CHAPTER 7
"OKAY ka na ba talaga?"Paninigurado ko sa kaniya habang nakayakap parin ako sa kaniya.
"Yes."
I withdraw my hands na nasa bewang niya at saka napatingin sa lalaking bugbog sarado na, hindi na maitsura ang kaniyang mukha. Para itong naiiyak na ewan.
Malamig siyang tumingin kay Elaine."I'll pay for the damages but I won't pay for the medical of that man."Sabi niya sabay turo sa lalaki.
Nanginginig namang tumango si Elaine. "O-okay...A-ako na ang bahala."Nauutal na sabi niya.
"Elaine, uuwi muna ako ngayon sasamahan ko lang si Zede."Mahinahong sabi ko sa kaniya at tumango naman ito.
Nauna namang lumabas sa Bar si Zede habang nakapamulsa na para bang walang nangyari dito sa loob ng Bar.
Lahat ng madaanan niya ng tao sa loob ng Bar ay binigyan siya ng spasyo para makalabas. Takot rin pala sila sa lalaking 'yun.
"Oo na, gora na. Ako na ang bahala dito, grabe nakakatakot talaga ang lalaking 'yun."Sabi niya na mahinang ikinatawa ko.
Umalis ako sa Bar at saka hinabol siya.
"Hoy, Master! Hintay!"Sigaw ko sa kaniya at tumigil naman ito sa paglalakad, hindi man lang ito humarap sa'kin. Tss.
"What do you need? May trabaho ka pa doon, diba?"Malamig niyang sabi.
"Nag-excuse muna ako kay Elaine."Sabi ko sa kaniya at napakunot ang mga noo nito habang humarap sa'kin.
"Why?"Takhang tanong niya.
"Kasi kailangan ako ng Master ko. Isa pa, nagpapasalamat ako sa ginawa mo kanina, nainsulto na kasi ako sa mga sinabi niya e. Pero hindi parin tama ang ginawa mo, baka makapatay ka."Mahinang sabi ko.
"I already killed someone using my hands."Sabi nito sa'kin.
Ewan ko nga ba sa sarili ko, imbes na matakot ako sa kaniya kasi nakapatay na siya, kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya.
Naramdaman ko naman na natigilan siya.
"Pero hangga't nandito ako, pwede bang 'wag kang papatay? Pwede namang pag-usapan, diba?"Mahinang sabi ko sa kaniya.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang kaniyang braso na nakayapos na sa bewang ko, at mas lalo niya akong pinalapit sa kaniya.
Were in the middle of the street 'ya know, baka may makakita sa'min.
"Bitaw na, Master. Uwi na tayo."Sabi ko sa kaniya at marahan naman itong tumango.
Nakahawak parin ang isa niyang kamay ko bewang ko, hinayaan ko nalamang siya.
NASA MANSIYON na kami na pagmamay-ari niya. Umupo naman ito sa sofa, pumunta naman ako sa kusina para ipagtempla siya ng kape para mahimasmasan rin ito.
Nang matapos na ako sa pagtetempla ng kape ay pumunta na ako sa direksyon niya, nakaupo ito sa sofa at saka may malalim itong iniisip.
"Coffee?"
Nag-angat naman ito ng tingin at saka tinanggap ang kape, akmang aalis na sana ako ng hilahin niya ang pulsohan ko palapit sa kaniya kaya ang naging resulta ay napaupo ako sa mga hita niya.
Nag-init naman ang mga pisnge ko sa posisyon namin pero parang wala lamang ito sa kaniya.
"A-Anong ginawa mo? M-matulog ka na, pasado alas dose na ng umaga o."Mahinang sabi ko.
I cringe a little when he put his head in my neck, inhaling my scent na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"W-What are y-you doing?"Mahinang sabi ko.
Parang nawalan ako ng lakas para itulak siya palayo sa'kin. It's like kinuha niya ang lahat ng lakas ko.
"I'm tired."Bulong niya sapat na para umabot ito sa pandinig ko.
I brushed his hair using my hands. " if you're tired, rest."
"I can't...the nightmare's are still hunting me."Mahinang sabi nito habang may hinanakit ang kaniyang mga boses.
Mukhang may pinagdadaan itong masakit sa kaniyang nakaraan kung bakit siya naging ganito.
I sighed."You want me to sleep with you? Para may kasama ka?"
Nag-angat naman ito ng tingin. "You sure? Hindi ka ba napipilitan lang?"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi mapairap sa sinabi niya."Sasabihin ko ba ang mga katagang 'yan kung hindi ako sigurado? Isa pa, wag kang magkakamaling gapangin ako dahil kahit Master kita, mapapatay talaga kita."
Mahina naman itong natawa dahil sa sinabi ko. "Don't worry, hindi ko 'yun gagawin.....I guess so."
Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong I guess so? Meaning hindi ka sigurado? Okay fine, mag-isa ka nalang sa kwarto mo."
Akmang aalis na sana ng pigilan niya ako gamit ang kaniyang yakap. "I won't, I promise."
Ngumite naman ako sa sinabi niya."Okay, maayos ka namang kausap e. Pero hindi ko parin nagustuhan ang ginawa mo kanina sa Bar."
Inilagay na naman niya ang kaniyang mukha sa leeg ko na ikinairap ko. "He insulted you. Nandilim ang paningin ko at hindi ko na mapigilang hindi siya suntukin sa galit. Are you mad?"
Okay, bakit naging ganito bigla si Zede? I mean he should be pushing me away from him pero bakit palagi nalang niya akong hinila papalapit sa kaniya?
Where's the cold and emotionless devil that I know? Bakit nag-iba ito bigla?
"Hindi naman sa galit ako, actually gusto ko nang sapakin ang lalaking 'yun pero hindi parin tama ang ginawa mo, isang suntok okay na pero 'yung ginawa mo, malapit mo na siyang mapatay."Mahinang sabi ko sa kaniya.
Mas isiniksik niya ang kaniyang sarili sa katawan ko.
"I'm sorry, I shouldn't do that. Nandilim lang talaga ang paningin ko sa pambabastos niya sa'yo, he even insulted your purity."Mahinang sabi niya.
"It's okay, pero pwede bang wag mo nang ulit gagawin 'yun? Baka makapatay ka ng tao e, at saka isa pa one punch is enough. Hindi naman sa nakiki-alam ako a pero ayaw ko lang talang makita kang nakapanakit ng iba na ganun kalala."Masuyong sabi ko sa kaniya at marahan naman itong tumango.
"Okay, I won't do that again. I'll refrain myself from killing and torturing someone. But if they provoked me, I will not hesistate to do that again."Malamig niyang sabi na ikinabuntong hininga ko.
Diyos ko po, bakit ba ako nag-alala sa Master ko?
YOU ARE READING
LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔
General FictionLIVID SERIES 3: DEVIL ZEDEKIAH RHYS MONTERO was a devil, he doesn't know the word mercy and even the word 'Love'. In his life, he realize his doings that all of 'em are mistakes. His life is full of so many regrets. A devil that has many secrets. Sh...