Chapter 1 Hapdi

500 14 0
                                    

Chapter 1

Bloooggg! tunog ng inihampas na pasarang pinto ng kotse.

"Huh nakakainis." Nakasambakol na ang mukha ni Yanny.

Nakapuwesto na siya sa manibela. Nakahanda na sana siyang humarurot. Nang pahabol pang kumakatok sa bintana si Travis. Pinagbuksan ito ni Yanny at sinilip.

"Why?" nagtataka nitong tanong sa kanya.

"Hindi na kailangang makipag-usap din sa kanya. Isa pang sakit din sa batok ang tulad niya," bulong ni Yanny sa sarili. Kaya isinara uli nito ang bintana kasunod sa kibit-balikat niyang sagot kay Travis.

Medyo madiin ang tapak ni Yanny sa selinyador upang sadyang tumulin ang takbo ng kanyang kotse. At pilit niyang pinipigil ang luhang nais lumabas sa kanyang mga mata. Isang taon mahigit niyang hinintay na ligawan siya ni Chase. Pakiramdam niya may gusto sa kanya si Chase kaya umasa siya. Hangga't sa dumating pa sa punto noon na muntik pang may nangyari sa kanila, isang beses na naiwan silang dalawa sa loob ng restaurant. Malinaw pa ito sa alaala ni Yanny.

"Chase, paano tayo makauwi nito?

"Masama nga naman talaga ang panahon, kaya mabuti pang ipagpabukas na natin ang pag-uwi."

Hindi na nga niya naipilit ang gusto dahil mataas na ang tubig sa labas. Baka abutin nga ang makina ng kanyang kotse titirik pa siya sa gitna ng tubig baha. Nagpuntang kitchen si Yanny at nagluto na lang tuloy siya ng makakain. Dahil chief sa restaurant niya si Chase hindi siya nito pinabayaan maglutong mag-isa. Isang malagkit na tinginan ang naging umpisa sa tukso. Kasunod ang mainit na mga palad ni Chase na humawak sa magkabilaang niyang pisngi. Dahil sa kilig na naramdaman naipikit ni Yanny ang kanyang mga mata at inaasahang dumampi ang mapulang labi ni Chase. Hindi siya nabigo. Maalab at matamis ang halik ng binata. Tinugunan ni Yanny ang mga halik na iyon dahil sa kusang pagbuka din ng kanyang mga labi. Tumagal ang madiin at mahabang halikan. Bumaba pa ang kamay ni Chase sa kanyang dibdib. Dahan-dahang gumawa ng paraan para mabuksan ang butones ng kanyang blusa. Tila ba magaling na talaga itong kumapa-kapa lang at nakakahimas ng walang tinginan. Napaliyad si Yanny sa kamay ni Chase na nakapasok na sa loob ng kanyang pribadong bahagi ng pagkababae. Nahatak niya ng hindi sinasadya ang suot nitong t-shirt. Kusa pang lumabas ang mahinang ungol sa kanyang bibig ng isinabay pa ni Chase ang paglaro ng dila sa nakapatong na pasas sa kanyang mayamang dibdib. Pero tumigil din ito. Sa hindi maintidihang dahilan ay ayaw ng itanong ni Yanny.

"I should not do this to you. I'm sorry."

Ipinagtataka ni Yanny ang paghinto ni Chase. Itinago niya ang lihim na pagkadismaya. Binata naman sana si Chase. Basta ang buong akala niya may gusto ito sa kanya.

Isang alaalang hindi rin niya makalimutan. "Ay naku Yanny naka helmet ka ba. Bakit parang hindi ka man lang nasaktan sa iyong pagkauntog. Kalimutan mo na ang lahat. Forever ka bang aasa?" Kinakausap mag-isa ng dalaga ang sarili.

Binabaybay ni Yanny ang kahabaan ng wala sa sarili. Para lang siyang nagmamaneho na mula Aparri hanggang Julo ang isip. Natauhan si Yanny sa magulo niyang pag-iisip ng makita ang kanyang phone. Nakasilent pala ito kaya hindi niya napansin na kanina pang tumatawag si Travis.

"I should be always close to your car. Please slow down." Nabasa niyang text mula sa binata.

Kringg! Kringg! Kringg!
Walang tigil na tunog ng phone ni Yanny. Ayaw nga naman siya tigilan ni Travis hangga't siya napapayag to stop and eat for a dinner.

"Bahala ka sa buhay mo," bulong niya sa isip.

Ngunit nang napalingon siya sa fuel gauge ng kanyang kotse malapit na itong empty. Napilitang huminto si Yanny para magpa gas. At hindi nga rin nagtagal nakasunod ding huminto si Travis. Sadya pang iniharang ang kanyang kotse para hindi makalusot si Yanny. Bumaba ito at kumatok na naman sa bintana

"Please," maginoong yaya sa kanya.

"Okay." Pinagbigyan na rin ito ng dalaga. Wala naman sigurong masama para magkaroon man lang din siya ng kausap kahit sandali.

"Para sigurado bumaba ka muna dyan sa kotse mo. Pwede mo naman yang balikan mamaya," mungkahing sabi ni Travis.

Lumabas na si Yanny sa kanyang kotse. Naiwan niya muna itong ipinarada sa gas station. Kung saan siya dalhin ni Travis para kumain bahala na ito sa kanya.

"Saan mo gusto?

"Kung saan may pagkain, pwede na sa akin kahit saan," nakasambakol pa rin ang aura ni Yanny.

"C' mon Yanny, in the first place hindi ka naman niligawan ni Chase di ba." panunuyang sabi kaagad nito sa kanya.

"Ayaw ko sa mga komento mo, Travis. So shut up!" mala-awtoridad niyang utos.

"Okay sorry." Hindi na muling humirit pa si Travis. Dahil kung susubukan niya pa bukol na abutin niya kaagad kay Yanny. Hindi man nakapormang lumigaw si Travis sa kanya noon naging malapit naman niya itong kaibigan. Bagay na ikinatutuwa niya sa binata. Nahiya ng manligaw sa kanya ito noon dahil nga sa pagkabuntis nito kay Sharmaine na kapatid ni Stella. Si Travis ang lagi niyang kinukuha contractor mula ng nag-umpisa siya sa resto businesses. May limang branch na siya at parating si Travis ang gumagawa sa lahat ng kanyang construction problems.

Matiyagang nakikipag-usap ito sa kanya kahit na sinusungitan niya pa. Pati na ang tungkol kay Chase ay malaya rin niyang naikwento sa kaibigan. Wala gaanong reaksyon kung siya ba ay nasasaktan o hindi sa lihim na pagkakagusto ni Yanny sa kanyang Chief.

"Para namang bumabalon lang mga luha galing sa iyong mga mata. Hindi mo ba kayang pigilan yan? Masyado ka namang nakakaawang tingnan. May asar na sa tonong nagsasalita si Travis. Ang maganda na tulad mo ay hindi pwedeng umiyak lang na para bang wala ng iba dyan.

"Kung mapansin mo nga lang sana na nandito ako eh." Mga salitang nagpumilit sanang kumawala sa bibig ni Travis. Pero dapat lang na pigilan niya dahil hindi pa pwede. Hihintayin niyang maintindihan ni Yanny na malabo ang naghihintay sa lalaking paasa rin ang estilo tulad ni Chase.

"Bakit nasaan ba yong iba dyan na sinasabi mo ? Nakangiting pinahid ni Yanny ang mga luha sa kanyang pisngi.

Alam ni Travis na pinipilit ni Yanny ang maging okay. Ayaw kasi nitong nakakarinig pa ng marami sa kanya.

"Ano ba nangyari at may emote ka sa buhay? nakangising tanong ni Travis.

"May babaeng nagpunta sa restaurant pa mismo." Sa harapan ko pa huuh!" nanggigil na turan ng dalaga.

Yanny, I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon