"Damien naman akin na yan!" sigaw ng katabi ko. Napangisi nalang ako kasi ang cute niyang tingnan. Namumula na yung mga pisngi niya dahil sa galit at ang cute lang ng mga tainga niyang namumula.
Currently na sa akin kasi yung kanina pa niya tinatago na artwork. Isang proyekto ito para sa arts namin at sabi niya nahihiya daw siyang ipakita.
Noong nakumbinsi ko na siyang ipakita iyon sa akin ay saka ko hinablot at itinaas para makita ng lahat. Ayun nagalit siya sakin haha. Ang ganda niya pa rin kung magalit.
"Damien! Ano ba?! Itago mo yan! Uyy!" pinagsisigaw niya habang sinusubukang hablutin yung painting niya.
"Sorry ka Neisha pero dapat makita to ng lahat ang ganda kaya nito" sabi ko sabay tayo at mas ipinagwagayway pa ang painting niya.
"Wow ang ganda naman niyan Neisha. Ba't ikinakahiya mo pa yan?" sigaw ng isang kaklase naman at ayun tinawanan ko. "Kita mo Neisha. Ang ganda kaya nito halika na at ilagay na natin sa likod itong artwork mo" sabi ko.
"Eh sabing ayoko nga Damien eh! Makinig ka naman sakin please!" sigaw niya sa akin at dun tumatalon pa siya para lang makuha yung painting niya.
"Tumigil nga kayo. Nakakadistract kayo eh" sabi ng isang boses sa aming likod.
Napatigil naman kami ni Neisha at napatingin sa kung sinong nagsalita. Natuwa naman si Neisha sa distraksiyon at kinuha agad yung painting niya mula sakin.
"Ayan sa wakas nakuha ko na. Pasensiya na Klara, ito kasing abno na to eh ayaw ibigay sakin" sabi ni Neisha sa nagsalita. Umalis din si Neisha para ilagay ang painting niya sa locker niya. Para siguro di ko ulit makuha.
Hay nako naman Klara. Panira ka talaga ng moment eh no. Pasalamat ka at good mood ako ngayon eh kung hindi aawayin kita at yang emotionless mong mukha ay magkakaroon na ng emosiyon.
"Ba't naman masama ang tingin mo sakin?" nawala ako sa iniisip ko ng magsalita ulit siya.
"Ha?" tanong ko at tinaasan lang niya ako ng kilay. Okay siya na boss dito. Kaasar.
"Hakdog" sabi ko sabay upo sa silya ko. "Sorry na po Madame di na po ako tatayo sa harapan mo" sabi ko sabay peace sign sa kanya.
At dahil masungit itong si Klara ay di na umimik at bumalik nalang sa pagbabasa ng libro niyang novel. Isang libro na di ko maintindihan kung bakit binabasa ng ibang kabataan ngayon. Yung mga librong hard bound at napakarami ang pahina at maliliit pa ang letra.
Bumalik nalang ang tingin ko sa harapan at nawala ang ngiti sa mukha ko. Wala si Neisha sa tabi ko ngayon at nasungitan pa ako ng isang babaeng mas maliit pa sakin. Anong klaseng oppresion to?
"Yo bro! Share mo naman thoughts mo diyan!" isang maingay na boses ang nagpasakit ng ulo ko. Pati ba naman to kukulitin rin ako?
"Why the bad mood bro?" tanong niya at napasinghap ako. Nawala good mood ko. Annoyed na ako mga wan handred.
"Ako, tigilan mo ako ng kaka 'bro' mo sakin ha Ernest. Nawala na ako sa mood" sabi ko sa kanya at sabay irap sa harapan ko which is ang white board.
Narinig ko naman siyang suminghap. "Bro! Galit ka na agad. This early?" tanong niya sabay hampas naman sa likod ko. Kinailangan ba talagang manghampas?
"Chill ka lang bro! Hindi pa nga nagsimula ang math ganyan ka na" sabi niya. Inirapan ko nalang tong tarantado. Pinaalala niya pa sakin ang hate subject ko.
"Teka bro. Ano bang dahilan ng galit mo ha? You're not usually like this kasi" english pa sige bro masuntok kita.
Tumingin muna ako sa likod ko at nakitang nakatutok pa rin si Klara sa libro niya. Uminit ulit ulo ko. "Wala. Ayaw kong pag usapan" sabi ko nalang.
Hinampas niya naman ako ulit sa likod. Isa nalang talaga at mawawala na ang pasensiya ko. Lalaki sa lalaki na to.
"I feel you bro. Ako nga eh hindi pinapansin ni Melissa ngayon. Hay nako sa chat nalang ba kami talaga close? Ba't ganito ang life bro?"
"Ewan ko sayo bro. Pero at least ako proud akong kausap ko palagi yung gusto ko" sabi ko dahil naalala ko si Neisha. Yep babalik na ako sa good mood dahil naalala ko si-
"Miss Cornel, you are needed by Miss Alejandro"
Eksakto ding nawala naman yun. Napatingin kami ni Ernest nung tumayo si Klara at tsaka lumabas ng room. Hindi man lang nag thank you sa nag inform sa kanya. Sungit talaga mga wan tawsand na.
"Hmm... " pagsisimula nanaman ng lalaking katabi ko. "Klara Cornel. Rank 3 sa standings at ilado dahil sa kanyang achievements both in academics at extra-co. Sayang naman maganda naman siya kaso walang ka emosiyon ang mukha niya" sabi ni Ernest sabay iling.
Ako rin ay napaisip eh. Matagal ko nang kaklase si Klara at hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Pwedeng ngumiti nga siya pero kasi nga di kami close ay di ko iyon nakita.
"Ano sa tingin mo bro? Pwede kaya maging close kami ni Klara?" tanong niya. Napabuntong-hininga ako at napailing.
"Wag ka nang umasa Ernest. Sa mukha niyang yun na wala talaga kahit isang makikitang emosyon. Imposibleng alam nun kung paano magkaroon ng minamahal" sabi ko nalang habang tinitingnan si Klara na nakikipag-usap kay Maam Alejandro.
Just...there's no way someone like her would know love.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14