Chapter Ten

10 0 0
                                    

Hindi namin alam kung anong dadatnan namin sa kabilang bayan, pero nagpatuloy pa rin kami.

Nakalagpas na kami sa arko na may nakalagay na 'Vanity', ibig sabihin ay nakatawid na kami. Payapa ang highway, walang makikitang mga sira sirang sasakyan na nakaharang sa daan. Malinis ang kalsada at napakatahimik. Parang naglalakad lang kami papuntang convenience store.

Ala singko na ng hapon at hindi katagalan ay lulubog nadin ang araw. Natatakot ako sa kahihinatnan namin kapag dumilim na.

"Paulo tignan mo" pagbasag ni Stello sa katahimikang bumabalot sa bawat isa sa amin. Lahat kami ay napa angat ng paningin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin ni Stello at may nakita akong isang malaking sasakyan.

"It's an RV" bulalas ni Josh. Agad namang lumapit doon sila Paulo, Stello at Dustin. Akmang susunod din ako ng humarang ang kamay ni Josh sa harapan ko at inilingan ako.

Tumayo lang kaming tatlo na natira doon at pinanood ang iba pang tatlo na chinecheck ang sinasabi nilang RV.
Nang sumunod si Philip ay sumunod na din kami ni Josh papalapit sakanila.

"Bukas ang pinto" turo pa ni Paulo sa pintong may siwang.
"Hindi natin alam kung anong nasa loob" sagot ni Philip.
"Titingnan muna namin, dito lang ang iba sa inyo" pumasok si Paulo, Josh at Dustin sa loob habang naiwan ako kasama ang dalawa.

"Mikee, ayos ka lang ba? Ginulat mo kami nung nag dive ka sa tubig" lumapit sakin si Stello. Nginitian ko sya at sinabing ayos lang ako.
"Basang basa pa yang damit mo. Magpalit ka mamaya kundi magkakasakit ka nyan" i love how he always sounds as if he's my older brother.

"The place is safe. Call them to come in" rinig ko sa malayong parte ng sasakyan ang boses ni Paulo. Since si Philip ang pinaka malapit sa pinto ay sya ang nauna sa pagpasok. Sumunod ako at nahuli si Stello na sinarado and pinto dahil sa utos ni Paulo.

Labis akong namangha sa kung paano ito inayos. Napakaganda na tila lahat ng kailangan mo sa isang bahay ay nandito na.

Una muna syempre ang dalawang malaking upuan dito sa harapan. Ang isa ang para sa driver at ang isa ay dito sa malapit sa pintuan na nagsisilbinh shotgun seat.

Malaki din ang windshield ng sasakyan. Nang humakbang ako ay nakita ko sa itaas ang isang flat screen na tv. Pero sigurado na wala na yang silbi.

Dalawang couch ang magkatapat na pinuwesto sa kanan at kaliwa. Katabi naman ng dalawang ito ay ang parihabang mesa na may katamtamang haba ng upuan.

Sa kanan ay nakasandal na ang upuan sa lababo at sa kaliwa naman ay sa refrigerator ito nakasandal.
Napaka kintab ng tiles ng lababo na halos kuminang ito sa ilalim ng maliwanag na ilaw.

May hanging cabinet sa itaas nito. At sa ibaba ng lababo ay may naka install ng malaking microwave oven. Sa dulo naman ng lababo ay ang stove. Sa tapat nito ay ang silver na refrigerator.

Isang wooden closet naman ang nakatayo sa tabi ng refrigerator.
Narating ko ang isang pinto dito sa pinaka dulo at ng buksan ko ito ay tumambad sa akin ang munting cr. Maliit lang ito na space pero napagkasya ang toilet, toilet sink at ang mismong shower area.

Sa tapat ng pintong ito ay isa nanamang pinto. I bet this is the bedroom. Pagbukas ko ay nakita ko ang dalawang double deck na nasa magkabilang dulo ng kwarto. Sa gitnan ng pader ay naroon ang bintana at natatanaw ko ang pinagmulan namin kanina.

May isang mahabang kurtina na nakahawi sa gilid na kapag binulatlat mo ay maghihiwalay sa dalawang double deck sa magkabilang gilid.

Napakaganda at napaka ayos ng RV na ito. Parang walang tumira at nakalaan talaga para sa amin. Hindi siguro dito sinapit ng pamilyang nakatira dito ang malagim na virus na kumakalat. Maaring lumabas silang lahat at naiwan lamang nakabukas ang pinto.

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon