November 4
Lunch Time.
The day before my birthday. Nasa classroom lang ako nakaupo, nakatingin sa labas ng bintana. Nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad, nagkukwentuhan, nagbabangayan at kung ano ano pa.
Hindi ako naeexcite bukas sa totoo lang, siguro dahil sanay na akong walang bumabati? Walang celebration? Marahil oo nga. Marami akong kaibigan at meron din naman akong manliligaw. Pero ewan mukhang balewala sa kanila ang espesyal kong araw bukas.
Sabihan niyo na akong emotera pero yun ang totoo. Mahilig akong mag-imagine at yan ang kinakainisan ko sa sarili ko, bakit? Kasi lahat ng iniimagine ko ay hindi nangyayari. Hindi naman ako nag-iimagine ng hindi makatotohanan it's just that hindi lang talaga nangyayari. Tulad ng dati, may plano kaming magkakaibigan na magswimming at natuloy naman iyon, sobrang excited ako non kasi makakasama ko siya.
Oo siya, yung manliligaw ko. Naiimagine ko na kaming dalawa'y nagsswimming, nagbabasaan ng tubig at syempre nag eenjoy. Kaya sa sobrang pag- imagine ko ay hindi pala siya makakasama. Ang saya lang haha ang sayang magmukmok.
Kaya ngayon parang wala na akong plano bukas, wala rin naman akong pera. Kaya wala akong panlibre sa mga kaibigan ko, siguro uuwi nalang ako ng maaga at matutulog.
*One message from Neo*
Neo: Hi? May gagawin ka bukas? Tara kain tayo sa labas.
Napaisip ako, pwede naman. Tutal wala naman nga akong gagawin e, ang kaso wala akong pera.
To Neo: Not sure eh, wala pa kasi akong pera.
Sent.
After a few minutes.
Neo: It's okay, libre kita ;)
Wow! Bago 'to ah. Parang dati sakin to laging nagpapalibre ah.
To Neo: Sigurado ba yan? Asan si Neo?! Ilabas mo siya!!
Sent.
Ngumingisi ako habang nakatingin sa aking telepono. Si Neo pala ang manliligaw ko, 10 months na siyang nanliligaw sakin. Lakas makapa-hard-to-get ah. Pero hindi ganon eh, magboyfriend-girlfriend na ang turingan namin. Kaya kapag may nagtatanong kung kami eh, nabibigla sila kapag sinasabi kong nanliligaw palang siya.
God knows how much I want to make our relationship official, but fvck this takot ako sa parents ko. Ilang beses na rin nila kaming nahuling magkasama at ilang beses rin akong nagsinungaling na tinapos ko na ang kung anong namamagitan samin.
Mahirap? Sobra, kasi kada lalabas kami ng school e di ako mapakali kasi baka mamaya may makakita or worst mahuli ulit kami ng parents ko.
Maraming beses na nag-aaway kami at maraming beses na muntik na kong bumitaw pero andyan siya nagpapalakas ng loob ko. Diba? Parang magjowa na.
Neo Calling...
[Helloo]
"Hi, asan si Neo? Saan mo siya dinala?!"
[HAHAHA! Ako lang to oh, ang Neo Ralph ng buhay mo]
"Jusq, ikaw nga yan HAHAHAHA"
[So? Libre nga kita bukas ah]
"Siya sige sige, libre mo naman e. Wait andyan na teacher namin e. Sige bye!"
[Bye]
ווו×
YOU ARE READING
Happy Birthday! (One Shot Story)
Teen FictionI thought that this birthday was my worst birthday so far, but I was wrong. This was the very memorable birthday.