Salitang Hindi Sapat
Akala ko basta mahal mo mapapatawad mo. Ngunit ang pagmamahal ay di pala sapat. Sa bawat pintig ng puso na ikaw lang ang katumbas kapalit ay lumbay. Sabi mo mahal mo ako. Naniwala ako. Nagtiwala sayo. Dahil akala ko ay totoo ang nararamdaman mo. Ngunit ito palay isang pakitang tao. Damdaming inimbeto. Hindi naramdam, inisip lamang. Hindi galing sa puso sa halip gawa lang ng mapaglaro mong isipan kaya ako ay ginawa mong libangan. Libangan na madaling pinagsawaan.
Ako ay ako. Siya ay Sisa. Magkaiba si Anna at Cristina. Kaya sana ako ang iyong makita hindi siya: malinaw naman ang iyong mga mata.
Nahumaling ako. Nahumaling ako
sa bawat salitang binibigkas mo na ang iniisip mo ay siya imbes na ako. Sa bawat haplos mo ay siya pala ang dinadama mo. Sinisigaw mong ako ang mahal mo sa buong mundo ngunit ang bulong ng puso moy hindi pala ako. Hindi langit ang pinaramdam mo kundi kabaligtaran nito. Hindi pagmamahal ang binigay mo kundi kasinungalingang limantaong minaster mo. Mahusay. Isa kang dakila. Dakilang manloloko. Ang gaya mo ay di dapat iniidolo.Pakinggan mo ang bulong ng puso. Ikaw lang ang sinisigaw nito.
Sa harap ko rinig na rinig ko ang salitang binitawan mo na sinisigaw mong mahal mo ako.
Nagtataka ako. Diba dapat sa sigaw mo mabingi ako sa sobrang saya. Saya. Saya? Pero bakit sa bulong ng puso moy pighati ang dala? Daig ko pa ang walang tenga.
"Patawad." Sambit mo ng hindi mo na kayang magpanggap.
Mali yata ako ng pandinig. Di ba dapat "Mahal kita."
"Patawad." Ulit mo.
Ngunit Nabingi ako. Nabingi sa pagmamahal mong akala koy totoo.
"Patawad." Ang muling salitang sinabi mo. Akala ko ito lang ang alam mo. Ngunit ngayoy napipi pa ako sa huling salitang binigkas mo, "...Paalam."
Ang huling salitang sinambit mo.Umasa ako na hanggang sa huli patawad ang sasambitin mo. Ngunit hindi pala. Sa pangalawang pagkakataon nagkamali ako. Ngayon napatunayan ko na may mga salita palang hindi sapat. Hindi sapat para pakawalan ang galit at sakit na pumupunit sa aking dibdib.
Mali ako. Dahil akala ko basta mahal mo ay mapapatawad mo. Subalit sa taong nagmamahal hindi pala sasapat ang salitang patawad dahil
pagmamahal ang inaasahang katumbas..