Page 10

206 12 0
                                    

"Brent! May ikukwento ako sa'yo!"

Masayang sabi niya dito nang tabihan siya nito sa upuan. Kanina pa nga niya ito iniintay na tabihan siya.

"Sige, ano 'yon?"

"Hindi ba noong saturday ay may activity ang Writers Club na feeding program tapos 'di ka naman umattend!"

Nagtatampong sabi niya at natawa naman ito saka ginulo ang buhok niya.

"Sorry na, may pinuntahan kami ni nanay eh"

"Nanay? Dumating na ang mommy mo?"

Agad-agad na tanong niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin dito.

"T*ngi! 'Yong lola ko kasi, ang tawag ko sa kanya ay nanay!"

"Okay!"

"Ituloy mo na 'yong kwento mo"

Sabi nito at napangiti naman siya saka mas lalo siyang ginanahang magkwento dito dahil alam niyang makikinig talaga ito sa kanya.

"Ang saya lang kasi sobrang daming mga bata! Tapos nagpalaro kami sa kanila at ang galing nilang kumanta at sumayaw! Tapos isa-isa namin silang binigyan ng mga pagkain at mayroon pa ngang isang bata na nagpasubo sa'kin kasi mga two years old pa lang ata siya. Sobrang cute niya kaya lang ay ang payat-payat niya. Kaya nga hindi ko masabi kung ilang taon na talaga siya basta nakakaawa lang. Tayo ay kumakain ng tatlong beses sa isang araw tapos may meryenda pa pero sila ay umaasa lang sila sa feeding program ng school natin"

Mula sa pagiging masaya ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang sitwasyon ng mga bata sa barangay na pinuntahan nila.

Hindi maayos ang lagay ng mga tao doon ngunit kahit na ganoon ay nagagawa pa rin ng mga ito na ngumiti at tumawa.

Bigla tuloy siyang naguilty dahil minsan ay nagrereklamo siya kapag hindi niya gusto ang ulam nila sa bahay pero hindi man lang niya naisip na mayroong ibang mga pamilya na kung ano na lang ang makitang maaaring kainin ay kinakain ng mga ito.

"Mahilig ka ba sa bata?"

Tanong ni Brent habang nakangiti at nakatitig sa kanya.

"Hindi eh pero noong nandoon na kami ay bigla na lang akong sumaya nang makita ko 'yong ngiti ng mga bata. Sobrang saya nila noong dumating kami at wala lang, ewan ko ba parang may something sa heart ko na natouched 'yong mga bata. Sa simpleng ngiti lang nila tapos may tumawag pa sa'kin na 'ate' at sobrang saya ko lang, basta iba 'yong feeling. Tapos knowing na nakatulong kami sa kanila at napasaya namin sila kahit na papaano ay talagang sobrang saya!"

Patuloy lang siya sa pagkukwento habang si Brent ay matiim na nakikinig lang sa kanya habang nakangiti at nakatitig lang din sa kanya.

Iba talaga 'yong feeling niya noong saturday.

Tinatamad pa siyang sumama noong una dahil hindi naman niya alam ang gagawin pero nang matapos ang club activity nilang iyon ay nagpasalamat siya dahil pinili niyang sumama sa gawaing iyon.

"Ang cute mo"

Nakangiting sabi ni Brent na nagpakunot naman ng noo niya.

"Ang cute ko? Ano ba? Nakikinig ka ba sa'kin—"

"Nakikinig ako pero ang cute mo kasing magkwento. Parang sobrang saya mo at ang cute lang"

Sabi nito habang nakangiti at napangiti na lang din siya. Deep inside ay kinikilig na siya at hindi niya alam kung bakit.

"Sobrang saya kasi talaga"

"Sayang, hindi ako nakasama. Dapat pala ay sumama ako para nakita ko 'yong ekspresyon mo"

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon