wanted mistress continuation

717 2 0
                                    

Habang inaantay ko ang sasabihin ng gwapong lalaking kaharap ko..wala pa rin tigil ang pag kabog ng dibdib ko...

"Can I call you Sofia?"..seryosong tanong niya

"S..sure sir". Tipid na sagot ko

"By the way I am Kristoff Villegas".

"Hello sir". Napangiti na lang ako...in fairness pati pangalan ang pogi..

Nag smile naman ito at napaka gwapo sa kanyang dalawang dimples sa pisngi.."so,may idea ka na ba sa work na ito?"

"Actually, hindi ko nga po alam kung anong  magiging work ko?"

" madali lang naman.. 30k a month for the salary plus benefits of course and extra allowance kung kinakailangan".

Habang sinasabi niya ang magiging sahod ko sa isang buwan napanga-nga na lang ako..30k sa loob ng isang buwan may allowance pa.." wow! O_O jackpot!

"E ano nga po ba magiging work ko?".

"Just be my mistress".

''WHAT?".. O_o  naku! Pasensiya na po matinong trabaho po ang hanap ko". Nag mamadaling sabi ko at tumalikod na sa kanya..

"Tell me kung kulang pa dadagdagan ko ".

Sa pagkakataong iyon galit na humarap na ako para kasi akong minaliit sa sinabi niya..

" 10 years akong ginapang ng mga magulang ko makapag tapos lang ako sa grade school at high school,

4 years naman ako sinuportahan ng tiyahin ko makapag aral lang sa college..sa madaling salita Mr. Villegas ..Edukadang tao po ako...I am sorry pero mali po ata ang napuntahan ko". Mahabang lintanya ko at nag mamadali na akong lumabas ng kanyang opisina..

Halos sumabog naman ang dibdib ko sa nangyari..na ngingilid na din ang mga luha ko na any moment ay babagsak na..

Isang malalim na paghinga ang hinugod ko at deretsong nag lakad palabas..Hindi ko na rin napansin na may mga tao sa labas ng CEO office..

pag labas ko sa opisina na iyon dali-dali akong tumakbo sa kabubukas pa lang na elevator..may isang lalaking nakasakay doon..pero hindi ko na pinansin at wala ako paki alam kung nakita niyang pumapatak ang mga luha ko..

Sa sobrang mix emotion na nararamdaman ko napa upo ako at tahimik na umiiyak..Napansin ko na may inaabot sa akin yung lalaki..Isang puting panyo ang inabot nito at hindi naman ako nag dalawang isip na kunin..wala kasi akong dalang panyo at nakaka hiya naman kung damit ko ang ipupunas ko sa pinaghalong luha at parang sinisipon na ako..

"Thank you" mahinang sabi ko at tumayo na ako mula sa pag kaka upo ko..

" work?" Mahinang tanong niya

''Ha?" Nalilitong tanong ko

"Ok lang yan marami pa jan ibang trabaho".. yun lang ang sinabi nung lalaki at lumabas na sa elevator akala ata umiiyak ako dahil hindi ako na tanggap sa trabaho..

Pagkalabas ng lalaki sa 2nd floor..mag isa na lang akong naiwan sa elevator hanggang sa marating ko ang ground floor..tahimik akong lumabas sa mataas na building na yon..Halos manlumo..nang makalabas na ako sa building sinulyapan ko ulit ang mataas na building.." grabe, kahit mahirap lang ako may dignity parin ako..hmmp". Pasigaw na sabi ko..nag tinginan naman sa akin ang mga taong lumalabas at pumapasok sa building na iyon..

Akala ata nababaliw ako kaya nag simula na akong mag lakad..sa sobrang taas ng heels ko..naisipan kung hubarin ito at maglakad ng naka paa..sakit na kaya ng mga paa ko..

WANTED Mistress/kabit (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon