//Rhian"Anak gising na"
Tsk. Ang aga pa. Inaantok pa ako. Ang sarap matulog ang lamig ng panahon. Saka sunday palang ngayon ah.
"Mom ? Five minutes pa please ?"
Kainis kasi si Mom eh. Ang aga aga pa. Wala naman akong gagawin eh.
"Maligo kana at may naghihintay sayo sa labas"
Nagising ako bigla sa sinabi ni Mom. May naghihintay sa akin ? Sino naman kaya yun ? Masyado pang maaga para mangistorbo.
"Anak ? Rhian ? Bilisan mo. Kanina pa yun nagiintay."
Tss. Wala akong nagawa kundi bumangon. Sino ba kasi yun ? "Ok Mom. Eto na po. Babangon na"
Dumiretso na ako sa CR para makaligo na.
After 20 minutes.
Whoosh ! Ang lamig naman. Sumilip ako sa bintana para makita kung sino yung tinutukoy ni Mom na naghihintay daw sakin.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si JOHN ? Kanina pa kaya siya jan ? Nakakahiya naman na ang isang sikat ba heartthrob ay pinaghihintay ko.
Mabilis lang akong nagbihis. Pumili ako ng maganda dress para mukha naman akong presentable.
Teka nga ? Saan ba siya pupunta ? Bakit nakabihis ata siya ?
Bumaba na ako at pinuntahan si John sa labas.
"Kanina ka pa ba dyan ?" Sabi ko kay John. Nahihiya na ako sa kanya. Bakit ba lagi siyang nandito para sa akin ?
"Oo eh, pero ok lang nakita na kita eh"
Ano bayan. Sorry pero hindi talaga ako kinikilig. Mas kikiligin ako kung ang nagsabi sa akin niyan ay si Dre-. Noooo ! Erase ! Erase ! Erase !
"He-he, nakakahiya naman. Tara tuloy ka"
Pinapasok ko nalang sa loob si John.
"Para sayo nga pala" inabot sa akin ni John ang isang boquet ng roses.
"Thank you. Teka nga. Bakit ka naparito ?"
"Rhian ? Gusto sana kitang ayain ng date. Pwede ba ?" Grr. Naiinis na ako. Ayoko talaga kay John. Hindi ko siya kayang mahalin. Saka ang sabi lang naman niya sa akin ay tutulungan niya akong kalimutan si Drex.
"A-eh" hindi pa ako nakakapagsalita ay nagsalita siya ulit.
"Ah, kung ayaw mo ok lang. Marami pa namang next time eh"
"H-hindi naman sa ganon per-" naputol ang pagsasalita ko dahil biglang umepal si Mom.
"Oo John, pwedeng pwede si Rhian. Wala naman siyang gagawin eh. Mabobored lang siya dito. Sige alis na kayo."
Sinasabi yan ni Mom habang tinutulak ako palabas ng bahay kasama si John.
"Ah. Sige po. Salamat"
"Ok lang yun John. Basta iingatan mo ang prinsesa ko"
"Nako Tita Rhica, sinisigurado ko po. Sige po. Maunana kami"
"Ok. Bye!"
Ano bayan. Wala akong nagawa kundi sumama nalang kay John. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako pumayag eh. Saktong sakto pala ang pagsuot ko nitong Dress ko.
Sumakay na ako sa kotse ni John. At nagsimula na siyang magdrive.
"Saan ba tayo pupunta ?" Tanong ko kay John. Wala kasi akong ideya or kahit anong alam tungkol dito.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Diary
RomanceHindi lahat ng Bad Boy: -Cool -Astig -Walang Problema -Papetiks-petiks lang -At Masaya Sa likod ng Maangas nilang mukha, Ano kayang damdamin ang kanilang tinatago?