Chapter 07

97 2 0
                                    

Michelle.

Inihilamos ko ang palad sa mukha ko. Takte. Anong ginawa ko?!

"D-did I really do it?" Utal na tanong ko kay Anca. Nakangiwi namang tumango si Anca sa akin.

"Hindi naman namin sinabi na on the spot yayain mong maging boyfriend si Clyd." Nakangiwi parin ito. Bumagsak ang dalawang balikat ko.

"Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, Michelle? Si Clyd lang iyon. Lalaki rin. Don't tell me he's an excemption?" Gino asked.

"Yun na nga, Gino. Si Clyd iyon." Nanghihinang sambit ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng lakas.

"JD parin pala talaga ang makakapagpawala ng hiya mo sa katawan, Michelle." Sinamaan ko ito ng tingin.

"Shut up, Harold." Inis na sambit ko at minurder ang burger sa harapan ko.

Looking back at the video na pinanuod sa akin ni Harold, there's no way na edited iyon at pinagti-tripan lang nila ako.

Napatampal ako sa noo. Ang tanging goodnews lang ay sana hindi kumalat ang video knowing na alam kong hindi lang si Harold ang nagvideo for fun.

"Pero Michelle diba awkward yon?" Tiningnan ko si Anca na umiinom ng softdrinks. "Syempre kababata mo siya, childhood enemy. Then kapa-kapatid mo yung kapatid niya. Tapos halos isumpa mo na siya na may halong gentleness--"

"Anong sinasabi mo?"

"Ganto kasi yan. Alam ko na kahit ilang beses mo siyang samaan ng tingin at patayin sa isip mo at kahit hindi siya nagsasawang sirain ang araw mo.." tinaasan ko ito ng kilay.

"Nagaalala parin kayo sa isa't isa."

Natigilan ako sa sinabi ni Anca. Hindi na ako nagsalita kasi baka humaba pa ang usapan. At isa pa,  wala na akong magawa kasi sinangayunan na iyon ng mga hunghang kong kasama.

Pero seriously? Nagaalala? In his dream. Ang problema ko nalang ngayon ay kung paano haharapin si Clyd ng hindi nagdarasal na lumubog sa kinatatayuan ko.

"Hi Michelle! How's the bet?" Umupo si Danica sa upuan kaharap ko. Katabi naman niya si Harold.

"I don't know." Tanging sambit ko.

"Come on, balitaan mo nalang kami." Natatawang sambit nito. "Remember that I put a hundrend thousand on the line." Ngumisi siya sa akin.

"Ba-bye!" Kinuha niya ang isang yakult na dapat iinumin ko at wala na akong nagawa roon. Bumuntong hininga nalang ako. I'm in trouble.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na kami sa klase namin. Umupo ako sa dati kong upuan at inilabas ang notebook ko. Tahimik lang akong nagbabasa ng biglang may maglapag ng rosas sa lamesa ko.

Napaangat naman ako ng tingin at bumungad sa akin ang lalaking hindi makatingin ng diretso.

"Ahm.. Hi." Nakangiti niyang banggit at ng hindi ako magsalita ay nahihiyang nagkamot nalang ito sa batok.

"I'm Wesley from Engineering Department. G-gusto ko lang sanang makipagkaibigan kung hahayaan mo 'ko." He's wearing a polo shirt at halatang pormal ang dating nito.

"I'm Michelle, nice to meet you." Inilahad ko ang kamay na kaagad naman niyang tinugunan. Nginitian ko ito ng malapad. Ilang araw narin ng wala akong kalaro might as well to try an Engineer students, huh?

"I don't do serious relationship, babe. " biglang sambit ko at umayos ng upo.

"I-I'm aware.. a-and.." natigil nalang ito sa pagsasalita ng biglang may magsalita sa likod niya.

"Michelle." Nagangat ako ng tingin.

"After asking me to be your boyfriend, here you are, flirting with someone else." Puno ng sarkasmo na sambit niya.

"Get lost." Umalis naman yung Engineer Student. Nagcross arm naman ako sa harapan niya at sinamaan siya ng tingin.

"Akala ko ba ayaw mong makipaglaro?" Inis na sambit ko dito.

"Yung offer ko kagabi, hanggang doon lang yon. I don't do chasing, Clyd." Bahagya itong yumuko at pinagtapat ang mukha namin. Hindi ko pinahalata na nailang ako don. Nagtitigan kaming dalawa.

"Gusto mong makipaglaro?" Mahina niyang sambit at nakita ko kung paano bumaba ang tingin nito na kaagaran din namang bumalik sa mata ko.

"Sige." Pinaningkitan ko ito ng mata. "Boyfriend mo na ako ngayon." Nanlaki ang mata ko.

"Michelle! Ah-- n-nevermind."

Naitulak ko palayo sa akin si Clyd na nakangisi. Tiningnan ko si Anca na nakatakip ang kamay sa bibig at parang may kislap ng pangaasar ang mata.

"And oh, you're allergic to flowers right?" Kinuha niya ang bulaklak  at itinapon sa basurahan. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya iyon at kumindat lang bago siya umalis.

"Kyaaaa~!" Napangiwi ako ng ilang beses akong niyugyog ni Anca. Nasa likod niya lang si Harold at Gino na nakangisi sa akin na para bang nangaasar.

"Ano na, Michelle? Namumula ka." Natatawang banggit nito na sinamaan ko lang ng tingin. Ramdam ko ang pagiinit ng ulo ko dahil sa nangyari.

"Nasa Cullinary Art Department si Clyd at paano siya napunta dito sa department natin?! Isang building din ang pagitan, Michelle! Kyaaa~." Sunod sunod na tili nito sa akin. Tinakpan ko nalang ang tenga ko sa kaingayan niya.

Pero hanggang sa matapos ang klase, siya lang ang laman ng isip ko.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon