"TULAD TAYO"
"Bess, tara recess na tayo"- wika ni Lily. Kaibigan ko.
"Excited ka ah? Anyare?"-nasa canteen kasi yung crush ko. Sabi nito habang kinikilig.
"Sige, tara na nga. May nag-aantay kasi sakin"-sabi ko sabay hila dito.
Pagpunta namin sa canteen ay natanaw ko na si Leon. Siya yung kanina pang inaantay ko. 1 year na naming tinatago ang relasyon namin, kahit na si Lily ay hindi ito kilala.
Tatawagin ko na sana si Leon ng may lumapit ditong isa sa mga kaklase niya.
May pupuntahan ata sila.
"Missy, ipakilala mo na kasi ako sa jowa mo"-pangungulit sakin ni Lily.
"Chill lang, malapit na."-sabi ko dito sabay kindat.
"Promise yan hah."-sabi nito na parang bata.
"Oh, bakit parang ang lungkot mo?"-tanong ko.
"Yung crush ko kasi eh, di ko nakita"-nakangusong sabi nito.
"Sino ba kasi 'yang crush mo? Antagal mo na yang gusto ah?"-curious kong tanong.
"Basta, secret. 'Di mo nga sinasabi yung jowa mo eh. 'Wag kang mag-alala, pag pinakilala mo na yung jowa mo, papakilala ko na rin yung sakin"-nakangising sabi nito.
"Ipapakilala bilang ano? Kaibigan? Kasi friendzone? Hahaha"-natatawang sabi ko.
"Ang sama mo talaga! Malay mo bilang jowa hahahaha. Feel ko kasi, may gusto na yun sakin."-sabi nito habang nakatingala.
"Sabi mo yan hah"-ako.
-
Lumipas ang ilang linggo at 'di na kami masyadong nag-uusap ni Leon. Lagi kasing busy.
"Bess!"- malakas na karirit ni Lily.
"Nyare sayo?"- naguguluhang tanong ko.
"Ganto kasi..... Nung minsan, umamin ako sa crush ko, biruin mo crush din pala ako."- kinikilig na sabj nito.
"Wews, kala ko naman madadagdagan na naman ang kaibigan mo. Hahaha"- sabi ko habang tumatawa.
"'Di ah. Tsaka bess, may isa pa akong sasabihin. Promise, di ka maniniwala"- sabi nito na hindi mapakali sa upuan sa sobrang kilig.
"Ano na naman?"- tanong ko.
"Liligawan daw niya ako"- malakas na sabi nito.
"Wow! Bess, sino ba kasi yan?"-tanong ko.
"Basta, malalaman mo rin."-sabi nito habang may ka text sa cellphone.
-
"Leon, magkita nga tayo sa may bench, may sasabihin ako"-sabi ko habang katawagan siya. Nasa school pa naman ako dahil inaantay ko pa si Lily na matapos sa ipinapasa niya.
"Sakto, may sasabihin din ako eh"- sabi nito na halatang pagod sa practice ng basketball.
"Sige, papunta na ako, inaantay ko lang yung kaibigan ko."-sabi ko sabay patay ng cellphone.
.
.
Makalipas ang tatlong minuto ay dumating na si Lily."Bess, samahan mo ako sa bench. Ipapakilala na pati kita sa crush ko slash magiging jowa ko"- sabi niya sabay hila sa kamay ko.
Pagdating namin doon ay nakita ko na si Leon. Naka-upo habang nakatalikod.
May mga ilang istudyante pa rin. Ang iba ay nagawa ng project.
"Bess,wait lang. Pwede pakikuha nung cp ko, naiwanan ko kasi sa locker."-sabi nito. Pumayag narin ako dahil malapit lang naman ang cr, tsaka naiihi narin ako.
Pagkabalik ko ay nagkukumpulan ang tao. Ang iba ay may hawak na cellphone. Nakikita ko rin ang ilang papel na hugis puso.
Lumapit ako. Habang papalit ay hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Sinasagot na kita"-nakangiting sabi ni Lily.
Ang saya nila. Nakatayo si Lily habang nakaharap sa isang lalaki. Si Leon, siya pala ang matagal na niyang gusto.
Andito ako, kasi sasabihin ko sanang ipapakilala ko na siya sa parents ko. Tanggap na nila kami. Ipapakilala ko na rin sana siya kay Lily kaso, magkakilala na pala sila. Sila na ng bestfriend ko.
.
Nagising ako sa kaluskus ng paa. Nakita ko si Lily na papalapit sakin. Nananaginip lang pala ako.Napatayo ako dahil naalala ko si Leon, pupuntahan ko pa nga pala siya sa bench.
Magpapasama na sana ako kay Lily na siya ang unang nagsalita.
"Bess, samahan mo ako sa bench. Ipapakilala na pati kita sa crush ko slash magiging jowa ko"- sabi niya sabay hila sa kamay ko.
---------
This is just a work of fiction.