Ang sabi nila end of the world na raw, pero parang hindi naman, kasi lahat ng tao buhay pa at may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Parang kami lang, may sarisariling ginagawa sa paaralan. Malapit na kasi magbakasyon kaya ang daming pinapagawa ng mga Boss.. Kaya nung uwian watak-watak tuloy kaming BEBE FRIENDS ibig sabihin hindi kami sabay-sabay uuwi. As usual estudyante nga kasi dapat magsipag sa pag-aaral, sabi nga sa amin ng isang Professor "kapag estudyante ka, wala kang karapatang magreklamo".
An awesome day, unexpected happening in life. I wasn't expect anything to you. Hala, ang drma ko namam. Pero actually madrama talaga ng mga araw na iyan.
Naisipan kong bisitahin si Beng sa kanyang munting paaralan. Ang tagal ko na kasing nagsasabi sa kanya na bibisitahin ko siya pero lagi nalang nauudlot kasi nga busy diba. Yan, ang lagi kong rason kapag tinatamad ako.. Pero minsan lang naman. At sa mga araw na iyan kasama ko ang aking Budz, na pa-cute at mahal na mahal si Eunhyuk, actually baliw na siya sa koreanong iyon.
After a long month nagkita ulit kami ni Beng, ang saya diba. Syempre pinakilala ko ang aking budz. Kunwari nagkahiyaan pa pero ayun nagkasundo rin sa ilang bagay. At take note nakapasok ako sa school nila na hindi manlang tinignan ang I.D ko. Pero okey na rin para wala ng mahabang paliwanagan. Igagala lang naman ako ng aking Beng sa kanilang munting paaralan, at ng mga araw at taon na iyan ay patay-patay ako sa letrang em na iyon, kaya ayun, sa paglalakad namin sa hallway nakaupo ang lalaki, kunwari hindi ko kilala, para masaya diba. Ganyan naman kami eh, kapag nagkikita at may kasamang iba hindi nagpapansinan pero pag kami lang dalawa nagkikita walang pagbabago ganun pa rin naman. Ang trip ng dalawang kaibigan ko ay kausapin ko raw si letrang em, hay naku badtrip diba.. wala naman kaming pag uusapan sadyang ang trip talaga nila ako. Na-torete tuloy ako hindi ko siya makausap ng maayos . But anyway wala naman kaming pag-uusapan.
May hinahanap kasi kami ni beng, yung classmate niya. Hindi kasi namin makita sabi ng mga classmate ni beng umuwi na raw, kaya no choice uuwi na rin kami.. Hindi niya naman alam na pupunta ako kaya siguro umuwi agad diba. Hinatid namin si Budz sa sakayan ng bus may date pa kasi siya kay ELS.
Nagbalak na kaming umuwi ni beng nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Andun daw si Bhong. Edi sumilip muna si beng, syempre ako napasilip na rin diba. Siya na nga iyon.
Ang aking beng excited masyado nakalimutan niya yata na may kasama siya kaya ayan, napag-iwanan ako diba. Pero keri ko nman na sarili ko. Pagdating namin sa lugar na iyon, pinakilala ako ni beng sa classmate niyang iyon
pati na rin naman dun sa isa iba pa niyang kasama. Nagulat ako eh.. natorete yung isa niyang kasama. Eh, yung Bhong naman biglang nataranta.. hahaha..
Masaya na ako sa kung anong nangyari ng mga araw na iyan. Nakakilala ako ng ibang tao. Kailangan kasi sa course yun.. hehehe
A day with you is enough to describe the happiness that I feel.