Prologue

224 10 1
                                    

Prologue

Mistakes are similar to change. It is inevitable.

In this world, we are all capable of making those. Either it is caused accidentally or with an intention to do so. And those mistakes will always have consequences—either good or bad.

In a positive perception, mistakes can make you do better, help you improve, and make you learn something from that fault. However, in a negative view, it can discourage you, put you under pressure, and make you feel afraid of making choices again. Why? Because of the feeling that you are going to make the same mistake again.

The most special person in my life always tells me that it is part of our life to make mistakes in order to know the real meaning of living in the reality of this world.

That was when I started to believe that every person has their own mistakes in life. Because life is full of choices. One wrong decision will lead you to your mistake.

And I guess that's what happened to my parents.

I am their mistake.

"May gamit ka na agad?"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Abegail. Nakatayo siya sa may pintuan ng maliit kong kwarto, pinagmasdan ang mga binili kong gamit para sa darating na pasukan. Inaayos ko ang mga iyon kaya nakatambak ang mga gamit sa aking kama.

Sasagutin ko na sana ang babae nang marinig mula sa labas ng bahay ang tunog ng tricycle.

"Nandyan na sila." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sahig upang salubungin sina Nanay at Tatay galing palengke.

Ngumuso ang bibig ni Abegail nang tuluyan ko na siyang malapitan at naunang umalis sa pwestong kinatatayuan niya. Dumaretso naman ako sa pinto at pinagbuksan ang dalawang matanda.

"Nay, bakit si Solis may gamit na? Wala pa ako, ah? Ang daya ah," bungad ni Abegail sa kanila.

"Akin na ho." Kinuha ko kay Tatay ang biniling isda na nakalagay sa plastic.

Dumaretso ako sa kusina. Nalagpasan ko pa si Abegail na may bahid ng pagtatampo sa mukha. Mahina akong natawa.

"Kuha'in mo muna ito ay ilagay sa kusina," rinig kong utos ni Nanay sa babae.

Nilagay ko sa lababo ang isda at kinuha ang iba pang plastic na dala ni Tatay.

"Sino bang tunay na apo? Ako, ah? Bakit naunang ibili ng mga gamit si Solis," Abegail continued to whine.

Nilingon ko siya. "Sale sa bayan kahapon. Bumili na kami ni Nanay para makamura. Ayaw mo naman ng mga gano'ng gamit kaya hindi ka muna namin binili."

Habang papalapit si Abegail dala ang isang plastic ng pinamili nila, nakita ko ang pagsang-ayon sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Hinihintay ko lang iyong tutubos ng pinatahing uniform. Mamaya raw. 'Yon ang ipambili mo," sabi naman ni Nanay.

Tinignan ko si Abegail at nakangiti na ito. Siya naman ang lumingon sa akin.

"Samahan mo 'ko, Solis," pag-akit niya bago umalis at pumasok sa kaniyang kwarto, kalapit ng akin.

I sighed when I realized that she was not going to help us with the kitchen work again.

"Napakamatampuhin talaga ng batang 'yon," si Tatay bago lumabas ng bahay. 

Papunta siguro sa maliit nilang shop ni Nanay, dyan lang sa tapat. 

Nilingon ko si Nanay na nilalabas ang mga lahok sa plastic. Pumunta ako sa lababo at sinimulang hugasan ang isda.

Isang mananahi si Nanay habang si Tatay ay nagawa ng mga sirang gamit. Hindi kami mahirap pero lalong hindi rin kami mayaman. Sakto at sapat lang. Nakakakain naman ng tatlong beses sa isang araw.

Beautiful Mistake (High School Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon