Chapter Two

14 1 0
                                    

Bago ako mawalan ng malay ay napaka ingay ng paligid. Pero sa muling pagdilat ng aking mata, wala ako sa aking kama o kung saan man may malambot at komportableng higaan.

Naramdaman ko ang malamig at matigas na tiles kung saan nakahilata ang aking katawan na iniinda ang sakit ng bawat sugat.

Napakatahimik.

Wala kahit anong tunog ang maririnig mula dito. Nagsimula kong maisip kung nabingi ba ko sa sobrang ingay kanina. Pero nagkakamali ako dahil naririnig ko ang aking paghinga. Isang senyales na kahit duguan ako ay alam kong pumipintig parin ang puso ko at buhay pa ako.

Natabunan ako ng isang malaking standee ng artista, dahilan upang mas lalong maging pahirapan sakin ang pagtayo. Pakiramdam ko ay nabali ang bawat buto ng katawan ko. Nang magtagumpay ako sa pagtayo ay mahigpit ang paghawak ko sa railings ng hagdan upang suportahan ang mga nanginginig kong binti.

Ngayon ko lang napagtanto na ang kaliwang noo ang labis na dumurugo. Bakas pa sa sahig na hinigaan ko ang ilan sa mga patak ng dugo mula sa aking sugat. Two or maybe three hours have passed since i lost my consciousness. And i wonder how much of blood left me.

Sinimulan kong maglakad pababa ng hagdan patuloy parin sa pagkapit sa gilid nito para sa suporta. My sling bag is nowhere to be found, maaring napigtal ito kanina habang nagkakagitgitan. Considering na nandoon ang lahat ng essentials ko, cellphone at pera, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Walang ni isang tao ang naabot ng aking paningin. Malayong malayo sa siksikang mga tao kanina. Tila nadaanan ng bagyo ang mall dahil ang paligid ay napaka kalat, at ang glass wall ng bawat stall ay either butas o basag.

I found myself in the middle of nowhere, left with thinnest bit of idea how to get out of here. Sumagi sa isipan ko ang mga kaibigan ko. So I start calling out their name even though mas malaki pa ang tyansa na magkasundo ang pusa at aso kesa sa may sumagot sakin dito.

"Aeraaaa, Chrissss, Carlo?" ayokong umiyak. Pero nababakas na sa boses ko ang panginginig nito. Umiinit na din ang aking mga mata at nagsisimula nang mamasa.

Nang makakuha ako ng sapat na lakas upang tumayo ng mag isa ay dahan dahan akong lumakad upang muling tawagin ang mga pangalan ng kaibigan ko.

But a strange sound answered me instead. Sa pinaka dulo ng mall ay may natatanaw ang aking mata. Isang taong tumatakbo papunta sa direksyon ko. Tila nabuhayan ako ng loob at nagsimulang maiiyak sa kabila ng pagluwag ng aking dibdib.

"Dito ho!" pagtawag ko pa kasabay ng pagtaas at pagwagayway ng parehas kong sugatang mga kamay.
Pero unti unting napawi ang ngiti sa aking mga labi ng masundan sya ng ilan pang mga taong tumatakbo papunta sakin.

Nagsisimula nang maging wirdo ang paraan ng kanilang pagtakbo. At kahit malabo ang aking mata at nasa malayo pa sila ay naaninag ko ang hindi normal na mukha.

Napahakbang ako papalayo. Subalit bago ko pa man malaman ang nangyayari ay may humila sa akin paliko at papasok sa isang masikip na storage room. I'm barely breathing as i feel this stranger's body against me. Sobrang sikip na tila pinapalaman kami ng mga dingding.

Nadinig ko ang mabibigat na yapak ng mga tila taong tumatakbo. Tao nga ba sila? They're making this strange sound na parang isang aso, pusa o tigreng gutom.

He's so much taller than me. Pero sa kadahilanang may tinatapakan ako ngayon ay abot ilong ang tangkad ko sakanya. He's wearing a black mask covering his entire cheeks, mouth and chin leaving only his black eyes exposed.

He's staring at me and i am too. I can feel my heart beat racing up probably because of the sudden run he made me do.

"Sino ka?" iniwas nya ang kanyang tingin at sumilip sa siwang ng pintong kinalalagyan namin.
"Sabing sino ka?!" hinablot ko ang mask na bumabalot sa kalahati ng kanyang mukha.

Kasabay non ang pagdiin nya sa dalawa kong kamay sa pader at ang paglapit nya sobra sa aking mukha.
"Manahimik ka kung ayaw mong habulin ng mga halimaw na yon"

His voice was so deep it made my mouth shut. There's a part of me that is scared who the hell is this man. He looks much older than my age. Probably in his 20's. But there's also a part of me that is thankful he dragged me here inside instead of letting me face those strange creature outside.

"Makinig ka sakin. Hindi kita kilala at hindi mo din ako kilala, pero kailangan mong magtiwala sakin kung gusto mong makalabas ng buhay. Naiintindihan mo ba?" hindi ako sumagot sa halip ay tinitigan ko lang sya.

"May kotseng nag aantay sa labas ng mall na ito. Pero hindi ganon kadali makapunta doon ng wala tayong makakasalubong na mga tulad ng humabol sayo kanina. Kaya kelangan mong makinig ng mabuti sa mga sasabihin ko"

"Hindi ka pwedeng mag ingay. Matalas ang mga pandinig nila at isang kaluskos matutunton ka nila. At sa oras na matunton ka nila, wala kang laban kahit tumakbo ka pa" hindi ko sya naiintindihan. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari at yon ang kailangan kong malaman.

Pero mukhang nauubusan na kami ng oras kaya pilit kong isinasantabi lahat ng aking katanungan.
"Hindi tayo pwedeng makipaglaban dahil mas lalo lang silang dadami. Kaya tatakbo tayo-"

"Hindi ko kayang tumakbo" putol ko sa linya nya. Doon lang din bumalik sakin ang lahat ng sakit na iniinda ng katawan ko. Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa at doon nya napagtanto ang sinasabi ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko at isang himala na kinakaya kong makatayo. Pero kung tatakbo ako ay alam kong masusubsob lang ako. Hindi kaya ng mga binti ko. Wala silang lakas ngayon.

"Ipapasan kita" napukol ang tingin ko sa braso nyang dumurugo, at napansin ko ang malaking piraso ng salamin na nakatarak dito.
Umiling ako, "May sugat ka"

Bakas sa mukha nya ang pagkainis. Ayoko syang mainis, dahil sya nalang ang tanging pagasa ko para makalabas dito. Ayokong iwanan nya dahil ininis ko sya pero nag aalala ako sa pareho naming lagay.

"Hindi natin ikamamatay lahat ng sugat na nasa katawan natin" mariin nyang saad. May bakas ng pagkainis. Alam kong sa bahagi na iyon ay mali sya. Madami nang nawalang dugo sa akin dahil sa sugat ko sa ulo, at mukhang malalim ang tama nya. Parehas kaming may tyansang bawian ng buhay kapag hindi maagapan ang mga sugat.

Sa huli ay sya ang nasunod. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto at inalalayan na wag itong sasara ng bigla. Nang parehas kaming nakalabas ay hinubad nya ang jacket nya, letting me see much more clear how bad his injury is.

Mabilis at walang pasabi nyang ipinulupot sa bewang ko ang mahaba nyang jacket bago sya lumuhod at hinayaan akong pumasan sa likod nya.

Doon ko lang napagtanto kung para saan ang jacket. Ngayon ko lang din naalala na nakapalda ako.

Mabilis subalit maingat ang bawat hakbang nya. Ramdam ko ang bigat sa bawat paghinga nya pero nananatili syang atentibo sa kapaligiran. Nakalabas kami ng building ng walang problema. Dali dali kaming sumakay ng escalator subalit nabulaga kami ng pagdating namin sa itaas ay may sumalubonh samin.

Katawan iyon ng tao, sigurado ako. Sugatan at brutal ang kanyang lagay habang nakahilata sa semento. Naramdaman ko ang takot sa kasama ko, nang magsimulang mangisay ang taong nasa sahig.

Tumakbo na sya subalit nanatili akong nakalingon habang pinapanuod ang paghinto ng pangingisay ng tao. Napatili ako ng bumangon ito at nagsimula kaming habulin.
"Oh shit!" alam kong doble na ang ginagawa nyang pagtakbo subalit sadyang mabilis tumakbo ang humahabol sa amin.

Naramdaman ko na nawawalan na kami ng balanse at hindi katagalan ay pareho kaming sumubsob sa sahig. Nanginginig akong umaatras at pilit tumatayo pero hindi na kinakaya ng paa ko. Tila napuruhan ng sobra ang lalaking yon ng bumagsak kami, he barely even move.

Nagsisimula nang tumulo ang luha ko sa takot. Dumadami sila at papalapit na sila. Nadinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at ang mga boses ng iba't ibang lalaki. Malapit lang sila samin. Wala na kong lakas upang hanapin saan sila nanggagaling. Tila namanhid ang buo kong sistema.

Next thing i knew, someone was carrying me while running. Naaninag ko pa sa nanlalabo kong paningin ang pag alalay ng mabilis ng dalawa pang lalaki sa lalaking tumulong sa akin.

At pangalawang beses sa araw na ito ay nawalan ako ng malay.

***

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon