Chapter 1 - Present Day

2 0 0
                                    

ALYZA'S POV

Every step feels so heavy, I don't know if I should do this or not, but it will be unfair for both of us, if this relationship will still last. 

"Ayoko na! Tama na, ayoko na mag-panggap. Totoo na may mali sa relasyon na 'to. It needs to come to an end. Hirap na ko, Tama na!" 

Pinagtitinginan ako ng madaming tao, siguro pakiramdam nila nasisiraan na ako ng ulo. Sino ba namang hindi mababaliw sa kakaisip ng sitwasyon namin ni Ely. Five damn years. Limang taon ang pinagsamahan namin, pero sa isang iglap, babaliwalain ko lang iyon lahat. 

Malapit na ko sa meeting place namin, nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. 5:30pm na, usapan namin 4:30pm kanina pa ko paikot ikot ng mall. Nasaulo ko na lahat ng stalls dito hindi pa din ako mapakali. 

Tama ba? Tama ba na gawin ko 'to? Gagawin ko 'to para maging okay kami. Kasi nahihirapan na kong nakikita siya na nahihirapan. Baka mas maganda na magkahiwalay nalang kami. Pero t*ngna mahal ko siya. Ano ba?! 

Self.. kumalma ka. okay? You got this. 

Unti-unti humakbang ako papunta sa pinto ng bagong pagsubok, bagong buhay, bagong desisyon na pang habang buhay kong dapat panghawakan. Nanginginig ung buo kong katawan, natatakot ako magkamali kasi, isang desisyon, ang tatapos ng lahat. 

Limang taon, pinanghawan namin ang lahat ng pangarap namin para sa isa't isa pero parang hanggang dito nalang ata yon. 

"yes ma'am how may I help you?" sabi ng isang crew sa Starbucks

"no its okay, i'm with someone" sambit ko, habang pangiting umiiwas ng tingin sa crew ng starbucks. Nakita ko siya, hindi ko maipaliwanag ung nararamdaman ko. Para bang nakuryente ako, bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Nabawi lahat. Parang kaya ko ng bitawan ang lahat para sa kanya. 

Isang hakbang, dalawang hakbang, dalawang sambit ng salitang tumunaw sa puso ko. 

"Hi, Love" muntik ng gumuho ung mundo ko ng makita ko ung ngiti sa kanyang labi, ngiting hindi mo kayang ipagpalit ng kahit ano mang bagay sa mundo. 

"ahm, hello kanina ka pa ba? pasensya na, natraffic kasi ako" i checked my wrist watch its almost 6:00pm. Damn almost 2 hrs na kong late sa date namin. 

"No, its okay. I had a meeting here it ended around 3pm. No worries, I finished my drafts while I am waiting for you" - kita ko sa mga mata niya na nagsisinungaling siya. 

"Have you ordered?" - naiilang ako, hindi ko na alam kung papaano ko maitatago ung awkwardness naming dalawa. 

"Can we talk somewhere else? It's a little crowded here." 

"Yes, that's a good idea, actually I brought my car, we can use it" - habang sinasabi ko yon kinukuha ko na ung susi ko sa bag. 

"No, we can use mine. I have a car too, I should drive." - halata sa mukha niya ung pagkainis sa sinabi ko. 

Sa mga simpleng pagtatalo makikita na may problema talaga kaming dalawa. HIndi na kami magkaintindihan, may sari-sarili na kaming gusto gawin, at hindi na kami magtagpo sa iisang desisyon.

"Ah, osige. We should use yours. I'll just come back to get my car here" - napataas ata ang tono ng boses ko, kasi kita ko sa mata niya ang pagkagulat dun sa sinabi ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lawfully Obliged to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon