Agad akong napaupo nang magsimula silang gumalaw at gumawa ng kakaibang ingay. Tila mga hayop na gutom na gutom.
I tried my best to keep my mouth shut. Nanginginig ang mga palad kong nakatakip sa nanginginig ko ding bibig. I can't hide how scared i was, tears start streaming down my face. It's like I'm facing my own death.
Naging aktibo na silang lahat at nagsimula ng maglakad lakad. Takot na takot akong gumalaw sa ideya na baka may matamaan akong bagay na gagawa ng ingay. But because they're moving around, kinakatakot ko ding maging sobrang lapit nila sa pwesto ko na maari na kaming magkadikit.
Naestatwa lang ako habang pinapanood silang gumalaw at tila hinahanap kung saan nagmumula ang ingay. Pinagmamasdan ko ang kanilang mata at doon ko nakita na ito ay purong puti. Walang kahit anong kulay maliban sa puti ang makikita sa mga mata nila.
The iris and the pupil can't even barely recognize. It's weird how they just keep on roaming around the room yet not noticing me. Doon ako nagkaroon ng teorya.
Nang tumingin ako sa direksyon nila Paulo ay kitang kita ko ang takot sakanilang mga mata. Isang emosyon na pare parehas naming pinagsasaluhan. I know how badly they want to smash that door and get me out of here. But somehow they can't do that. Not with all of their lives will be put on danger.
Nagtama ang mata namin ni Philip. I can see the tense in his system. But his trying his best to be calm and watch me and just trust that I'm going out of the room safely as i promised. His eyes gave me so much strength, as if it's telling me that I'm gonna pass this. Philip's eyes are telling me that i have to get out of this room safely.
Nang makakuha ako ng sapat na lakas sa mga mata nila ay agad kong dinampot ang isang pill container na nasa sahig at wala nang laman. Buong lakas ng loob ko itong binato sa isang sulok ng kwarto, taliwas sa pintong dadaanan ko. Nakita ko kung gaano nanlaki ang mga mata nila Josh sa ginawa ko.
The impact made a deafening sound as it hits another shelves. Hindi ko alam kung maituturing na ba akong alamat ng mga susunod na henerasyon dahil sinubukan kong ibuwis ang buhay ko para lamang malaman kung tama ang teorya ko.
Tulad ng inaasahan ko ay nagtipon tipon doon ang mga nilalang na iyon. Doon nila narinig ang ingay kaya doon lamang nila ito hahanapin. Matalas ang kanilang pandinig pero sa tingin ko nalaman ko na ang kahinaan nila.
Hindi sila nakakakita. Maybe the virus was that too strong that it affects the eyesight of the victim. At dahil nga lahat sila ay nandun na nagsama sama sa sulok, i have every space to get out of the room. But i bet it won't work. Dahil nga malakas ang pandinig nila, kaunting kaluskos lamang ay matitriggered sila.
Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sapatos ko. Mabilis silang kumilos. Ang takbo nila ay kayang abutan ang isang sasakyan na umaandar na may normal na bilis lamang. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos.
Muntik na ako kanina at hindi ko na pwedeng isugal muli ang aking buhay dahil baka sa pagkakataon na ito ay hindi na pumanig sakin ang tadhana.
I gathered enough strength gently stand. Nang tumagos ang paningin ko sa glass door ay kitang kita ko kung paano nababahala si Paulo. They need to trust me, and i need to trust myself.
Maingat akong humakbang sinisigurado na hindi ako makakagawa ng kahit anong ingay. Sinundan ko ito ng isa pang hakbang hanggang sa makarating ako malapit sa pinto.
Pero kung mamalasin ka nga naman ay wala kang magagawa. Biglang napigtal ang isang strap ng shopping bag na nakasabit sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig kasama ng mga gamot na nasa loob nito.
Ganon nalang din kabilis ang angat ng ulo ko upang tignan kung paano silang lumingon sa direksyon ko at mabilis na tumakbo.
"Get out of there!" Paulo yelled. Wala ng may pake kung makagawa man ng ingay dahil alam na ng mga nilalang na ito kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mystery / ThrillerA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...