*Krinngggg*
Tunog yan ng aking alarm clock. Panibagong araw na naman ang aking kakaharapin. Sana naman maging masaya ang araw na ito.*tok* tok *
"Nak? Bangon na at kakain na, diba may pasok ka ngayon?"
"Opo, Nay! Inaayos ko lang itong kama ko susunod na din po ako sa hapag"
Pagkatapos niyang maayos ang kanyang kama agad din siyang lumabas upang kumain ng almusal.
"Nga pala nay, may babayaran po kami sa School, PTA dues po 610 para sa amin nayong dalawa ni Kim"
"Opo nay, di daw kami papa examin kung di pa nagbabayad kahit kalahati nun" dagdag naman ng kapatid niya
"Oh sige, bukas nalang kita bibigyan kailangan pa namin ng tatay niyong makabenta ng madami para dyan."
"Opo nay"
Pagkatapos niyang kumain ng almusal ay dire-diretso si Maureen sa banyo at dali-dali ring naligo dahil late na siya sa eskwela.
Papasok na siya ng jeep at may nakita siyang space pa para pwedeng upuan pero hindi siya pinaupo ng kanyang kamag-aral
"Hi Marga, pwede ka bang umusog nang kaunti?"
"No! Can't you see!? wala nang space dito? bakit mo pa ipagsisiksikan yang sarili mo?" ang sagot ni Marga sa kanya
"Ah ganun ba, sige"
Dahil sa kahihiyan na Maureen ay sa iba nalang siya tumabi.
Nang makarating na sila sa sa paaralan ay sa sobrang kairitahan ni Marga sa kanya ay tinalisod siya nito at napapasobsob siya sa lupa.Pagpasok niya sa paaralan ay pinagtitinginan at pinag uusapan siya nang mga estudyante, yung iba'y tumatawa pa. Lumapit sa kanya ang matalik niyang mga kaibigan.
"Friend? anyare sayo? Bat ganyan itsura mo? Ang dumi-dumi nang uniform mo. Masakit ba? Halika punta tayong clinic!" nag-aalalang sabi ni Chantal
"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo dyan? Walang drama dito! Umalis nga kayo!" singhal naman ni Blissy sa mga nanunuod sa kanila
"Hmmm wala ito, napakaclumsy ko lang talaga! Hali na kayo at sobrang late na natin"
(habang papunta sa classroom ay hindi nila alam na may masamang balak pala ang mga kaklase nila sa kanila)
"Himala ang tahimik nila?" -Blissy
"Oo nga no? ano kayang mga nakain nito?" - Chantal
"Sigu---"
hindi na tuloy ang sasabihin ni Maureen dahil pinagbabato sila ng mga bolang papel ng kanilang mga kaklase."Aba't mga walanghiya kayo! ang bababoy niyo" si Blissy
"Ooooy guys nandyan na si maam!"
biglang sigaw ni Kyle"Tumigil na kayo kundi magqiquiz si maam"
Pagpasok ng kanilang teacher ay napansin kaagad nito kung gaano kadumi ang classroom.
"Bat ang kalat? ikaw miss? bakit ang dumi ng uniform mo?"
"Maam baka nangolekta muna ng mga basura dyan sa daan"
"Katangahan niya lang yan!" dagdag ni Marga
"Naaamoy niyo ba? Tangina ang baho!"
"Mr. Santos your mouth! Ganyan ba tinuturo ng mga magulang niyo sainyo? Kayong lahat kung di kayo titigil magkakaroon tayo ng long quiz! Understood!?"
Pagkatapos ng mahabang lesson ay agad silang pinauwi. Ngunit hinintay na muna ni Maureen na dumaan ang crush niya na si Ken mula sa kabilang seksyon.