I'm vraine
And yes childhood bestfreind ni vincent
Isang pinaka gwapo nilalang nanakilala ko sa balat nang earth char
Matagal ko nang gusto si vincent sha lang kase palagi kong kalaro tuwing ako lang mag isa sa bahay.
Maraming nag kakagusto at nag kakandarapa ka vincent at isa na ako dun
Kaya minsan di mo maiiwasan mag selos pag may kausap shang ibang babae
Pero swerte ako kase meroon akong supportive na kaibigan at sha ay ang isang baliw at walang mudo na kumakain sa bahay namin tuwing tanghalian charr lang siya ay si andrea
Nandito ako ngayon sa kwarto na ka higa taas paa sa pader .
Nang......
/di ko kaya besh iba nalang ang mag story hahahah/
MY CHILDHOOD CRUSH
Third personed p.o.v
Nakatanggap ng text si Vraine mula sa kanyang kaibigan kaya naman kaagad niya itong binasa.
"Hoy besh, nag-aaya si Vincent sa bahay nila. Anniversary ng parents niya. Pagkakataon mo na ito besh na dumiskarte sa crush mo nang mapansin ka naman." natawa siya sa nabasa bago ito replyan.
Pagkatapos ay kaagad siyang nagbihis bago magpaalam sa kanyang magulang.
Pagkarating sa kanto ng bahay nila ay kaagad niyang natanaw ang kanyang kaibigan na naghihintay sa kanya.
"BESH, EXCITED KA NA BA???" masiglang tanong nito sa kanya.
"Ha?"
"Anukaba. Hindi mo ba alam na ito na ang araw na mapapansin ka ni Vincent."
"Gaano ka naman kasigurado besh??"
Ngumiti ito bago sumagot. "Feel ko lang hehehe. Let's go."
Malapit lang ang bahay nila Vincent mula sa subdivision na tinutuluyan nila Vraine kaya naman ilang minuto lang ang ginugol nila bago nakarating.
"Basta besh, magpakitang gilas ka lang lalo na kapag nasa paligid si Vincent ahh." payo nito kay Vraine.
"Sure. This is it besh, mapapansin na rin ako ngayon ng childhood crush ko."
"Don't worry besh, I'll support you naman." saka sila nagyakapan bago pumasok ng bahay.
Pagkapasok nila ay maraming tao ang nandoon at abalang kumakain habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at kakilala nila.
Kaagad silang nakita ng mommy ni Vincent. "Oh hi pamangkin, and who's with you?"
"Ahh tita, siya po si Vraine. Future daughter— ay este kaibigan ko po hehe." hindi nito naituloy ang balak sabihin dahil sa nakamamatay na tingin ni Vraine dito.
"Hi Vraine, nice to meet you iha." saka ito nakipagbeso sa kanilang dalawa. "Upo kayo dyan, kuha lang ako ng pagkain niyo."
"Sige po tita, damihan niyo po ahh." pahabol na saad ni Andrea sa kanyang tita.
Pagkalipas ng kalahating oras, hindi pa rin nila nakikita si Vincent. Kaya naman wala silang ginawa kundi ang kumain muna.
Hanggang sa makaramdam si Vraine ng kakaiba. Biglang sumakit ang kanyang tyan.
"Besh, ang sakit ng tyan ko."
"Why? Nababanyo ka ba?? Number 2 ba??" tanong nito kay Vraine na tinanguan lang nito. "Sige tara, makigamit muna tayong CR." saka nito inaya ang kaibigan sa 2nd floor ng bahay.