Chapter 6-Jealously
''Gusto kong maging pinaka the best na lalaki para sayo,Sumi. Kasi Parte ka na ng buhay ko at mahal na mahal kita baby''
************************************
[Sumi's Pov]
Ayokong mawala sakin si Basty kasi mahal ko na siya.
Pinunasan ko yung luha ko at tumingin sa salamin.
Di ako papayag na maagaw ng Sanchez na yun ang Basty ko.
Nandito ako ngayon sa garden nakaupo sa bench.
Hinihintay kong dumating si Basty.
Sayang naman ang sweet perfume na linagay ko kung di niya ko mayayakap.
At sayang naman nung lip gloss na linagay ko kung di niya ko halikan.
''Sumi bat mo ko pinatawag ngayong lunch?'' tanong niya.
Linapit niya yung mukha niya sa leeg ko at sinabing ''Ang bango mo naman,Sumi. Pwede bang yakapin kita?''
Tumango naman ako.
At niyakap niya ko na parang prinsesa. Linapit niya yung mukha niya sa ulo ko at inamoy niya yung buhok ko.
''Para kang yung unan ko,Sumi. Ang bango bango mo'' di ako makapaniwala na ganito pala yung epekto nung pabango na yun.
Kinakabahan na ko sa asta ni Basty. Ang lapit lapit kasi ng mukha niya.
Pero kakayanin ko 'to. Kailangan kong mapanatili sakin si Basty. Kailangan sa akin lang siya titingin.
''Naglalagay ka na pala ng lip gloss ngayon'' at ngumiti siya. Buti naman napansin mo. Sayang kasi kung hindi niya mapapansin.
Nagulat ako ng nasa kanya na yung lip gloss ko.
''A-anong gagawin mo dyan,Basty?'' takang tanong ko.
''Lalagyan ka ng lip gloss.'' what the fvck is he thinking? Anong ibig nyang sabihin dun sa lalagyan niya ko ng lip gloss? Tapos parang cool lang siya. Ba't ako todo kaba na dito?
Nagulat ako ng lagyan niya nga ako ng lip gloss. The fvck? Bading ba 'tong nerd na 'to?
''Ayan tapos na,Sumi'' at ngumiti siya.
Kinuha ko yung salamin sa bulsa ko at tinignan yung ginawa niyang paglalagay ng lip gloss sa labi ko.
Maayos naman pala. Waaa..Bakla ba 'tong,boyfriend ko? Wag naman sana ang gwapo gwapo niya para maging bakla.
''Bakla ka ba?'' tumawa naman siya. E-X-C-U-S-E- M-E seryoso ako! Ano ba?! Tapos tatawanan lang niya ko.
''Kung bakla ako. Do you think,magiging girlfriend kita?'' kahit kanina pa yun. Tawa pa rin siya ng tawa.
Weird Hmmmp. Tama bang tawanan ang isang Sumi?
Mahalikan nga 'to ng manahimik. Malapit na kaming maghalikan kaso bigla akong kinabahan.
Linayo ako ni Basty sa kanya and uttered this word ''Let me do the first move'' Linapit niya yung mukha niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Hinalikan ko naman siya pabalik.
Nagulat ako ng iurong ng konti ni Basty yung mukha niya.
''Let's stop this. Baka pag pinagpatuloy pa natin 'to. Di na ko makapagpigil'' ngumiti siya and Patted my head.
I'm not a dog. Tsk. Di kaya ako aso. Puro siya pat ng pat. Patpatin ko kaya 'tong Nerd na 'to.
''Tinatanggihan mo na ba ko,Basty? Ayaw mo na ba sa akin?'' rinereject na ba ko ni Basty? Kasi t'wing naghahalikan kami ako unang nagsasabi na tama na. Ngayon ayaw na niya akong halikan.
Iiwan na ba niya ko? Wag naman sana!
''No,baby. Ayokong magmadali ka. Don't rush things. Just enjoy every second and every minute na magkasama tayo'' ngumiti ito at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
''What if naman kung iwan mo ko? Basty di ko kakayanin. I love you so much.''
''I won't. Bakit naman kita iiwan, Baby? Mahal na mahal kita. You know that right?''
''Kasi mas ganda si Sanchez sakin. And she deserves you more than me. Para nga kayong prinsipe at prinsesa pag magkasama kayo.'' At nagsimula ng mag-unahan yung luha ko.
Natatakot ako na isang araw itapon na lang ako ni Basty na parang basura.
Lalo na ngayong gwapo siya at marami ng nakakapansin sa gwapo niyang tinataglay.
''Ako'y sayo at ika'y akin lamang. Walang Sumi kung walang Basty. At walang Basty kung walang Sumi'' ngumiti ulit siya at hinalikan yung noo ko. Kinuha din niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang luha ko.
Kailangan ko lang siguro magtiwala sa kanya.
Pero bat ganun natatakot at nasasaktan pa rin ako. E kasi naman wala akong laban kay Sanchez.
''Baby, wag ka ng magselos. Ikaw lang mahal ko. Wala ng iba. Magbago man yung itsura ko. Gwapo man ako sa paningin ng ibang babae. Wala akong pakialam kasi ikaw lang ang mahal ko. At sayo lang ako. Diba kaya nga ako nag ayos kasi ayokong natatapakan ang ego mo.'' at hinalikan niya ulit yung noo ko.
''E kasi naman'' at iyak pa rin ako ng iyak.
''Shh stop crying'' pag aalo ni Basty sakin.
Biglang may tumawag sa phone ni Basty. Sinagot naman ni Basty yung tawag.
''Kita na lang tayo mamaya, Sanchez. Oo di naman ako busy'' ngumiti pa ito bago ioff yung call.
Lumapit naman ako kay Basty at sinampal si Basty ng malakas.
''I hate you Basty'' at tumakbo ako. Harap harapang kalandian ang pinapakita niya sa akin. Kausap niya ko pero si Sanchez ang gusto niyang kasama.
Pauwi na rin naman kami kaya tumambay na lang ako sa isang puno na may bench sa ibaba.
Takte! Alam ko namang mas maganda si Sanchez sakin e. Tapos may nalalaman pa siyang trust tapos makikipagkita lang siya kay Sanchez.
Kainis! At pinunasan ko ang mga luha ko. E kasi naman di ko kayang tanggapin na mawawala sakin si Basty.
Ng makamove on na ko sa drama ko . Napagpasyahan ko ng umuwi. Dumaan ako sa corridor at nakita ko si Sanchez at Basty na nag-uusap.
''Sige sa sabado na lang Sanchez'' sagot ni Basty.
''Okay lang yung day na yun'' sagot ni Sanchez.
Magdadate ba sila? Tapos aamin na si Sanchez sa nararamdaman niya. Bigla akong natakot sa iniisip ko kaya tumakbo ako at niyakap si Basty patalikod.
''Hindi mo siya pwedeng idate kasi boyfriend ko si Basty'' sagot ko.
Humarap naman sakin si Basty at sinabing ''magphophoto shoot lang ako para sa laban sa intrams''
Lupa lamunin mo na ko ngayon.
Bigla akong naiyak. akala ko naman kasi pagpapalit na niya ko. May narinig kasi akong magkikita sila.
''E kasi naman simula nung ayusan kita ang dami ng girls ang nagkakagusto sayo. Natatakot ako na baka ipagpalit mo na lang ako'' at iyak na ko ng iyak.
''Alam mo ba kaya ko nagpaayos sayo diba? Kasi naiinis ako nung sinabihan ka na wala kang taste sa lalaki. At ayokong ginaganyan ka nila. Kasi ayokong natatapakan yung ego mo. Kasi queen bee ka'' sagot niya at pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.
''Gusto kong maging pinaka the best na lalaki para sayo,Sumi. Kasi Parte ka na ng buhay ko at mahal na mahal kita baby'' at niyakap niya ko ng mahigpit.
Huhu. Mahal na mahal din kita Basty.
''I love you too'' at gumanti naman ako ng yakap sa kanya.