Chapter 11

87 3 1
                                    

Michelle.

"Galit ka pa?" 

Nagangat naman ako ng tingin. Si Clyd na may hawak na cup of coffee from Cherry's.

"Nope." Naghila ito ng upuan at nangalumbaba sa harap ko.

"Okay ka na?" Tinaasan ko muna ito ng kilay bago tumango.

"I'm sorry." Nginitian ko nalang siya. "It's okay. Bad habits, die hard." Sambit ko na nakapagpatawa sa kanya ng malakas. May ibang napatingin pa sa amin.

"So girlfriend, date me?" He asked. Umiling naman ako. Nawala naman ang malaking ngiti niya at bigla nalang siyang sumimangot.

"Akala ko okay na tayo? Ba't parang ayaw mo pa akong makasama?" Tinawanan ko lang siya.

"May activity pa kami mamaya." I said.

"After class?" Muli akong umiling. "Aayusin ko pa yung papers ko para sa Intrams."

"Naayos ko na yon." Tinaasan ko siya ng kilay. "Nasubmit ko na papers mo sa dean, kahapon."

"Way of my apology?" Nginitian ko lang siya. "So, makikipagdate ka na sa'kin mamaya?" Umiling ako ulit.

"Bakit nanaman?"inis na sambit niya.

"Nakalimutan mo na ba na naghahanda tayo para sa two day outing?" Napaisip naman siya.

"Ah.. right," mahinang sambit nito na para bang may naalala. Bahagyang tinapik ko naman siya sa balikat.

"Gusto mo mauna na tayo don? Ilan lang naman ang ihahanda nila Mama e. Atsaka nandon naman yung parents din nila Anca." Ngumiti siya sa akin.

"Good idea. Ang talino mo talaga," bahagya pa itong umiling iling. Tinampal ko naman siya s apisnge pero mahina lang atsaka tinawanan.

"Sipsip ka din." Natatawang banggit ko.

--

Matapos kong ligpitin ang gamit ko ay agad naman akong bumaba. Naghihintay na doon si Clyd.

"Ma, pa, alis na kami."  Sumakay naman na ako sa kotse ni Clyd.

"Buti pinayagan kang umalis ng maaga?" Sambit niya habang ini-start ang makina.

"Duh, susunod din naman sila bukas ng hapon." Ikinabit ko nadin ang seatbelt ko. Wala naman kaming masyadong napagusapan sa byahe hanggang sa makarating kami sa Ilo-ilo.

Agad kaming dumeretso sa isang resort na pagmamayari nila Clyd. Dito naman kami palagi tuwing outing kaya kilala kami sa resort dito.

"Same room." Sambit nito sa front desk at kaagad na binigay sa amin ang susi.

"Ilang buwan narin pala simula ng makabalik ako dito."   Sambit ko habang inililibot ang tingin sa kwarto ko. May veranda ito kung saan nakaharap sa dagat.

Inilapag ko ang gamit sa sofa at kaagad na itinali ang buhok ko. Umupo ako sa upuan sa may veranda at tumabi naman sa akin si Clyd na may dalang isang lata ng beer.

"Gabing-gabi iinom ka?" I asked. Malamig ang ihip ng hangin at amoy mula dito ang amoy ng dagat. Refreshing. Nakakatanggal ng stress. Lalo na't naririnig mo ang bawat paghampas ng alon. Idagdag mo pa ang kalangitan na puno ng stars at amg maliwanag na buwan.

"10th Death Anniversary ng papa mo." Mahinang sambit ko. Natawa naman siya.

"Yeah. Akalain mo yun? Sampong taon na pala." Naging malayo ang tingin nito.

"Sampong taon na, dapat hindi na masakit. Pero bakit masakit parin?" 

Kinuha ko sa kamay nito ang lata ng beer at ako ang umubos non. Hindi ko kasi alam ang sasabihin kaya mas pinili kong tumahimik. Ganito naman kami every year e. We go here kasama sila Harold, Gino at Anca pati mga parents namin kasi sa Death Anniversary ng papa ni Clyd.

"My mom-- no. She's not my mom." Pagbawi nito.

"Makikinig ako, Clyd. Katulad ng dati, makikinig ako sayo. Dito lang ako." Sabay kaming tumingin sa malawak na kalangitan.

"My mom left us for money. Niloko niya ang dad ko, paulit ulit pero ewan ko ba kay dad. Paulit-ulit niya ring tinatanggap. Until that day came, nagaway sila ng malala. I can even remember kung paano niya batuhin ng plato si dad." Mapakla itong natawa.

"Then she left us. Hindi niya pinansin si dad na nagmamakaawa sa kanya na manatili. Ang tanga naman kasi ni dad e, magmamahal na nga lang, sa ganuong klase pa ng tao." He stopped a bit atsaka huminga ng malalim.

"Then after two months, daddy died. Depresyon, alak, at kung ano ano pa. At ni hindi manlang siya nagpakita hanggang libing." He shrugged.

"I'm sorry, I get too emotional again." Sambit nito. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya pagkatapos kong bumuntong hininga.

"Huwag mong 'kong intindihin." Mahinang sambit ko. Ipinalibot niya ang braso sa likod ko at marahan akong niyakap.

"Thank you for listening." Hindi na ako nagkomento.

"It's your dad's 10th Death Anniversary. Isipin mo nalang, na hindi na siya nakakaramdam ng sakit. Wala na yung lungkot niya." Huminga ako ng malalim.

"Tito, pagsabihan niyo po yung anak niyo." Natatawang banggit ko na ikinatawa narin naman ng katabi ko. Ipinikit ko na ang mga mata. Kumportable ako na nasa bisig niya.

"Clyd.."

"Hmm?"

"Maging masaya ka na, please." Mahinang sambit ko. Naramdaman ko nalang ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ang malambot na bagay na dumikit sa noo ko.

"Soon, Michelle. We'll be happy.. soon."

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon