Sean Delrama on the top👆👆
Note: there will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.
ITATAMA ko na ang lahat, nakaramdam ako ng awa sa mahinang si Andrew, binisita ko ang restawran nila Eunice. Tulad ng dati ay nasa restawran siya ng kanyang ina at si Aneth na tumutulong din dito. Ang ganda nito sa suot na unipormi.
“Can we talk, Eunice?” tanong ko rito pagkapasok ko pa lang ay siya na ang nilapitan ko.
“Hindi siya makikipag-usap kahit kanino.” isang matalim na tinig ang nagsalita sa likod ko, lumingon ako upang tingnan si Aneth ang ganda talaga nito. Kaya siguro nawala ang damdamin ko kay Eunice dahil dito. Pero hindi ko na muna siya pinansin ang mahalaga ngayon ay maka-usap ko si Eunice.
“Pasensya na Aneth gusto ko talagang makausap si Eunice.”
“Tungkol sa ano?” sa wakas ay nag salita na rin ito.
“Tungkol ba sa kaibigan mong si Andrew na nakipagtalik kay Alice?” galit na sabi nito sa akin.
Nagpanggap ako na ito ang aking unang pagkakataon na makita ang mga larawan na “Oh my God! Ang aking bestfriend” Alvin is a great pretender.
Nagkatinginan ang mag kaibigan nang tumingin sa bawat isa dahil sa reaction nito.
“Ibig mong sabihin na hindi mo alam ang tungkol dito?” nalilitong na tanong ni Aneth. Tumango ako na may paninindigan. Pareho silang hindi pa rin makapaniwala na wala akong alam sa mga larawan na iyon.
“Dapat kang mag-ingat kay Alice.” sabi ni Eunice, masaya ako na sa wakas ay nagsalita siya na pabor sa akin.
“Makikipag-pag usap ako kay Alice,” sabi ko at lumakad na upang umalis, ngunit ang mga huling salita ni Eunice ay lalong nagpapursige na ayusin ang nagawa kong gulo.
“Mangyaring huwag mo siyang saktan, Si Andrew,” dagdag pa nito. Akala siguro nito ay susugurin niya si Andrew dahil pinatulan nito ang kaibigan kong si Alice.
Mayroon pa rin siyang damdamin para kay Andrew sa kabila ng patunay paninira namin nina Alice dito. Kaya lalo tuloy akong naguilty sa mga nagawa ko kaya lalo kong itatama ang lahat alang-alang kay Eunice.
ALICE
I got home to find Sean because he calling me at three hours ago. Si Sean ay karelasyon ko ngayon, bukod pa kay Aaron na kinahumalingan ko noon, ngunit ginamit lang niya ako tulad ng paggamit sa akin ni Aaron noon. O sabihin na nating pinaglaruan lang nila ang damdamin ko, na hangad ko lang naman ay mahalin din ako pabalik ng mga taong minahal ko. Ngunit ano wala silang ibang ginawa kundi ang durugin nang pinong-pino ang puso ko.
Si Sean lang ang tumagal sa akin bukod kasi sa pera na binibigay ko pinupunan ko din nang aking katawan ang init nang kanyang pagnanasa sa akin, ngunit hindi ko naman ito mahal. Kahit guwapo ito, macho o magaling sa kama ay hindi niya ko na naman mahal o mamahalin dahil hindi naman natuturuan ang puso. Pampalipas init ng katawan ko lang ito at gan'on din siya sa akin, kaya patas lang kami.
Hindi niya talaga ito mahal dahil hanggang ngayon ay wala siyang ibang minahal kundi si Andrew lamang kahit pa madami na siyang nakarelasyon. Nang makita niya ito ay tinanong ko siya kong bakit siya napatawag.
Kaya lang 'di ko siya nasagot dahil busy ako kanina sa opisina.“What's the problem?“ i asked looking for him.
“Andrew has released Andria, I tried to get them but nakatakas sila agad dahil may dumaan ng taxi habang hinahabol ko sila.
“What the fuck!” galit kong pagmumura dito.
“Pasensya na may pinutahan lang ako, pagbalik ko nandoon na sila ni Andrew sa labas ng bahay, patakas.” angangatwiran pa nito sa akin.
“Sa oras na makulong ako dahil sa katangahan mo, malalagot ka sa akin.” i'm gonna get Andrew and Andria alive at kapag nakuha ko na sila. I kill Andria, para wala na akong problema dito, dapat noon ko pa siya pinatay at 'di na dapat ako naawa pa, Tsk. Bago pa nila ako maisumbong sa mga pulis ay uunahan ko na sila. Sana dapat pala pinatay ko na rin si Andria katulad ng kapatid nitong si Aaron. Kaya inutusan ko si Sean na maghanda at may gagawin kami, tumango lang ito at pumasok na sa kanyang silid.
NANG makarating sina Andria at Andrew sa bahay nito ay pina-ayos muna niya si Andria dahil sobrang dungis na nito halos isang taon din itong napabalitang nasa abroud. Pero iyon pala ay na kay Alice pala ito at kinidnap. Pumunta siya sa kusina upang gumawa ng hapunan nila ni Andria habang naliligo ito, bukas na lang sila pupunta sa munisepyo upang isumbong si Alice sa batas para panagutan nito ang pagkikidnap nito kay Andria. Wala na muna siyang papapasukin sa gabing ito o sa mga susunod na araw hanggang hindi pa niya nadadala si Andria sa mga pulis.Kaya mabilis niyang sinara ang mga bintana at pintuan. Matapos mailock ang pinto sa likod ng kusina ay sa harapan naman niya sana isasara ang pintuan ng maunahan siya ni Alvin na makapasok bago niya sana masarhan.
ANDRIA
NARINIG ni Andria na may kausap si Andrew, kaya bahagya niyang sinilip sa pintuan, para malaman ang dahilan sa likod ng pag-u-usap ng dalawa.
“Bakit ka pumunta sa bahay ni Alice?” tanong ni Alvin kay Andrew.
“Paano mo nalaman?” walang ganang sagot nito.
“Dahil nakita kita papunta doon, dahil iisa lang naman ang way papuntang restawran nina Eunice sa bahay nina Alice.” nagaalangang sabi nito kay Andrew. Alam ko 'yon dahil kitang kita ko ang mukha niya.
“Anong ginawa mo doon, alam mo namang iba mag-isip ang babaeng iyon.” tumaas ang boses nito sa sinabi halata na may kinatatakutan ito na may malaman si Andrew kay Alice.
Kaya hindi na ako nakatiis at lumabas ako mula sa silid na iyon, sumigaw ako upang mapansin siya ng dalawa.
“Siguro, natatakot ka malaman ni Andrew na ikaw ang kasabwat ni Alice.” napataas ang sulok ng bibig ko, dahil nakita ko kung paano ito mapalunok dahil sa tensyon.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo at bakit ka nandito.” Hindi ba nasa America ka?”
”Paano ako mapupunta sa America, kung nasa bahay ako ni Alice at kinidnap niya. Kaya habang madalas kang dumadalaw kay Alice at nag-u-usap kayo tungkol sa mga plano mo ay nariring ko iyon dahil ang bawat silid or mas tamang sa buong bahay ay may nakakunektang speacker at CCTV kaya lahat ng galaw at salita ng sinumang nag-u-usap ay makikita ni Alice at maririnig naman ng taong nandoon.” mahabang paliwanag ko kay Alvin.
“Gago ka bok, pinagkatiwalaan kita tapos tatraydurin mo ko. Anong nagawa ko sa iyong mali?” Pagkasabi ni Andrew ay binigyan niya si Alvin ng suntok. Hindi naman ito lumaban na nagpapatunay na ginawa nga ang bagay na iyon.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)
RomantizmPocketbook version feels in wattpad Title : What if I'm Loving YOU (Andrew+Eunice)story Genre: Romance Start Writen: October 05,2019 Finish Written: November 11,2019 Eunice Tailor, isang maganda at inosenteng babae, makakakuha nang atinsyon sa isa...