"Mahal kita Ras, pero"
"Pero ano?"
"Let's break up"
"bakit? Bakit Drew? May pagkukulang ba ako sayo? May nagawa ba ako? Sabihin mo, gagawin ko lahat Drew wag mo lang akong iwan"
"I'm sorry pero mahal ko sya Ras, kung mahal mo talaga ako ipauubaya mo ako sa kanya"
"Sino? Sino Drew?!"
"Rassssss!!!!! Late ka na!" Huh? Bakit andito si mama, di pa kami tapos mag usap ni Drew eh.
Tumingin ulit ako kung nasaan si Drew pero wala na sya, tumingin ako sa paligid pero di ko na sya mahagilap."RASSSSS!!!!"
Nagising ako, isang bangungot na naman. Palawang beses nato at pangalawang beses na rin na di matapos tapos.
"magbihis ka na , late ka na" di ko namalayan na andito pala si mama. tinignan ko lang sya at binaling ang tingin ko sa orasan at walangya late na naman ako, lagi nalang.
At dahil late naman na ako di na ako nagmadali pa tutal late na nga ako.
"bye ma!"
"Bye anak, late ka nalang always" nginitian ko nalang si mama at umalis na.
Pagkapasok ko sa school nakita ko agad ang bestfriend ko sa may kalayoan nakatalikod sya at may kasama syang lalaki na parang si Drew.
Pero di naman posible yun kasi di naman sila close para magsama. Pero parang si Drew talaga eh, kilala ko yung likod ni Drew. Pero baka nagkausap lang sila tutal bestfriend ko naman si Femi wala namang masama dun.Boyfriend ko si Drew at mag tatatlong taon na kaming magkarelasyon. Si Femi naman bestfriend ko since birth and forever.
"Femi! Drew!" Nahinto sila sa paglalakad at parang nagulat na nakita ako.
"Oh bakit ganyan reaksyon nyo?" Binawi naman nila ang pagkagulat at ngumiti sakin si Femi
"Andito ka na pala Ras, napagusapan ka namin ni Drew, diba Drew?"
"Ha? Ay oo Ras napagusapan ka namin" napagusapan? "Ha? Bakit naman?" Sasagot na sana si Drew ng nag ring ang bell kaya niyaya ko na silang pumasok sa room. Dumating din naman kaagad si Maam kaya di na ako ulit nagtanong pa.
Natapos lang ang araw na wala naman akong natutunan kasi tinatamad na naman akong makinig.
"Femi, sabay na tayong umuwi?
"Ha? Ano kasi Ras eh may lakad ako ngayon kasama si mama" ilang araw narin kaming hindi sabay umuuwi ni Femi.
"Drew, ihahatid mo ko ngayon?" Napatingin naman si Drew sakin at kay Femi
"Pasensya na Ras, may inutos pa kasi sakin si Daddy eh" at ilang araw narin akong hindi hinahatid ni Drew, pero naiintindihan ko naman, di naman kasi dapat palaging magkasama.
Uuwi na naman akong magisa nito
Pauwi na ako ng tumawag si Mama at pinabili ako ng pagkain kasi gutom na daw sya at pagod sya kaya di sya makakapagluto.
Papunta na akong mall nang nakita ko si Femi na pumasok sa sasakyan ni Drew.
Akala ko ba may mga appointments sila ngayon?
Lalapitan ko na dapat sila pero nakaalis na sila.
Bakit kaya sila magkasama? Close na ba sila ngayon?