Chapter 05

106 3 1
                                    

Michelle.

"Magandang hapon Nay." Nagmano ako kay nanay. Ngumiti naman ito sa akin ng malapad at agad na itinuro ang kwarto ni Clarise. Ala-sinco na ng hapon at mamayang 7 pm magsisimula ang party.

"Ate Michelle, you're late." She pouted. Nginitian ko lang naman ito at inabot sa kanya ang regalo.

"Naku ate, nagabala ka ba." Inilapag niya iyon sa side table at kaagad hinila ako sa kamay.

"Happy Birthday, Clarise." I smiled at her. Pi-nat ko ang ulo nito. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Thank you ate." Umupo ito sa swevil chair kaharap ang vanity mirror na puno ng makeups and so.

Sinimulan kong suklayin ang mahaba nitong buhok. Inayos ko ito in a fishtail style para princess-princess lang ang ganap.

"Ate thank you kasi pumayag ka na ikaw nalang magayos ng buhok ko." Nagtama ang tingin namin sa salamin so tumango lang ako.

"Ayoko parin kasi na iba ang humahawak sa buhok ko. I don't know why pero gusto ko ikaw lang. Maybe because you act like my mother at the same time my bestfriend." Natigilan ako sa sinabi nito.

The party went well. Maraming bisita, maraming pagkain. And looking at her from a far, parang ang bilis ng panahon. There's  a lot of gifts, tears and so. Lalo na ng isayaw siya ni Clyd. Isinayaw din siya ng ilang tito na malapit sa kanya at yung iba ay galing na sa ibang bansa na mga kaklase niya ata.

They've organized some games as well. And yeah, I sang. That's her request. Hindi naman ako kagalingan sa pagkanta pero may ibubuga. And I'm glad that I made her happy because of my voice.

"Ate Michelle, tara na sa likod." Yaya nito sa akin. Halos wala ng natirang bisita, kaya dumeretso na kami sa pool area. And there I saw some of her classmates from L.A pati narin ang ibang kaklase ko, specially Gino, Harold and Anca. Kumaway ang tatlo sa akin kaya ngumiti ako sa mga ito at lumapit.

"Yo!" Nakipag apir sa akin si Harold, pabagsak naman akong dinaganan si Gino na panay ang reklamo at kinindatan si Anca.

"So, anong iinumin natin ngayon?" I asked. Nagkatinginan silang lahat.

"Dati," I grinned at kaagad na tumayo. Pumunta ako sa loob ng bahay nila Clarise at naabutan ko lang don si Nanay na naghuhugas ng plato.

"Nay, magpahinga na po kayo." Iniagaw ko naman ang hinuhugasan niya at ako ang nagpatuloy.

"Siguro nga, Michelle. Basta't huwag iinom." Paalala nito na tinanguan ko lang. Tinapos ko na ang paghuhugas ng plato at kaagad na kinuha ang dalawang bote ng JD sa shelves. Kahapon ko pa ito nasabi kila Clarise at pumayag naman ang loka.

Bumalik ako sa pool area at ilan nalang ang naroroon. Nakaswim-suit at panligo narin ang mga ito. While I? I'm still wearing a white short at croptop na itim exposing my tummy. Oh well, sa tubig lang din naman uwi namin mamaya e.

"Tagal a?" Ipinatong ko ang dalawang botse sa lamesa na nandito at binuksan ang iba.

"Let's start?" They grinned. At doon, nagsimula na kaming uminom. Just like the old times. We talked about things. Kasama narin ang iba naming mga kaklase. Things was going smoothly.

"How about you Michelle, you're a player right?" Naubo ako ng wala sa oras.

"H-ha?"

"Player ka diba? Come on. Halos lahat ng department alam ang bagay na yan." Napangiwi ako. Ang panget palang pakinggan kapag nangagaling sa iba.

"Don't take it seriously, Danica." Sambit ko na lamang.

"Why not let's set you up to a player din? Falling game ganon?" The whole squad agreed to it.

"No, no." Natatawang sambit ko. "Hindi na kailangan guys. Besides, I don't play games."

"Dare lang naman, Michelle. Hindi na bago sayo ang pagpapaibig right? And harshly, you play with men's heart too. Bakit ayaw mong pumayag sa isang simpleng laro?" Ronald added.

"So game?" Maybe it's the alcohol talking kaya tumango ako sa sinabi nito. Naghiyawan naman sila ay nagsimula ng magkantsawan.

"Para masaya, syempre dapat may kalaro ka. Hmmm? Who's the match?" Danica asked. Napataas nalang ako ng kilay dahil sa ginagawa nila. Maybe, this bet won't last long. Makakalimutan din nila ito kasi hindi naman na kami close kinabukasan.

"Si Clyd." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Harold.

"Harold!" Suway ko dito.

"Yeah, right. Clyd is one hell of player too." Nakangising sambit ni Danica.

"No, I can't play a game with Clyd." Umiling ako at nilagok ang isang baso ng Jack Daniels na nasa harap ko. Bahagya pang umikot ang paningin ko dahil doon.

"Guys, stop this nonsense already." Suway ko at isinandal ang ulo sa balikat ni Gino na siyang katabi ko.

"You're both player, Michelle. Anong ikinakatakot mo? You played with men's heart and he played with girls heart. So basically, hindi kayo mabilis mafall and you're the perfect match for this game." Umiling padin ako.

"I'm gonna take 100 thousands on the line."

"My jaguar."

"I'm going to make your reasearch and reaction paper for the whole second semester."

Tinaasan ko sila ng kilay. "And if I'm the one who fall?" Natigilan sila sa sinabi ko. Iminulat ko ang mata at umupo ng diretso.

"Oh well, you're gonna experience the pain, times two. Because of people you loved and the truth that they'll never love you back." Naglaban kami ng tingin.

Danica are known of making different of bait, and bets. Well, she's just good at it.

"Game." Ngumisi ako. Make Clyd fall for me? Definitely not easy. Naghiyawan sila ng tumayo ako. Bahagya pa akong nawalan ng balanse pero naayos ko rin naman.

They cheer me up. At yung ibang nandirito na hindi kasama sa circle namin ay nagtatakang nakatingin sa akin.

Hinanap ng mata ko ang taong iyon. And there I saw him, topless, with a wine glass on his hand while staring at me intently.

Lumapit ako.

"Clyd." Pagtawag ko dito. Tinaasan niya naman ako ng kilay ay nagtatakang nakatingin sa akin. Yung barkada niya na umiinom ay nakangisi lang sa akin. Slightly whispering about something.

"Wanna go home?" He asked. Umiling naman ako kasama ng marahang pagkuyom ng kamao ko. Huminga ako ng malalim.

"Clyd, will you be my boyfriend?" Oh, crap.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon