This story isn't edited. So expect wrong grammars and typical errors. Let me remind you guys, na this type of story isn't my genre. Enjoy!
Michelle.
Itinigil ko ang pagtipa sa keyboard ng loptop ko para magisip ng susunod na linya. I'm currently writing a formal essay about Juviniles. Isinandal ko ang likod sa swevil chair at bahagyang nag-inat bago muling ipinagpatuloy ang pagsusulat.
Hindi ko pinansin ang sunod sunod na pagvibrate ng cellphone ko. Gusto ko muna ng pahinga mula kay Clyd. Hindi ko alam kung bakit pangatlong araw palang ay drained na ako sa kanya what more sa next 2 months diba?
Pwede ko naman ng tigilan ang bet but there's something in me that I wanted to try. Besides, kasalanan ko din naman. Kumunot ang noo ko ng matutok ang mata ko sa screen.
"Ugh. No." Pinindot ko ng ilang beses ang backspace kasi wala ng connect sa Juviniles ang mga linya. And I blame Clyd for that. Huminga ako ng malalim at sinaved nalang muna ang unfinished essay ko sa Word at binuksan ang powerpoint.
Muli kong inilinis ito ng konti at dumako ako sa Excel kung nasaan ang survey result ng isa kong subject. Mukha ngang magagamit ko lahat ng Microsoft applications dahil lang sa extra subject ko para makapasa this semester.
Hindi rin alam ng parents ko ang tungkol sa pagiging irregular student ko. Sinabi ko lang na kailangan kong mag take ng advance classes for the next semester. And they've seems buying it so no worries.
Kinuha ko ang printed papers at inayos iyon sa isang folder. Printed research papers again. Yung research na hindi ko naipasa dahil kay Mika. So bale, back to zero kami kahit may ilan namang files na naiback up ang loptop ko pero di parin sapat para mabuo iyon.
I looked at my phone ng makitang 11 pm na. Naroroon din ang 15 unread messages galing kay Clyd asking if we could talk about something. Hindi na ako nagabalang replayan siya.
Ibinagsak ko ang katawan sa kama at pinikit na ang mga mata. To hell with you Clyd, manigas ka.
--
"Michelle! Bumangon ka na dyan!"
Marahan kong idinilat ang mga mata. Ala-sais palang ng umaga at mamaya pang alas nyebe ang klase ko. Binalot ko ng kumot ang katawan ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.
"Michelle!"
Hindi ko pinansin ang walang sawang pagtawag sa akin ni Mama. Kailangan kong matulog. Atsaka, tinatamad pa akong bumangon.
"Michelle! Si Clyd nandito sa baba! Michelle!" I groaned. Sunod sunod na malalakas na katok ang bumuo sa buong kwarto ko.
"Argh, ma! Pauwiin mo nalang." Inis na sambit ko at nagtalukbong.
"Ano ba Michelle. Buksan mo nga 'tong pinto!" Inis na bumangon ako at pikit-matang binuksan ang pinto.
"Ayusin mo nga 'yang itsura mo. Wala pang Undas, mukha ka ng bangag." Napairap ako sa kawalan at isinuklay ang daliri ko sa buhok ko.
"Anong gusto mo ma? Inaantok pa'ko. Mamaya pa ang klase ko." Reklamo ko dito.
"Nasa baba si Clyd. Gusto ka raw makausap." Napangiwi ako ng talikuran niya ako.
"Pakisabi umuwi na siya ma. Pakihatid narin." Isinara ko ang pinto at inilock iyon. Pumasok ako sa banyo at inayos ang sarili.
Napahikab nalang ako ng tuluyan akong nakababa. Nadatnan ko si Clyd na naghahanda kasama ni Mama.
"Anong ginagawa mo dito?" Inismiran ko ito.
"Usap tayo?" Kumuha ako ng isang tasa at nagtimpla ng kape. Nilagpasan ko lang din siya.
"Wala tayong dapat pagusapan." Walang ganang tanong ko.
"Meron. Hindi mo sinasagot ang tawag ko pati text." Tuluyan ko siyang hinarap.
"Palagi ko naman yang ginagawa Clyd. Ano pang bago?" I asked. Natigilan naman siya.
"Teka lang, ang aga-aga. Magaaway nanaman kayong dalawa. Aba't, kumain muna kayo tapos pagusapan niya yan." Natatawang sambit ni mama habang may mapanuring tingin sa aming dalawa. I sighed at hindi na umimik hanggang sa matapos kaming kumain. Nagku-kwentuhan lang naman sila ni Clyd.
"May pupuntahan kami ng papa mo. Magusap kayo." Ngayon ko lang napansin na nakabihis silang dalawa ni papa. Tumango nalang ako at nagpaalam. Umalis narin naman sila kaagad.
Walang umimik sa amin ni Clyd hanggang sa matapos akong maghugas ng plato. Dala ang kape ko, inilapag ko iyon sa mini table sa sala at umupo sa sofa.
"Michelle, usap tayo." Umupo ito sa single sofa at tumingin sa akin.
"Sabi ko sayo, wala tayong dapat pagusapan."
"Tungkol kahapon. Sorry." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ba't ka nagso-sorry?" I asked.
"I was out on line. I shouldn't judge that foreigner infront of you." Huminga ito ng malalim.
"So huhusgahan mo lang kapag di ko na naririnig?" I cross my arms. "You called him pedophile. He's not even flirting with me, Clyd. Niyaya lang niya akong kumain kasi ayaw niyang kumain magisa. I even insisted to pay with my food. He never touch me anywhere. He's distant." Kunot noong sambit ko sa kanya.
"He has twins, Clyd. At iyon lang ang pinagku-kwentuhan namin. So how dare you, na sabihin sa akin na I'm flirting with him without knowing anything?" I asked innocently.
"To tell you huh? Hindi naman ako ang nakipaghalikan sa iba habang naghihintay, right?" Natigilan naman siya.
"So, wala tayong dapat pagusapan Clyd. I'm a player Clyd, but I know how to repect my current partner. Never akong nagsabay." Ngumiti ako dito. "So if you'll excuse me, kailangan ko ng magayos para sa klase ko. Have a nice day." I patted his hair at dumeretso na sa kwarto.
Kailangan kong kumalma.
Matapos kong magbihis ay naroroon parin siya sa salas.
"Ano pang ginagawa mo dito?" I asked.
"Ihahatid ang girlfriend ko." Nakangiti na niyang banggit na para bang walang nangyari. He escort me sa kotse niya at doon sumakay ako ng walang imik.
Narating namina ng school na mapayapa. Hindi naman na ito nagparamdam. Not until Lunch came.
May nagabot sa akin ng paperbag. Binasa ko naman ang sticky note na nakadikit doon.
Sorry :((
-boyfriend :(
Napangisi nalang ako. Binuksan ko ang cellphone ko ng magvibrate ito.
From Monkey
Hey
I know I'm out of line again
Sorry
Hindi mo naman ako gustong makita
Kaya pinadalhan nalang kita ng lunch
Enjoy eating :*
--
BINABASA MO ANG
The Player's Endgame [COMPLETED]
Teen FictionZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endgame mean? - Former title: I Heard You're A Player