Chapter 12

85 3 0
                                    

Michelle.

The outing went well. We talked about things. May kaunting asaran din hanggang sa magkapikunan. Well, hindi lang naman kami ang nagenjoy kundi pati sila mama. Nandoon rin sila Harold, Anca at Gino. Pati si Clarise at nanay.

At katulad ng naging tradisyon, nagpalipad kami ng lantern pagsapit ng gabi. Kapartner ko si Clyd, at sa pagpapalipad ng lantern na iyon, kasama ang piping hiling namin sa hangin.

We never talked about our relationship. Si Clyd at ako. Hindi na namin pinaalam sa iba ang kung anong meron kami. Specially sa parents ko at kay Clarise. Alam naman na kasi ng mga hunghang kong kasama na boyfriend ko si Clyd.

Nauna ng umuwi sila mama and we've decided na magpahuli. Dalawa nalang ulit kami ni Clyd. They never asked about it kaya iyong ang ikinatuwa ko. Lunes na bukas.

Dala ang isang plato ng pagkain-- na luto ni Clyd since we shared the same room here, may dalawang kama naman ei. Binuksan ko ang loptop ko.

At kaagad na inayos ang ipapasa ko bukas.

"Sumali karin? Badminton?" I asked Clyd. Tumango naman ito at tumabi sa gilid ko. Sinilip niya ang loptop ko.

"An essay? Again?" He asked habang kumakain at tahimik na binabasa ang gawa ko.

"Yeah. Nakalimutan mo na ba na irregular student na ako ngayon? I have extra classes kaya palagi akong overtime sa school." Sambit ko.

"Free will?" Tanong niya. "An Essay on Free Will by Peter Van Inwagen, that'll help you a lot."

"Mahirap makahanap ng soft copy. Ang dqming hinihingi ng websites." Reklamo ko.

"Wait, I have a copy in my phone. Kinailangan ko rin kasi ng essay nung 2nd year college ako." Kinuha niya ang cellphone niya at kaagad na pinabasa sa akin ang free will. At dahil doon ay nagkaroon ako ng idea kung paano gagawing effective ang essay ko.

"Thank you. Isa nalag ang tatapusin kong essay." Nakangiti kong sambit. "Juviniles." He pouted.

"Ba't ang daming pinapagawa sa department niyo?" I shrugged at hindi siya sinagot. Nagawa kong tapusin ang essay kasabay ng pagkatapos ko sa pagkain.

Inilagay ko sa sink ang pinagkainan namin at kaagad na hinugasan iyon.

"So saan tayo pupun--" eksaktong pagharap ko ay ang pagtama ng ulo sa katawan niya. Napaatras ako ng konti dahilan para mapasandal ako sa lababo.

"Ano ba, Clyd." Nagangat ako ng tingin dahilan para lalong manlaki ang mata ko. Hindi lang ako pati siya. Kusa kong inilayo ang mukha ko at marahang itinulak siya para makaalis ako. Iniwan ko siya doon na gulat din.

Mabilis na pumasok ako sa banyo at inilock iyon. Humarap ako sa salamin. Shizzy. Ang pula pula ng mukha ko. Wala sa sariling napahawak ako sa lips ko.

Bakit kailangang magtama ang bibig naming dalawa?! Is.. that even considered as a kiss?

Ngayon, paano ako haharap sa kanya? I just accidentelly kiss him. OMO.

"Kyaaa~ Hmph!" Mabilis na tinakpan ko ang bibig. Buset Michelle bakit ka tumitili?!

"Michelle?! Anong nangyare?!" Sunod sunod na katok ang narinig ko sa banyo. Wala sa sariling napatingin ako dito.

"A-ahm. W-wala." Tumikhim ako ng ilang beses dahil bigla akong namaos.

"You sure? Okay ka lang dyan?"

"Yah. Don't mind me."

Huminga ako ng ilang ulit habang pinapaypayan ang sarili. It's not my first time na makahalik ng lalaki pero first time iyon kay Clyd. At hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nang maayos ko ang sarili ay lumabas ako ng banyo. At doon ko siya nakitang nakahiga sa kama niya hawak ang lips niya at nakatitig sa ceiling. Iniwas ko ang tingin.

"You okay?" Tumango ako at pilit iniiwasan ang tingin niya. Umupo ako sa gilid ng kama.

"Hey, may problema ba?" Umiling ako.

"Your lips feels soft." Nanlaki ang mata na tiningnan ko ito.

"Shut up, Clyd." Ngumiti ito sa akin ng malapad.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko a, malambot naman talaga ang mga labi mo." Ramdam ko ang pagiinit ng buong mukha ko.

"Shut it up, Clyd. You're making me uncomfortable." Bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Really?--wait! Ouch!" Sunod sunod ko siyang binato ng unan.

"Teka lang, taba. Ano bang kinagagalit mo dyan?" Natatawang tanong niya. Sinamaan ko ito ng tingin. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, a?" Inabot ko ang kumot sa kama ko at binato siya nito.

"Ang pula-pula nang mukha mo, hun." Tumayo ito at lumapit sa akin. Umupo siya sa gilid ko pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"I want to kiss my girlfriend for being so adorable." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Napaiwas ako ng tingin. 

"Stop Clyd." Mariing suway ko dito. "Oh, hun." Ngumisi siya sa akin. Tinapik ko naman ang kamay niyang humaplos sa pisnge ko.

"Let me.. kiss you." Inilapit niya ang mukha sa akin. Nanlaki ang mata ko dito kaya tinampal ko ang noo niya.

Napangiwi naman ako doon. Napalakas yata.

"Ang brutal mo talagang babae ka, kahit kailan." Nahihirapang sakit niya. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at tiningnan ang noo niya.

"Does it hurt?" Nagaalalang sambit ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa noo niya at ibinaba niya iyon sa balikat niya. Nagtama ang tingin naming dalawa.

Para bang sumikip ang paligid. Tumigil ang lahat. Wala na akong ibang narinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Ni hindi ko napansin na masyado na siyang malapit sa akin.

"Michelle."  Mahinang pagtawag nito sa akin habang titig na titig sa mata ko.

"W-what?"

"Baka gusto mong lumayo. Tsansing ka na e."

At dahil sa sinabi niyang iyon ay ang pagangat ng kamay ko sabay hila sa buhok niya. Naririnig ko parin ang malakas na tawa niya.

"A-aray! T-tama na. HAHAHA. Di na k-kita aasarin HAHAHA."

Binitawan ko naman siya kasi namumula na ang buong mukha niya.

Kahit kailan talaga! Argh.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon