Na alimpungatan ako sa naamoy ko. Ang bango at mukhang masarap.Sininghot singot ko ito hanggang maka abot ako ng kusina.
Nakatulog ako nang walang laman ang tyan ko. Bihira lang gumagawa niyan. Hahhaha
"Hmmm... ang bango naman nyan. Anong niluluto mo? " ano kaya yun
"Buttered shrimp. Mabango ba?"
"Wow naman. Oo, at sa tingin ko masarap din yan. Sana all marunong magluto niyan. "
"Bakit di kaba marunong?"
"Hehehe konti lang alam ko sa pagluluto at isa pa waitress ang trabaho hindi chef kaya konti lang alan ko"
"Ahh, ganon ba. Di sige na kumuha ka nalang ng kanin tsaka pinggan jan at kakain na tayo"
"Hay sa wakas makakakain na din tayo"
"Oo nga"
Kumain kami ng kumain hanggang mabusog kami. Sobrang sarap ng buttered shrimp na yun. Pati nga yung balat ng hipon halos kainin ko nadin, sayang kasi yung sauce kaya ayun... kinain ko kanang. De joke lang hahaha
"Maky ako na magliligpit nang pinagkainan natin"alok ko
"Ah sige"
"Kung gusto mo maglibot libot ka nalang sa bahay o gumala sa dalampasigan"
"Sige salamat"
Maky POV
Habang naglilibot ako sa bahay ni Dana este Raine pala may nakita akong isang pinto na nakabukas. Well actually, marami namang bukas na pinto na nalampasan ko na pero ito iba eh.
Sumilip ako at na mangha sa nakita ko.
"Wow"
Isang kuwartong puno ng mga painting . Iba 't ibang klase ng painting mga oil in canvas , oil on wood and also acrilic.
Meron din ditong action paiting. Its like a huge canvases spread on the floor , splattering, squirting, and dribbling paint with no replanned patterns or design in mind. Actually para lang siyang ginawa gawa lang parang ganun. Ahh basta
Nilibot ko ang paningin ko at sobrang na mangha talaga ako kay Raine. Kahit na wala ang alaala niya di parin nawawala sa kanya pagiging artistic niyang pagkatao. Talented din siya sa di nakakaalam.
Close kaming dalawa . Lumaki kami ng mag kasama pero sa di malamang dahilan nag away ang pamilya namin at nagka watak-watak.
Kaya simula nang nasira ang pamilya namin di ko na siya na kita. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito nagkita kami. Nung una ko siyang makita di ko ipagkakailang nagbago na siya. Nagbago na ang kanyang itsura. Di tulad noong bata kami sobrang kinis ng mukha niya at sobrang puti. Inaalagaan kasi siya ng mabuti noon di tulad ngayon. Mas pumayat siya at tumangkad. Dina rin gaano siya ka puti at kinis tulad ng dati. Kung siguro di niya pina bayaan katawan niya ang ganda niya at kung hindi ko lang siya pinsan niligawan ko na siya.
Naniniwala kasi ako na di lahat ng magaganda magandi din ang kalooban yung iba maganda lang sa labas pero sa loob panget. Mabait na bata si Raine at masayahin.
Naaalala ko pa nga noong bata pa kami may na gustohan siyang lalaki.
Flashback
Author's POV
Nasa parke ngayon sina Raine at Maky pati narin ang pamilya niya. May kaunti silang salo-salo at habang naglalaro sina Raine at Maky ng tagu- taguan biglang napada si Raine.
Bigla naman siyang tinulongan ng batang lalaki. Halata sa mukha ni Raine na parang iiyak na siya kaya niyakap siya nang batang lalaki.
Nabigla naman si Raine sa ginawa sa kanya. At sa di inaasahang pagkakataon naghulog agad ang loob ni Raine sa batang lalaki. Di lang kase ito matulungin , gwapo din .
"Okay ka lang ba bata? "Tanong sa kanya ng batang lalaki
" opo , Salamat po"
"Walang ano man" at umalis na siya
"Nu bayan sayang naman di ko alam ang name ni pogi"
Nadismaya si Raine dahil di niya nalaman ang pangalan ng batang lalaki kaya bumalik nalang siya sa kanila.
"Ohh Raine bakit di ka pa nagtatago tapos nakong magbilang eh!" Iritang sabi ni Maky
"Kuya Maky alam mo ba may napupusuan na kong lalaki?"kinikilig na sabi ni Raine.
"Aba!! Kabata bata mo pa at nag kakagusto kana, at sino namang swerteng lalaki yan insan"
"Secret"hihihi
"May pa secret secret ka pang nalalaman jan. Sumbong kita kay mommy mo eh" no!
"Basta promise mo muna saking di mo sasabihin kay mommy"
"Okay sige. Sino ba yun"
"Hihihi , yun lang di ko alam kung sino siya"
"Eh! Na love at first sight ka siguro insan no?"
"Siguro nga kuya, pero ano yung love at first sight?"
"Tangek! May pasiguro siguro ka pa jan di mo rin pala alam yun"batukan daw ba siya
"Insan yun yong unang kita mo palang sa kanya tinamaan ka na agad, parang ganun. Bakit pogi ba?"
"Opo sobra"
"Kaya ka nga siguro nag ka crush sa kanya"
End of flashback
Raine POV
Kakatapos ko lang magligpit at maghugas ng pinag kainan namin. Nasan na kaya siya?
Baka pumunta sa dalampasigan.
Makapunta nga sa paborito kong lugar ."Eh! Anong ginagawa mo dito?" Akala ko pumunta siya sa dalamapasigan.
"Hanggang ngayon di ka parin nagbabago. Magaling ka parin sa pag pepainting."
"Ah..ehh.. oo nga" di ko alam sinasabi niya.
"Oh siya Raine , salamat pala sa pagtulong mo sakin kanina. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka dun kanina. At salamat din sa pagtiwala sakin. At pati narin sa pagpapatuloy mo sakin dito sa bahay mo"
"Hahha walang ano man yun. Salamat din sa masarap sa buttered shrimp na hinanda mo. Nabusog ako dun"
"Oh siya mauna nako"
"Hatid na kita .alam mo ba pano maka alis dito?"
"Oo naman . Nagtanong tanong ako kanina sa palengke at tinuro naman nila sakin"
"Sige magiingat ka"
"Gagawin ko"
"BYEEE" sabay naming bigkas
Sinarado kona ang pinto pagkalabas niya. Malakas ang kutob ko na kilala ko nadin siya noong bata pa ko. Pero di ko maalala.
Makakatulong siguro siya para maalala ko ulit ang nakaraan ko. Pero pano kung sa pag balik ng alaala ko ay may nangyari palang di ko dapat asahan?
Ano kaya ang magiging reaksyon ko?"Ang kailangan ko lang sigurong gawin ay harapin ito ng buong tapang at buong lakas"
Vote
Comment
And be a fan♡♡
YOU ARE READING
My Love For Him
Teen FictionShe's just a simple girl who wants to be loved by the person who doesn't love her back. It hurts when you know that you need to let go of someone but you can't, because you're still waiting for the impossible to happen. Why the person he love always...