mong masaktan." Lumakad na ako at handa na syang iwan pero nagsalita sya na nag patigil sa akin.
"Kung gusto mong makawala sa rehas na nakapalibot sa iyo. You will take the risk no matter how hard it is just for the sake of your freedom. And for them." Galit ko syang binalingan. Naka ngisi syang tumitig sa akin. Gago talaga! Bwesit.
Iniipit talaga ako nito e. Alam kong kahibangan ito pero wala akong magagawa naipit ako sa sitwasyong hindi ko alam kung ano ang dapat gagawin.
Alam ko
"Sige sasali ako." Huminga ako ng malalim at pikit-mata kong sabi. Pagmulat ko nakangising demonyong mukha ang tumambad sa akin. "Deal." Itinaas niya ang kamay niya para makipag kamay at tinanggap ko naman iyon.
At iniwan syang malaki ang ngiti sa labi.Pero kung ito talaga ang tanging paraan para makawala sa madilim na bangungot na ito at sa kaayusan ng lahat.
Kung ang pagsali ko dito ay para sa ikabubuti?
Sana hindi ko ito pagsisihan. Sana nga...
•°•
Ang storya pong ito ay pawang imahinasyon ko lamang. Kung may pagkakatulad man ay aksidente lamang po ito. Inspired lang po akong gumawa. 😊
I hope you like it😂
Thank you po ng marami.