Darren as Gunter
Gunter's POVKapwa kaming napatingin sa isa't isa ni Lance nang marinig namin ang pagtawag sa akin ng kaniyang daddy bilang Georgina. Wala kaming ideya kung papano niya nalaman ang pangalan na gagamitin ko bilang pagpapanggap. Malabong si Eisen ang nagsabi sa daddy ni Lance dahil wala siya sa kwarto ni Lance nang mapag-usapan namin ito. Nagawa pang lumapit sa amin ng daddy ni Lance na mas lalong nagpakaba sa akin nang husto. Sa bawat hakbang ng kaniyang paglapit sa akin ay para bang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko. Pinagdarasal ko na lang talaga na hindi niya ako kaagad mabisto. Nang makalapit siya sa amin ay nagawa niya pa akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Do you know her Dad?" tanong ni Lance na nagtataka rin sa kinikilos ng kaniyang ama.
"Ohh.. I'm sorry. Pasensya na sa inasal ko. I'm so glad to finally meet you hija" sabi ng kaniyang daddy habang inaabot ang kaniyang kamay. Ang akala ko ay makikipagkamay siya sa akin pero nagulat na lang ako nang bigla niyang halikan ang aking kamay. Mabuti na lang at hindi niya nahalata ang pagkagulat ko.
"My name is Kendrick Fuentes and you are?" tanong niya at muntikan na akong magsalita mabuti na lang naunahan ako ni Lance.
"Her name is Georgina Dela Cruz, She's my girlfriend dad" sagot ni Lance na para bang lumalim nang husto ang boses. Hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang ganyan lang talaga ang boses niya kapag kaharap niya ang kaniyang ama.
"Really? What a coincidence. May kaibigan akong pangalan ay Georgina at kamukhang kamukha mo siya kaya akala ko noong una ay ikaw siya" natatawang sabi ng daddy ni Lance. Tumingin sa akin ang daddy ni Lance at mukhang nag-aantay ng aking isasagot.
"She can't speak right now dad. Masakit kasi ang lalamunan niya dahil sa nangyari kagabi" sagot ni Lance at lalo akong nanliit sa harapan ng kaniyang ama dahil sa pinagsasabi niya. Pano niya nasasabi ang ganong bagay sa harap ng kaniyang ama?
"Manang-mana ka talaga sa akin" sagot ng kaniyang ama sabay tawa. Tatawa rin sana si Lance pero naunhan ko ang pasimpleng pagkurot sa kaniyang tagiliran para makaganti kaya imbes na tumawa siya ay napangiwi siya.
"Anyway, mukhang napakabata pa nitong si Georgina at dapat hindi mo siya binibigla lalong lalo na sa ganyang bagay and please make sure na laging safe ang pagsesex nyo dahil hindi pa kayo handang bumuo ng pamilya" dugtong ng kaniyang ama. Hindi ba siya nakakaramdam na sobrang awkward ng usapan na to.
"Oo naman dad" at umakbay sa akin si Lance habang marahang hinihimas ang aking braso. Kung wala lamg kami sa harap ng kaniyang ama at hindi ako nagpapanggap ay kanina pa sa akin nakatikim ng sapak itong si Lance.
"Aheem..Excuse mo po tito may kumakain" reklamo ni Eisen habang nakatuon sa kaniyang kinakain.
"I'm sorry" mabilis na tugon ng daddy ni Lance. Naninibago tuloy ako sa kaniya dahil mukhang hindi naman ganun kasama ang ugali ng kaniyang daddy base sa mga kwento ni Lance sa akin.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...